Chapter 36- Im happy but it hurts(Scoups and you Part 3)

15 4 0
                                    

Chapter 36- Im happy but it hurts (Scoups x Seungcheol biased reader)

(Scoups POV)

*Continuation of flashback*

Nakatitig ako ngayon sa cellphone ko, wala akong nareceive na message galing sa kanya since the day we babysit Xian.

I texted her pero wala syang reply. Im worried, nag aalala ako na baka kung anong nangyayari sa kanya.

Nakatingin lang ako sa kawalan until i finally made a decision, di ko matitiis na di sya makita sa araw na to.

Pupuntahan ko sya sa bahay nila at kakamustahin.

Dali dali akong naglakad papuntang banyo habang sabit sabit sa balikat ko ang towel para maligo, gusto ko mas mukha akong gwapo sa paningin nya, ayokong magkagusto sya sa ibang lalaki dahil di ko yun kakayanin.

Pagkatapos maligo ay nagmadali nakong magbihis at inayos ang sarili ko.

Nagsusuklay palang ako ng buhok nang may marinig akong nagdoorbell sa baba.

Wala akong balak bumaba dahil baka mga bata lang yun na pinaglalaruan ang doorbell pero may parte sakin na nagsasabi na pagbuksan at baka importante.

Habang pababa sa hagdan , di mawala sa isip ko si Jirjean.

Napapangiti nalang ako habang iniisip yung mukha nya kapag pinagbabawalan ako. Nagbago na nga ako at dahil yun sa kanya. Pagdating sa kanya i can't say no, di ako maka angal  dahil alam kong magagalit sya at ayokong mangyari yun.

Ayokong nagagalit sya sakin.

Pagbaba ko sa hagdan ,i quickly grab the doornob to open the door and then went outside to open the gate.

Nagulat na lamang ako at napangiti sa nakita ko, she's here.

"Surprise!!!!!!!" Nakangiti nyang bungad sakin pero nawala din yun nang tingnan nya ang suot ko.

Sumibangot naman itong tumingin sakin.

"San punta mo? May dinedate kana bang ibang babae ha?" Sigaw nya sakin, selosa talaga.

"Hindi ah"

"Eh ano yang suot mo?" sabi nya at tinaasan ako ng kilay.

masyado syang cute

"I'm about to visit you pero naunahan mo ko eh" sagot ko naman sa kanya.

"Anong bisit bisit sinasabi mo dyan?" Tanong nya naman sakin.

"Mali bang namimiss lang kita?" Sagot ko na ikinangiti nya.

"Miss moko?" tanong nya ng nakangiti.

"Oo naman, ako di mo ba namiss?" Tanong ko at nagpout.

"I miss you too Cheol" sabi nya ng seryoso.

Napangiti naman ako sa tinuran nya.

"Ba't nangdito ka?" tanong ko ng may pagtataka.

"Mali bang bisitahin ko yung jowa ko at ayain sa park?" napangiti naman ako sa sinabi nya.

Araw araw nalang nya kong pinapangiti, di ko alam gagawin ko pag nawala sya.

"Ang sweet mo!" sabi ko at pinisil pisil yung mukha nya.

Kumunit naman yung kilay nya at tiningnan ako ng masama.

"Tumigil ka nga!!!" Nahihirapan syang magsalita dahil sa pagkakapisil ko.

"At bakit naman?"

"Baka lumaki mukha ko at baka di ka na magkagusto sakin!" dire diretso nyang sagot.

"It will never happen" sabi ko at tumigil sa kakapisil at tiningnan sya ng seryoso.

"Kahit anong mangyari, kahit kumunot payang balat mo. Isa lang ang dapat mong tandaan, i will always love you no matter what and i'll never leave your side through any struggles" at saka ko hinalikan ang noo nya "We will fight what ever problems and challenges conquers our way, we will stay together like what we always do."

Itinaas nya ang noo sakin at pilit inabot ang mukha ko para halikan ako.

"Please don't escape from my vision, don't disappear  even when morning comes. Your small hand movements puts my heart in a whirl" at saka nya naman ako hinalikan sa noo.

"Huh?" Tanong ko na nagpatawa sa kanya ng malakas pero ibinalik din sya sa pagiging seryoso.

"Ito tandaan mo, gihigugma taka! mahal kita! i love you! Saranghaeyo! Mahal na mahal na mahal na mahal kita Cheol ,higit pa sa sarili ko" sana di na matapos ang araw na kasama ko sya.

"Tara na?" Tanong ko kahit halata parin na namumula ako sa mga sinabi nya.

Hinawakan nya ko sa kamay at saka nagnod.

"Cheol gusto ko maglakad lang tayo"

I look at her pero diretso lang yung tingin nya sa daan.

"Bakit naman?"

"Gusto ko matapos ang araw na toh na kapiling ka, i want to spend every second with you kahit ngayong araw lang" seryoso sya habang binibigkas ang mga salitang yun.

Ngayon ko lang sya nakitang ganito ka seryoso.

"Tingnan mo oh!" sabi nya at tinuro ang mga rose sa tapat "Ang gaganda!" nakangiti sya na para bang manghang mangha sya sa nakikita.

"Yeah, just like you" i simply smiled.

"Nakakainis ka talaga! Lumayo ka nga!" sagot nya at tinulak ako pero  niyakap ko sya na nagpatigil sa kanya.

"Sometime i wondered what did i do to deserve such a beautiful woman like you" at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

Naramdaman ko din ang pagganti nya ng yakap.

"I ask myself the same thing too"

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now