Chapter 28 - Visit
(Churi's POV)
Nakarating na kami sa Hospital at di ko maiwasang mapangiti nang makita si Hoshi.
Pero ganon parin ang kalagayan nya, di pa rin gumigising.
"Guys ,bili muna kami ng pagkain" pagpapaalam samin nila Woozi habang hatak hatak si Jun.
Tumango naman kaming lahat at naglakad na sila paalis.
Umupo ako sa gilid ng kama ni Hoshi at hinawakan yung mga kamay nya, sabi nung nurse kanina bumisita daw dito yung Kuya ni Hoshi nung nakaraang araw pero saglit lang din dahil sa busy na schedule.
Naaawa ako sa kanya, naawa ako dahil parang wala namang pakialam yung pamilya nya sa kanya.
Gumising kana please, nahihirapan na ako.
"Churi, okay ka lang?" Tanong sakin ni Wonwoo at pasimple naman akong tumango sa kanya.
Nginitian nya lang ako at bumalik sa ginagawang pag aarange ng bulaklak sa vase.
"Milktea" naiangat ko naman yung tingin ko kay Joshua habang nilalahad nya sakin ang isang Milktea, tinanggap ko naman yun at tipid syang nginitian.
"Miss mo na talaga sya noh?" napatingin naman ako sa kanya habang sa hawak nyang milktea lang sya nakatingin.
Tumunggab muna ako ng inom at saka sumagot.
"Oo, sya lang yung napagsasabihan ko ng mga sekreto ko" uminom din sya ng milktea at ngumiti sakin.
"Alam mo, nung mga panahong magkasama kayo, dun lang namin sya nakitang masaya" napatigil naman ako sa pag inom at tiningnan si Hoshi, sumaya sya sa piling ko?
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Joshua habang diretso lang yung tingin ko kay Hoshi na mahimbing parin sa magkakatulog.
"Nung kami lang sa room, halos di yan nagsasalita" sabi nya habang nginunguso si Hoshi, pero kapag magkasama kami halos irecite nya na lahat ng words sa dectionary.
"Bat di sya nagsasalita?" tanong ko ulit sa kanya.
"Di rin namin alam, laking gulat nga namin kapag nakikita syang tumatawa habang kasama ka" sabi pa nya na mas ikinabigat ng loob ko.
Akala ko masayahing tao si Hoshi, pero kapag kasama nya lang pala ako.
Masakit din para sakin at nakakaramdam ako ng konsensya sa mga nagawa ko sa kanya noon.
Di ko naman alam na ganyan pala sya, kaya kapag magkasama kami, palagi ko nalang syang inaaway dahil sa kakulitan nya, kung alam ko lang noon pa .
"Sorry Hosh" mahinang bulong ko sa kanya habang pumapatak yung luha ko sa mga mata, di ko mapigilang mapaiyak dahil sa sinabi ni Joshua sakin.
"Hey, did i say something wrong" dinjg kong pag aalala ni Joshua, agad naman akong umiling pero patuloy parin ako sa paghikbi.
Napahinto naman yung iba sa ginagawa nila at tumingin sa direksyon namin.
Pilit akong pinapatahan ni Joshua pero patuloy paring umaagos yung mga luha ko dahil sa kadismayahan ko sa sarili ko, napakawalang kwenta kong kaibigan, sana hindi na huli ang lahat.
"Okay lang yan Churi, malakas yan si Hoshi, magigising yan" pagpapakalma sakin ni Dino.
"Oo nga, kapag nagising sya magcecelebrate tayo" pag sang ayon naman sa kanya ni Mingyu.
"Magpaparty tayo sa bahay nila, mahilig yan sa videoke" sabi naman ni Seungkwan.
"Oo nga, papakinggan natin sya habang kinakanta nya yung buong songbook" sabi naman ni DK kaya humagalpak silang lahat sa pagtawa except samin ni Joshua na di parin nababago yung mga ekspresyon.
Wala ako sa mood para makipagtawanan.
"Tulungan mo nga ako!"
"Bala ka jan, sinabihan mokong tubol!"
Napatingin naman kaming lahat sa nagsisigawan habang papasok na sila Woozi, si Jun na may hawak hawak na box ng mga pagkain at si Woozi na tanging cellphone nya lang yung dala dala.
Agad namang ibinaba ni Jun yung dala nya sa lamesa at parang may nangyaring gyera sa loob ng hospital dahil sa kanya kanya nilang paghatak ng pagkain, may iba pang nag aagawan, kala mo naman mauubusan.
"Akin nga yan! Ako nauna!" Sigaw ni DK.
"Walang sayo, akin toh!" sigaw naman ni Seungkwan.
"Tumigil nga kayo, pipitikin ko itlog nyong dalawa" napatigil naman sila nang magsalita si Jeonghan.
Napairap naman sila sa isa't isa hanggang sa napag disesyonan ni DK na kumuha nalang ng sa kanya.
"Here" napatingin naman ako sa nagsalita na si Jeonghan na inaabot sakin ang isang launchbox.
Tiningnan ko lang sya at naghintay ng sasabihin, napabuntong hininga naman sya bago magsalita ng buo. "Eat this for yourself" napairap naman sya.
"Di ako kumakain ng launchbox" pamemelosopo ko.
"Eat what's inside the launch box, i did'nt say eat the whole launchbox" pang eexplain nya na kala mo naman napakabobo nung kausap nya. "Look, kung ayaw mo----
"OO NA ,KAKAIN NA ITO NA NGA OH SUSUBO NA" Pambabara ko sa sasabihin nya, kala nya naman di ako ginugutom.
Umupo naman sya sa katapat ko, si Joshua umupo malapit kay Minghano.
"Longhair pwede magtanong?" Tanong ko kay Joenghan kaya napatigil sya sa pagsubo.
"Don't you dare call me that" ma awtoridad na sagot nya.
"Sige, Jong jong pwede magtanong?" tanong ko na naman pero kumunot na naman yung kilay nya habang galit akong tinitigan.
"I have a proper name" pang eenglish nya na naman.
"Okay Jeonghan, sakin lang ba talaga sumaya si Hoshi, bat sya naging ganyan?"
Narinig ko yung pagbuntong hininga nya bago sagutin yung tanong ko.
"No, its because of his family" sagot nya.
"Bakit ? Anong family?" sunod sunod na tanong ko.
"Walang nagpapahalaga sa kanya sa pamilya nila dahil anak lang naman sya sa labas" sagot nya, napakunot naman yung noo ko dun, ang dami ko pang hindi alam tungkol kay hoshi.
Kaya siguro walang halos dumadalaw sa kanya.
Dahil para sa kanila, di sya mahalaga.
*Vote comment and share the vibes!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."