Chapter -88- Ang paglalasing

16 4 0
                                    

Chapter 88- Ang paglalasing

(Hoshi's POV)

"Okay ka lang Lexine?"  Nag aalalang tanong ko sa kanya. Tumango sya sakin at inalalayan ko syang tumayo habang basang basa parin ang mga damit namin.

"Ako na sasama kay Lexine hosh, magbihis kana kasi malamig" pagprepresenta ni Churi sa sarili nya. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Naglakad na sila paalis at naglakad na din ako papunta sa room namin.


Nakasalubong ko pa sila Joshua na hingal na hingal at naghahabol ng hininga pabalik sa venue.

"Parang pinagplanohan ata nung mga babaeng yun  yung ginawang pagtulak kay Lexine kasi may motor na nag aabang sa kanila sa labas kaya madaling nakatakas" hinihingal na sabi ni Jeonghan.

"Sige, salamat sa inyo."

"Nasan na si Lexine ngayon?" tanong ni Joshua sakin.

"Sinamahan ni Churi para magbihis kasi ang lamig ng tubig" tumango naman sila sa naging sagot ko.

"Sige na hosh, magbihis kana rin kasi itutuloy pa natin yung celebration" Sabi ni Mingyu sakin , tumango ako sa kanya at pumunta na sa kwarto.




***

(Churi's POV)

Matapos kong samahan si Lexine ay naglakad na kami pabalik. Nagpasalamat sya sakin habang naglalakad pabalik, i looked at her and smirked then i heard her chuckle.

Kita na namin mula sa malayo sila Hoshi, nakapagpalit na din sya ng damit kaso medyo basa parin yung buhok nya.

Pansin ko rin na nawala na yung mga tao kanina sa pool at lahat ng nakikita ko ngayon ay mga kaklase ko lang except kay Lexine, Kris at Kuy---



Shyt

Agad na nagsalubong yung kilay ko nang makita syang umiinom ng beer habang yung isang kamay nya ay may hawak ding isang bote ng alak.

Nakatawa pa sya at halatang lasing na, parang close na close pa sila ng mga kaklase ko kaysa sakin.



Mabilis akong nag lakad papunta sa kanila.

"Kuya!!" inis kong sigaw sa kanya at lumingon silang lahat sakin habang nakataas ang kilay , si Kuya kayong lahat?



"Ano ba Kuya, baka nakakalimutan mong  uuwi kapa ng Pinas bukas!" sabi ko habang pilit binabawi sa kanya yung isang bote ng alak na tinutunggab nya.

"Itong  kapatid ko talaga na ito, dito kaya tayo nakatira ,hayaansh mo na shi akoo, anggg gwapo ko kaya" sabi pa nya kahit magkahiwalay na yung dalawang mata dahil sa kalasingan.

"Maaga flight mo bukas, baka maiwan ka ng eropano!" tinawanan nya lang ako na halatang wala na sa sarili.

"Sanay naman akong maiwan eh, lagi nalang nila akong iniiwan" at humugot pa talaga ang walang hiya.

Kita ko sila Hoshi na nagpipigil ng tawa pero di talaga nakaligtas sa paningin ko si DK na sobrang pula na dahil sa pagpipigil.


"Baby ko? Babe why are you like that? Di naman kita iniwan ah, kita mo? Im here, gusto mo ng kiss?"  Sabay nguso ni Mingyu kay Kuya. Halos sabunutan ko na si Kuya sa buhok dahil sa inis habang sabay sabay namang tumakbo palayo si DK at Hoshi para tumawa ng malakas.


"Baby, your my only love" nabigla nalang ako nang lumapit si Kuya kay Mingyu habang kumakanta ,wala na talaga sya sa tamang pag iisip. "Baby ,i love you very much" dag dag pa nya.


Napatakip ng baba yung iba habang nasampal ko nalang yung sarili ko dahil sa ginagawa ni Kuya ngayon. Sure na ba toh? Magbabakla na sya? Ate na ba dapat tawag ko sa kanya?


Lahat kami natigilan nang hawakan nya si Mingyu sa mukha. Lasing na lasing na talaga sya.

"Mahal na mahal kita, maging alien ka man" Kita ko mula sa likod nila si Hoshi at DK na kakabalik lang matapos tumawa. Pero tumawa na naman sila nang makita ang posisyon ng dalawa. Humagalpak ng tawa si DK at naupo na sa sahig habang hawak hawak ang tiyan habang pinipigilan naman ni Hoshi na gumawa ng ingay.



"Shyt! This is crazy! Tristan what are you doing?" bigla nalang sumulpot si Kris, nagtaka pako nung una kung bakit nya kilala si Kuya pero naalala ko na pumunta pala sya sa bahay namin para humingi ng sorry sakin, yun yung time na nabuhosan ko sya ng isang baldeng tubig.

Wag nang ipaalala pa.



"Help me get Tristan to my room" ma awtoridad na sabi ni Kris at tinulangan naman sya nila Vernon at sumama narin si Jeonghan.

In his room daw?


Susundan ko sana sila kaso may humila sa kamay ko. Nabigla ako nang makita si Michelle. Nakangiti lang sya sakin at ngumiti din ako sa kanya.

Nangdito din pala sya, kala ko kami lang ni Lexine. Kahit papaano ay naging kaclose ko rin sila dahil dun sa ginawang pagkidnap ni Seshuki. Mas nakilala ko silang dalawa. Should i laugh?




"I saw what they've  done to Lexine, is she okay?" tanong nya sakin.

"Yes, she's with Hoshi right now." I smiled at her.

"How sweet"








-♡♡♡






When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now