Chapter 47- Just me and you
(Churi's POV)
Nasa Cafeteria kami ngayon at kasama ko si Jeonghan na busy sa pagkain. Kanina pako naiilang dahil sa titig nya.
"Bat ka ba nakatitig?May dumi ba sa mukha ko ha?" ngumisi lang sya sakin at tinuloy ang pagsubo ng burger.
Naluko na ata tong lalaking toh, ngingisi lang kapag tinatanong.
"Hoy inaano ba kita?" sita ko na naman sa kanya , kundi ba naman kasi kumakain tapos sakin nakatingin.
"I like staring at your face" sambit nya at sumubo ulit.
Bigla nalang syang natawa habang punong puno parin ang bibig.
Wala paring tigil yung tawa nya hanggang sa maubo sya ng walang tigil at nabilaukan.
Agad ko namang kinuha ang tubig at inabot iyon sa kanya.
"May nakakatawa ba sa mukha ko ha? Kung makatawa ka dyan!"
Umayos muna sya ng upo at saka tumingin sakin.
"Alam mo matagal na tayong magkaibigan eh"
"Share mo lang?"
"Hindi, ngayon ko pa kasi napatunayan na ang ganda mo pala" bigla ko nalang nabuhos sa mukha nya yung tubig na naipon ko sa bibig ko.
"Churi naman oh" daing nya habang pinupunasan yung mukha nya .
"Ginugulat mo kasi ako eh!"
"Totoo naman ah!"
Nambola pa talaga tong Jeonghan natoh. Kala nya naman sasagutin ko sya dahil sa mga pambobola nya.
"Aysus, nambola pa" dinig ko ang pag ubo nya na naman kaya tiningnan ko sya pero nagsalubong lang yung mga mata namin.
"Hindi kita binobola dahil hindi ako nagsisinungaling" titig na titig yung mga mata nya habang sinasabi ang mga salitang yun sakin.
Sya yung tipo ng tao na kapag nagsimulang magsalita parang di mo na gugustuhing umangal.
"Ahhh, diba sasama ka sa Netherlands?" pagbabago ko sa usapan, ang pangit lang kasi para sakin kasi kahit kailan wala akong naririnig sa iba na maganda ako, parang sya pa ata ang pinakaunang tao na nagsabi sakin nun.
"Sasama ako kapag sasama ka" sagot nya at saka sumipsip ng milktea at saka inabot sakin yun "Para sayo" napangiwi nalang ako sa kanya.
"May laway na yan!" at pilit kung ibinalik sa kanya yung milktea na inabot nya.
Tumawa naman sya sakin at tumayo papunta sa tindahan ng milktea at nakita ko syang bumili ng dalawa at dala dala nya na yun pagbalik nya.
"Oh" inabot nya sakin yung isang milktea at saka umayos ng upo "Napakaswerte ko kung magiging girlfriend kita" napatingin naman ako sa kanya habang binubuksan yung straw.
"Bakit naman?"
"Ang cute mo kasi mahar" nakasmirk lang sya sakin habang sumisipsip ng milktea. Di ko alam kung bakit ako kinilig nung tawagin nya kong mahar. Ang sweet nya kasi pakinggan, habang tumatagal ang panahon mas nagiging sweet yung personality nya.
"Anong mahar pinagsasabi mo jan?"
"Mahal na mahal kasi kita Jagi" sagot nya naman sakin at nagsimulang magpacute "Ako di mo ba mahar?" nagsimula na syang magpout kaya napako na yung tingin ko sa mukha nya, bat ang cute?
"Your turning red" he said and smirk but now as a heartrob stealing my pinkish heart.
Pinisil ko yung pisngi nya dahilan ng lalong pagkyut nito, di ko na maiwasang mapangiti sa inaasta nya "Ang sarap mong iuwi"
"Edeh iuwi moko, gusto ko pareho tayo ng kwarto" agad ko naman syang binitiwan at galit ko syang tinignan.
"Ang dumi mo mag isip" inirapan ko lang sya habang sya naman tong tudo ang pagsmile.
"Hala nagalit ang mahar ko"
"Halika na nga, malalate tayo nito eh" Hinawakan ko yung kamay nya at ginuyod yung kamay nya sa daan pabalik sa room namin.
Tumigil sya sa paglalakad kaya napatingin ako sa kanya, he's like a badboy everytime he stares at me like this. Nakakatunaw yung mga tingin nya.
"Date tayo mamaya pagkatapos ng klase mahar" nagsimula na naman syang tumitig sakin.
"Kakatapos lang natin ah, diba date yun?" tanong ko sa kanya na ikinatawa nya ng mahina.
"It's not a date for me--lumapit sya sakin at tinitigan ako sa mata "a true date is when a man shows how he really loves the woman" nanatili akong nakatitig sa kanya.
"Oo na sige na baka malate pa tayo nito" at nagsimula nakong maglakad papuntang room namin pero agad din akong natigil nang may ma alala ako.
"Na sayo ba yung icecream na ibibigay ko kay Hoshi?" pagtatanong ko sa kanya at tumango naman sya pero yung mukha nya parang lumungkot.
"Oh? Napano ka?" Nilapitan ko sya at tiningnan kung anong mali sa kanya pero wala naman.
"Nagseselos ako mahar, palagi nalang si Hoshi na sa isip mo" nagpout na naman sya na akala mo naman bata na naagawan.
"Si Hoshi na sa isip at puso ko kasi minamahal ko sya bilang kapatid ko, ayaw kong mawala ulit sya sakin dahil di ko yun makakaya-- nakatitig lang sya sakin habang sinasabi ko ang mga iyon ,naghihintay lang sya sa susunod kong sasabihin - at ikaw -tinuro ko sya "nasa puso na rin kita at tinuturing kita hindi bilang isang kapatid kundi higit pa sa kaibigan"
Bigla nalang syang ngumiti ng napakatamis at lumiwanag yung mukha nya sa sinabi ko.
Bigla nya nalang akong yinakap ng napakahigpit habang sinusuklay yung buhok ko.
"Kaya nga mahal na mahal kita Jagiya"
*Vote comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Novela Juvenil"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."