Chapter 35- Scoups and Jirjean Part 2(Scoups x Seungcheol biased reader)
(Scoup's POV)
*Continuation of flashback*
Naging close na kami ni Jirjean, yung babaeng nakilala ko sa Cafe.
Mula nung pangyayari na yun, naging close na kami sa isa't isa. Sabay na kaming nag babasa at pa minsan minsan pa nga nagkwekwentuhan kami habang umiinom ng milktea.
"I try mo kaya yung binasa ko, alam kong magugustuhan mo yun" sabi nya at nakangiting nakatingin sakin.
"Ahh, tungkol saan ba?" pagtatanong ko
"Tungkol sa magbestfriend na babae at lalaki" sagot nya naman.
"Jirjean may tanong lang ako" sabi ko at tumango naman sya pahiwatig na magpatuloy ako sa pagsasalita.
"May nangligaw na ba sayo?" tanong ko at halata sa boses ko yung pagkailang sa nangyayari.
Tumawa naman sya at umiling iling.
"Wala pa" sabi nya na gumuhit ng ngiti sa labi ko.
"Hmm ,pwede ba kitang ligawan?" Di ko na napigilan na matanong sa kanya yun.
"Oo naman ,ikaw pa!" Sabi nya na mas ikinangisi ko pa.
Napakasaya ko nang marinig ko yun mula sa kanya.
•••
Araw araw na kaming magkasama at halos tatlong buwan na rin akong nangliligaw sa kanya.
Nangdito ako ngayon sa bahay ng tita ko, nagrequest kasi sya sakin na bantayan ko raw yung anak nyang bata kaya heto ako ngayon at nagbebabysitting.
"Xian tama na, Wag ka nang umiyak please" sabi ko at pilit pinapatigil si Xian sa pagiyak pero iyak parin sya ng iyak.
Di ko alam kung anong gagawin, hindi naman ako pamiyar sa mga bata, ano bang dapat kong gawin?
Isa lang ang pumasok sa isip ko at yun ay si Jirjean, agad kong dinampot yung cellphone ko at tinawagan sya.
Agad nya naman itong sinagot.
"Cheol?"
"Jirjean, busy ka ba?"
"Di naman bakit?"
"tulungan mo naman ako oh"
"Saan?"
"Babysitting, di kasi sya tumatahan, di ko na alam gagawin ko"
"Nasaan ka? I text mo nalang ang place papunta nako" sabi nya at pinatay na ang telepono.
Agad naman akong nagmessage sa kanya.
Napatingin nalang ako kay Xian na di parin tumatahan. Ano bang dapat kong gawin?
"Tahan na Xian , papunta na sya dito" sabi ko ng may pagmamakaawa.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong dinampot mula sa bulsa ko, at nanglaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang message nya. Napakasaya ko.
From: Jirjean my life
Message: Kunting tiis lang Cheol! Papunta na GF mo:)
Napangiti ako sa nabasa ko, sinasagot nya na ba ako?
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."