Chapter 40- Chocolate (Hoshwi Part 3)
(Churi's POV)
"Pakagat nga!!!"
"Ayoko!!"
Sigaw nya at inilayo sakin ang box ng chocolate na natanggap nya galing na naman sa admirer nya kanina pero di nagpakita.
Iniwan nya lang dun sa malebox malapit sa gate tapos nalaman namin dahil nagtext sya dun sa cellphone na binigay nya kay hoshi.
"Penge, maliit lang naman eh ang takaw naman"
Nagmamakaawa na ako sa kanya kanina pa pero sya itong di namimigay. Sa susunod bibili ako ng isang sako ng chocolate tapos paglalawayin ko sya sa inggit. Kahit isang kagat lang di namimigay ang punggok.
(time skip brought to you by Scoup's killer Smile:)
"Basahin mo muna para sakin yung letter nya" ipapabasa nya pa talaga sakin yung jejemon na letter nung admirer nya.
"Sige, pero pagkatapos bigyan moko ha!" mas mabuti nang sigurado baka mamaya nang iiscam lang pala tong unggoy na to.
"Oo nga sabi eh"
"Cross your heart?" Mas mabuti talagang masigurado kahit nagmumukha kaming bata sa ginagawa namin.
"Cross my heart, mamatay ka man kasama si Kiray" sabay crosssign nya sa may dibdib.
"Mukha mong unggoy ka!!!"
"Mukha mong tarsier ka!!!"
"Sige na babasahin ko na nang matapos na tong paghihirap ko" hirap na hirap nakong tumingin sa kanya habang ninanamnam ang chocolate.
"Okay" tipid na sagot nya.
Hinarap ko na yung letter at napangiwi naman ako sa taglay ma kakajejemonan ng babaeng toh.
Aystttt, tao ba talaga to?
Letter to Hoshwi melabs😚
🤙Kainin mo yang chocolate ha ✊😷🤨 Wag kang magpapalipas ng gutom ❤️❤️❤️❤️at saka wag kang nag papa-api dun sa ate mong tarsier yung palagi mong kasama🤨🤕
"Ay walang hiya, mabubogbog ko tong babaeng toh!" halos umusok na yung ilong ko sa galit.
Di lang pala may lahing jejemon toh may lahing pagkamaldita din.
"Tssk, basahin mo na totoo naman eh" wala sa sariling tugon ni Hoshi.
Masasabunutan ko talaga tong babaeng toh.
"Kahit naman di nya sabibin totoo namang mukha kang tarsier" nang iinsulto na talaga tong batang to, kung di lang talaga para sa chocolate eh kanina ko pa sya nilunod dun sa lababo.
"Mukha mo parang tae!"
"Im handsome you know" sabay pogi sign nya sakin tapos kumikindat kindat pa.
"Mukha kang tae, ang sarap mo iflash sa CR!" salubong naman yung kilay nya, parang kanina pa. sya napipikon sa mga pinagsasasabi ko.
Di talaga sya mananalo sakin, champion ako pagdating sa kalukuhan.
(Hoshi's POV!)
Kanina nya pa talaga ako pinipikon sa mga pinagsasasabi nya eh tinetest ko lang naman kung hanggang saan ang pasensya nya para sakin.
Nakasibangot parin ako habang nakatingin sa kanya.
"Wag mong ganyanin yung mukha mo! Mukha kang natatae!" sabi nya na halatang nagpipigil ng tawa.
"Akin na nga yan" hinablot ko yung letter sa kamay nya pero nagpipigil parin sya ng tawa "Inuutusan ka lang magbasa kahit ano na pinagsasabi mo"
"Pikon"
"Cheeeeeeeeee!!!"
Hinarap ko nalang yung letter at saka sinimulang magbasa.
Hoshwi di ako makatulog kasi palagi ikaw nasa isipan ko😐😪😗🤧
Umalis kana sa brain ko masyado nakong naoverful sa pagmamahal mo ayiiiee😚😚😚😘❤️
Alam kong mahal mo rin ako😳💛🤙Nagpapakipot ka lang sakin eh😎🤗
Nahihiya kaba sakin baby ko? 😪❤️😘🤧
Wag kang magseselos ha, ikaw lang ang bebe ko 💛💙forever and ever mwua mwua😚😘
Pakiss ako saglit 😘😘
Sa noo, mwua Mwua chop chop😘😎
Wow ang bango mo talaga hoshi ko😳😗😐
Sige na hoshi bebe ko baka mainlab ka sakin✊🤧
Pero wag kang malungkot kasi makikita mo rin yung byutipol face ko❤️🍆😎
Ps: I love you ayiieehhh
-kiray your bebelabs❤️
Minsan talaga napapaisip din ako kung sino talaga tong kiray chekenene na to.
Pero kahit ganito sya ka jejemon feeling ko mabait sya sa personal kaso nga lang di ko pa sya nakikita pero alam kong palagi nya kong pinagmamasdan dahil alam nya kung sino yung mga nakapaligid sakin.
"Oh ,bat ngumingiti ka dyan?" napatingin ako kay churi na kasalukuyang kinakain yung chocolate ko.
"Uy chocolate ko yan!" at pilit kong inabot yung chocolate pero inilayo nya lang sakin yung isang balot.
"Di bale na nga madami pa naman toh eh"
Nagsimula nakong kumain nang maramdaman kong sumasakit na yung ngipin ko habang ngumunguya.
Tiningnan ko si Churi na feel na feel parin yung pagkain ng chocolate kaya pasimple kong tinago yung box ng chocolate sa ilalim ng kama para di na sya manghingi.
"Churi tara bili na tayo ng toothbrush" pang aaya ko sa kanya at tumingin naman sya sakin at tumango.
"Tara"
Nagbihis muna kami ng maayos bago lumabas ng bahay at ginamit narin namin yung kotse ng kuya nya habang si Mingyu naman yung nagdrive.
"Hoy bat ba ako pa naisipan nyong maging driver?" pagtatanong ni Mingyu pero straight parin sa daan yung tingin.
"Kasi pag si Churi ang nagdrive tatambling tong kotse" pang aasar ko at nakita ko namang tumingin ng masama sakin si Churi at pasimple akong kinurot sa pisngi.
"At kung si Hoshi naman yung nagdrive baka di na tayo makauwi ng buhay!" Pangbabawi nya sakin ng asar.
Totoo naman yung sinabi nya ,kasi noon muntikan na kaming malagutan ng hininga ng dahil lang sa naapakan ko ng malakas yung preno at halos lumusot na sila mama sa bintana.
*Vote comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."