Chapter 3
"Ayuri!" napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ng sigaw.
Napatingin ako sa likod ko at nakita ko yung lalaki na nakausap ko noong nakaraang araw. Hoshi Claud Maverick, astig naman ng pangalan. Hinintay ko sya hanggang sa tuluyan nya na akong mahabol.
"Good morning dito ka nag aaral?" tanong ko sa kaniya, parang energetic na sya ngayon di kagaya noong una kaming nagkita.
"Oo, nga pala salamat sa pagkuha sakin ng picture, mabuti nalang gwapo ako dun" sabi nya ng nakangiti, ngumiti din ako pabalik sa kanya.
Habang naglalakad ay patuloy lang sya sa pagsasalita, naninibago ako kasi parang iba sya ngayon, baka may problema lang sya kahapon kaya sya tahimik.
"Anong year kana? Siguro naman nasa junior high ka palang, halata namang mas bata ka sakin" tanong ko pero umiling lang sya.
"Nope, i'm already grade 12, i'm graduating this year." natigilan ako sa sinabi niya, but he look so young? Tsaka nagulat din ako nang makita ko ang mata nya, singkit ito, nakikita ko yung sarili kong mga mata sa mata nya.
Umiling iling nalang ako.
"Ilang taon ka na?"
"I'm fifteen" diretsong sagot nya, hala paano yun? Fetus palang grade one na?
Kumunot yung noo ko habang umiiling, imposible.
"Alam kong magulo kaya wag mo nang isipin" sabi nya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Napapatulala nalang ako habang kinucompute yung edad nya at kung anong year na siya, pero kahit anong gawin ko di talaga tumutugma eh, mas bata siya ng dalawang taon sakin.
"Anong strand ka?" tanong ko na lang at pilit inalis sa isip ko yung edad nya.
"Stem-17." sagot nya naman.
Kahit papaano ay natuwa ako, same kami ng strand. Atleast naman may makakausap na ako, lalaki nga lang. But it's okay, totally okay.
"Ba't ka ngumingiti?" tanong nya kaya mas lumaki yung ngiti ko.
"Same tayo ng strand" sabi ko at tumango tango naman sya.
Maya maya pa ay nagtatatalon na sya habang pinapalakpak ang kamay. Napangiwi ako sa inasta nya.
"Talaga?" Giit nito kaya napalitan ng pagtataka yung mukha ko, ang late nya naman magreact.
Tumango nalang ako sa kaniya habang sya naman ay mas lumawak yung ngiti.
Napatitig na naman ako sa mga mata nya. He's eyes is just like mine.
"Okay ka lang?" tanong nya. Ngumiti ako sabay tango.
*Vote comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."