Chapter -54- Live happy

12 5 0
                                    

Chapter -54- Live Happy

(Churi's POV)

Matatapos na ang araw na to ng wala man lang ako sa tamang pag iisip. Sumasagi palagi sa isip ko kung sino may ari nung petals sa kama ko.

Gusto ko mang malaman kung kanino talaga yun ay di ko rin naman alam at walang pumapasok sa isip ko.

"Mahar..." tiningnan ko si Jeonghan na ipinapahinga ang ulo nya sa balikat ko.

"Bakit mahar?...."

"Kain tayo ..." sabi nya ng may paglalambing sa boses.

Ibinaling ko ang tingin ko kay Hoshi na kasalukuyang nagsusulat sa notebook.

Nag aalala parin ako sa kanya, hanggang ngayon ay ang kalagayan parin nya ang nasa utak ko.

"Hoshi...sabay kana  saming kumain..." tiningnan nya naman ako at gumuhit sa labi nya ang matamis na ngiti.

"Oo ba...." tinuloy nya ang pagsusulat "...wait lang tataposin ko muna toh"

Ibinalik ko ang tingin kay Jeonghan na nasa balikat ko parin ang ulo. Palagi nalang syang ganito, napakalambing nya... wala nakong mahihiling pa kapag kasama ko sya...


"Sa live happy tayo ngayon......" naangat ang tingin namin sa nagsalita at bumungad samin ang nakangiting si Wonwoo.

Bigla nalang akong naging excited dahil sa naaalala ko'y doon kami kumain nung panahong nasa hospital pa si Hoshi.

Yun yung Cafe na may magagandang design di lang sa palagid kundi para din sa pagkain.

Naaalala ko pa nga yung Sailor Moon na sundae, di ko yun makakalimutan lalong lalo na yung reaksyon ko nang makita yun sa harapan ko. Halos magmukha akong bata nun idagdag pang ayaw kong kainin kasi nga yung design.

"....Sige"  pagsasang ayon ko sa kanya at ngumiti naman sya sakin bilang tugon.


"Mahar maganda ba dun?....." pagtatanong sakin ni Jeonghan.

"Oo naman mahar....."

"Churi, bili moko ng icecream dun ah!" napatingin ako kay Hoshi na tapos na pala sa pagsusulat at kasalukuyang nakatingin samin.

"Sasama ka samin at gusto ko ikaw pumili ng flavor na gusto mo......" nakita ko naman ang pagkislap ng mga mata nya dahil sa sinabi ko.

Yan ang gusto kong nakikita sa kanya, yung palagi syang nakangiti at masaya. Ayaw ko kapag malungkot sya dahil yun din ang nagpapalungkot sakin.

***

Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Wonwoo, sa kanya muna yung ginamit namin dahil sya rin naman ang nagprisinta na gamitin yung kotse nya kaya dito kaming apat lahat.

Nasa likod na upuan kami  ni Jeonghan at nasa gilid ng driver's seat naman si Hoshi kasama si Wonwoo.


"Hoshi kamusta na kayo ni Lexine?" pagtatanong ko sa kanya dahilan ng paglingon nya sakin.

"Ganon padin.... Friends kami... masyado pakong bata para sa mga jowa jowa na yan...." agad tuloy akong napangiwi sa sinabi nya.

Nagbagong buhay na ata tong batang to, sa naaalala ko ang dami nyang chicks noon lalong lalo na nung sinearch ko yung account nya at bumungad sakin ang walang humpay na kahanginan nya.


When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now