Chapter 69-Run, don't stop
(Hoshi's POV)
Patuloy kaming tumatakbo kahit di na namin kaya ang lamig, marami na kaming nadaanan at saka sa bawat hakbang namin ay sya ring pagtunog ng mga tiyan namin ni Lexine.
Bahala na ,ang importante malaya na kami.
Malayo layo narin yung natatakbo namin, di namin alam kung saan kami mapapadpad nito.
Baka papunta na kaming Mars.
"Di nyo ba natatandaan yung dinaanan nyo nung sundan nyo kami?"
"Anong akala mo samin Hoshi Google Map?" Napairap nalang ako kay Mingyu. Gustong gusto ko nang umuwi kasi gutom na gutom na ako pero kailangan wag kaming tumigil sa pagtakbo kasi baka may mga mata yung Seshuki na yun kahit saan.
sana ol maraming mata.
"Wala ba kayong pagkaing dala jan?" Tanong ni Lexine na hinihingal na.
"Nakita na nga namin kayong kinakaladkad ,mag iisip pa talaga kaming magbaon ng pagkain tsaka kayo sundan? San nilagay utak nyo, sa pwet?" Napaisip tuloy ako, kung ako nasa sitwasyon nila ,pag may nakikita akong kinakaladkad siyempre mag babaon ako ng isang sakong pagkain para di magutom.
"Siyempre magbabaon ako ng pagkain para di magutom, ngayon sinong walang utak satin?? You didn't know the word initiative?" Ginandahan ko pa yung tono ko para magalit si mingyu.
"Initiative nga, kung kukuha pa kami ng pagkain masusundan pa ba namin kayo? Baka bangkay na kayo pagdating namin"
"Edeh sorry, nagjojoke lang naman ako eh" At saka ako nag peace sign sakanya at saka ngumiti ng nakakaloko. "BTW salamat"
"Anong BTW?" Kuno't noo na tanong ni Mingyu. Tumawa ako para mas magalit sya. Nagmumukha kasi syang pusa pag nagagalit.
"Bulag , Tanga , Walang utak"
"Ako ba tinutukoy mong BTW??? Kung kalbohin kaya kita!"
"Joke lang hoy!!! By the way meaning nyan! Ito naman kalbo agad" nakatawa kong sagot at nagpatuloy parin kami sa pagtakbo hanggang sa hingal na hingal na kami.
"Upo muna tayo dun sa may malaking puno!" si Lexine habang tinuturo yung puno sa malapit.
Kita ko na ang pagliwanag ng kalangitan, imposibleng masundan pa kami ni Seshuki dito, ang layo na ng narating namin.
Umupo kami dun sa nakatumbang puno habang hinahabol namin yung hininga namin.
"Sa tingin nyo ,masusundan pa kaya tayo dito?" Tanong ni Lexine.
"Imposible, ang layo na natin sa kanila" sagot sa kanya ni Mingyu.
"Hi, nice to meet you ,what's your name?" malumanay na tanong ni Lexine dun sa babae.
"Im Michelle" tipid na sagot naman nung babae.
"Ahh Mingyu pano nyo pala kami nakita? At ba't magkasama kayo?" di ko maiwasang magtanong.
Huminga muna sya ng malalim bago magkwento.
(Mingyu's POV)
Flashback.....
Palakad ako nun para sana kumuha ng pagkain kaso may narinig akong mga boses ng mga nag aaway.
Sinundan ko yung ingay hanggang sa makita ko ang isang babae na pinapagalitan. Umiiyak ito habang pilit pinapaluhod nung isang babae.
Malalim ang paghinga nya pero minabuti ko munang manatili sa kina tatayuan ko.
"I told you before, your mom leaved you! It's impossible for you to be with her again!" malakas na sigaw nung babae habang patuloy naman sa paghagolgol yung isa pang babae.
"Please don't say that, my mom loves me!" I'll find her , no i'll chase her!" Sagot naman sa kanya nung babaeng umiiyak.
Tumalikod yung babae sa kanya pero bago nya talikuran yung babaeng umiyak ay itinapon nya muna yung isang basong wine sa babaeng umiiyak bago umalis.
Nakaramdam ako ng awa dun sa babae kaya pinuntahan ko ito.
"You have to change, your so wet" sabi ko dun sa babae pero patuloy parin ito sa pag iyak.
"Why are you crying?"
"Because of my mom, i wan't to see her ,i want to be with her"
"Where's your mom?" tanong ko.
"I don't know" naaawa ako sa kanya, ramdam ko yung sakit na nararamdaman nya dahil tulad ko iniwan din ako ng pamilya ko at silang lahat ay iniwan ako, napakasakit sa loob na parang wala ka lang sa kanila. Yung tipong parang di ka nila nakikita, di nila nakikita yung halaga mo.
"You have to change your clothes, it's cold and your wet" sabi ko at nilahad yung kamay ko sa kanya para tumayo.
Tumayo naman sya at naglakad ,sinundan ko lang sya para masigurong okay lang sya ,pumasok kami sa isang kwarto saka sya pumasok sa banyo para mag palit.
Naghintay lang ako hanggang sa matapos sya at saka kami lumabas.
"Thank you"
"Your welco----- naputol yung sasabihin ko nang marinig ang kaloskos ng mga malalaking hakbang sa likod.
Sinilip namin yun at nakita ang isang babae at lalaki na kinakaladkad ng mga naka itim na lalaki.
Marami sila kaya minabuti naming tumahimik para di makita.
Maya maya pa ay kinarga nila ito at kitang kita ko ang suot suot na jacket nung isang lalaki na karga nila, kaparehas iyon nung jacket na suot suot ni Hoshi.
Sinundan namin sila , napakalayo na namin mula sa resort.
Kahit takot at walang kalaban laban ay sinundan parin namin sila.
End of flashback....
*Vote comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Ficção Adolescente"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."