Chapter 13(Mingyu's POV)
"Ahahaha" Tawa ni ayuri habang nakaturo sa mukha ni Hoshi, kahit ako natawa na rin.
Sino bang di matatawa e para syang ginahasa nang kung sino.
"Akala ko maaamo sila" sabi nya at yumuko, kawawang Hoshi.
Si ayuri kasi , di man lang nagsabi na may mga pusa pala silang gwardya sa bahay nila.
"Di bali na, ako nalang kukuha" giit ni ayuri at tumayo papuntang ref. Wala na ata dun yung mga pusa kaya nakampante rin si Hoshi.
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ko kay Hoshi.
Napabuntong hininga sya saka nagsalita
"Masyado siguro akong gwapo kay ganon naging reaksyon nila" sabi nya at nagtaas baba ng kilay, ang hangin talaga. Hinampas ko sya ng unan kaya umayos ang luko.
"Kasi naman ang cute nung pusa kaya kinuyog ko, pero di ko naman alam na may resbak pala syang mga tropa kaya ayun-" huminga sya ng malalim at muling nagsalita -nirape ako."
Sige ikaw na pogi.
Binatukan ko siya at agad naman siyang natawa. Di kalaunan ay dumating na si Ayuri daladala ang malaking kahon ng icecream at nilapag 'yun sa mesa.
***
[Ayuri's POV]
inilapag ko na ang icecream kaya agad na kumuha ng kutsara at maliit na plato si Hoshi, ang takaw talaga.
Akmang kukuha narin sana si Mingyu
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"Nagluluto" tipid na sagot nya, aba't pilisopo.
"Di ka pwede nyan" nagtutunog concern na tuloy ako, ano ba'yan.
"Ang oa mo, pareha kayo ni Hoshi" sabi nya at tuloy tuloy na kumuha ng icecream, ang tigas talaga nang ulo! Bahala siya sa buhay niya.
May kumatok na naman sa pinto kaya napatingin kaming dalawa ni Mingyu, di nagpatinag si Hoshi at patuloy sa pagkain.
Binuksan ko yun at bumungad sakin ang pagmumukha ni Kuya, nako baka galit to, natatakot tuloy ako.
"Let me in" sabi nya pero di ko parin tuluyang binubuksan yung pinto.
"Let me see him"
Tuloy tuloy syang pumasok, habang ako nanginginig sa takot, baka magalit sya na nagpatuloy ako ng lalaki sa bahay namin.
Tiningnan niya si Mingyu sa mata at para bang naguguluhan pa sa nangyayari, nagtitigan lang silang dalawa habang kunot ang noo na nakatingin sa isa't isa.
Tiningnan ko si Hoshi at nagtanong gamit ang mata pero nagkibit balikat lang siya.
Unti unting nawala ang titig nila sa isa't isa. Ngumiti si kuya at ganon din ang ginawa ni Mingyu. Natuluyan na silang dalawa.
"Nashiru ikaw na ba yan?" Tanong ni kuya kay Mingyu na syang nagpakunot sa noo ko. Huh? Sinong nashiru?
"Zayn? " sagot ni Mingyu na mas lalong nagpalito sa'kin, kilala din nya?
"Bat di mo sinabi na nangdito ka pala?" Tanong ni kuya habang tumatawa.
"Di mo din kasi kwenento na dito kana pala nakatira" sabi ni Mingyu at nagkamot ng kilay.
Wow para kaming mga tanga ni Hoshi dito na nagbabatuhan ng tanong gamit ang mga mata.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"Namiss kita kingkong" sabi ni kuya at hinampas si Mingyu sa dibdib.
"Namiss din kita langit" sagot ni Mingyu at nagtawanan lang sila. Sandali kaming na out of place ni Hoshi.
*Vote comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."