Chapter -49-Let's talk about the Past

19 5 0
                                    

Chapter 49- Let's talk about the Past




(Churi's POV)



Ayaw ko nang matapos ang gabing toh. Masaya ako na kasama sya at ganon din sya sakin.

Kasalukuyan lang kaming nakatingin sa langit , punong puno ito ng mga bituin.

"Jagiya natatakot at nag aalala ako sa sakit mo" tiningnan ko sya na diretso lang ang tingin sa langit.

Nasisinagan ng buwan ang mukha nya, at kitang kita ko ang pagkinang ng mga mata nya dahil sa luha.

Kahit ako di ko rin kayang makita syang nagkakaganito , alam ko na masakit yung nangyari samin noon.

"Churi , sorry kung wala ako sa tabi mo nong mga panahon na nag aagaw buhay ka  at kailangan moko para alalayan ka" nagsisimula na naman magsitakasan yung mga luha ko sa mata.

Ayaw ko mang umiyak sa harap nya pero di ko ito mapigilan.

Tumayo sya at umupo at ganon din ang ginawa ko. Tumingin sya sakin habang di parin tumitigil sa pagpatak yung mga luha nya.

Alam kong nanghihinayang sya na iniwan nya ko noon, pero alam kong para sakin din yung ginawa nya.


"Wala kang dapat ihingi ng tawad Ben, kasi para sakin din naman yung ginawa mo" basag na basag ang boses ko habang nagsasalita.

Noon pa may gusto na nilang ipagamot yung sakit ko pero ayaw kong maging katulad nalang ng isang basura. O kaya isang robot na walang emosyon at di kilala kung sino yung kaharap nila.

Mas pinili kong di magpagamot para di mawala yung pagmamahal ko sa mga taong malapit sakin at kabilang dun si Jeonghan.

Pero kapalit nun ay ang paglayo nila sakin. Inilayo nila si Jeonghan para di nako ibully sa eskwelahan.

Kilala si Jeonghan noon sa buong campus, hindi lang dahil gwapo sya kundi dahil narin sa talino nya.

Ayaw na ayaw ng mga kaschoolmates namin noon na nakikita kaming palaging magkasama.



(Flashback)

"Ang landi landi mong bruha ka!!! Diba sinabi ko na sayo na layuan mo si Ben? May utak ka ba o sadyang may lahi lang talaga kayong malandi?"


Nakatayo ako noon sa gitna ng schoolground, basang basa ng tubig galing sa cr yung buong katawan ko, malagkit ang buhok ko dahil sa ulo ko binasag ang dalawang dosena na itlog.



Nilibot ko ang paningin ko sa paligid at kitang kita ko ang hiyawan at tawanan ng mga estudyante habang tinuturo ako.



Doble doble ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Napakasakit ng dibdib ko noong mga oras nayun. Di ko alam kung gusto ko pa bang mabuhay dahil sa labis na kahihiyan  sa sarili ko.



Ang daming tanong na umaandar sa isip ko noon habang nakatayo kagaya ng;


Ano bang ginawa ko?

Sinaktan ko ba sila?

Nilait ko ba sila?

Ba't ang baba ng tingin nila sakin?

Ba't ginagawa nila sakin toh?


Di ko kayang lumaban, kahit ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko.

Nakita ko si Ben sa isang sulok, umiiyak sya at kita ko sa mukha nya na gusto nya kong lapitan pero may pumipigil sa kanyang tatlong lalaki.


When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now