(Churi's POV)
Nagsimula na kami sa paghahanap, masukal na kagubatan ang bumungad samin at hindi namin maiwasang mayakap ang sarili dahil sa lamig, buti nalang ay makakapal yung mga jacket namin tamang tama para pang protekta sa lamig.
Malayo layo na rin yung nalakad namin mula pa kanina kaya napag disisyonan muna naming magpahinga at umupo sa mga putol putol na katawan ng kahoy.
"Oh" napatingin ako sa gawi nang may mag abot sakin ng isang tasa ng hot chocolate.
"May boiled water kayong dala?" Tanong ko kay Jeonghan at tumango naman ito at ngumuso sa kung saan.
Tiningnan ko yun at nakita ko ang nakababang isang malaking box na punong puno ng pagkain. Hanep to parang may dala dala silang isang malaking tindahan.
"Dapat di kana sumama, nag aalala ako sayo. Di natin alam kung anong klaseng kalaban yung Seshuki' na yun"
"Okay lang ,kaya ko naman ipagtanggol yung sarili ko eh at saka nangdyan ka naman diba?" kita ko parin sa mata nya yung pag aalala pero nagpilit naman sya ng ngiti sakin.
"Nangdito lang ako, di kita pababayaan"
Nakita kong papalapit si Jun samin habang may hawak hawak na pagkain sa mga kamay.
"Hapunan" sabi nya habang inilalahad samin ang tag iisang box ng pagkain.
Kinuha naman namin yun ni Jeonghan mula sa kanya.
"Salamat"
Naglakad na sya palayo at umupo sa gilid ni Wonwoo.
Nang tingnan ko yung laman ng box ay bigla ko nalang naalala si Hoshi.
Okay lang kaya yun? Di pa yun kumakain baka malipasan yun ng gutom. Parang ayaw tanggapin ng sikmura ko yung pagkain kasi pinipigilan ako ng pag aalala sa kalagayan ni Hoshi.
"Kain ka na mahar" nakangiting sabi sakin ni Jeonghan pero umiling lang ako.
"Mamaya na siguro"
"Di pwede kasi di kapa kumakain mula kanina baka kung anong mangyari sayo" nag aalala nyang sagot sakin pero nginitian ko lang sya.
Ayoko sanang kumain kaso nakatingin sakin si Jeonghan kaya sumubo nalang ako ng iilan.
Sana makita namin sila sa lalong madaling panahon at higit sa lahat dapat makita namin silang buhay.
***
(Hoshi's POV)
"Time is gold, and if no one came here in one hour or less, then she left me no choice but to end your lives" naiinis na ako kanina pa sa bunganga ng babaeng to eh, mag sasalita nanga lang english pa.
"Are you a fool to kidnap two innocent kids just to fulfill your evil plans Seshuki your face!" lumaki yung mata ko nang magsalita si Lexine,natuliling na naman tong babaeng to! Mapapahamak pa kami dahil sa bunganga nya eh, pwede namang tumahimik nag sasalita pa.
"Tumahimik ka kung ayaw mong maging barbi Q kang babae ka!"
"Atleast may masabi ako laban sa Seshuki nato bago ako mamatay! Sabunutan ko to eh, kanina pako napipikon"
Ang sarap din talagang pagsamahin tong dalawang babaeng toh eh, parehong ma attitude.
"Do you have some foods here, im so hungry" reklamo ko dun sa babae pero parang di ata ako narinig, kailangan ko na talagang makakain kasi kanina pako nagugutom ,kailan ba kasi kami makakalabas dito sa lugar na to, inip na inip na talaga ako.
"What did you say little kid?" Tiningnan ko yung babae at nasabing ako pala yung tinatawag nyang little kid, kahit masakit sa loob yung pagtawag nya sakin nun pero higit na mas masakit sa loob ang hindi makakain.
"I'm hungry"
"Me too" malditang pagkakasabi ni lexine at may tinawagan yung babae sa telepono nya kaya sandali muna kaming naghintay, matagal tagal rin silang nag usap kaya dinig ko na ang pagkalam ng sikmura ko.
"--make sure no one follows you when you get here okay?" Papalapit na sya pabalik samin nung sabihin nya yun.
Ilang sandali pa ay ibinaba nya na yung cellphone nya at tumingin samin at saka ngumiti.
"The foods will be here any minute now" sabi nya na nagpakislap sa mata namin, parang ang ganda sa pandinig na marinig yun.
Pero parang ang bait naman ng dating, sa naaalala ko kasi yung mga kidnapper hindi tumatrato ng maayos pero panong kami ngayon ay nagpa deliver pa ng pagkain? ayos din toh, may isip ang kidnapper na kumidnap samin.
"Be ready ,your last dinner will be served" ay walang hiya! Akala ko pa naman mabait eh last dinner na pala so meaning hindi nya kami pakakainin bukas? Pano nako nito? Hindi ko kayang hindi kumakain kasi nagiging hyper ako.
*Vote ,comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Roman pour Adolescents"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."