Chapter-95-Volleyball part 2

16 4 0
                                    

Chapter 95- Volleyball Part 2




(Mingyu's POV)

Di ko matanggal yung tingin ko kay Michelle, di ko pinapahalatang kinikilig ako habang nakatingin sa kanya. Pero parang namumula na nga siguro ako sa kinatatayuan ko.

"♫Pasulyap sulyap lang palagi, patingin tingin sa akin♫" bigla nalang kumanta sila hoshi habang nakatingin sakin. Nabalik ako sa reyalidad  nang papalapit na sakin yung bola.



Ipinasa ko yun kay Lexine at saka nya ito inispike sa kabila. Kinakabahan ako kasi nasa harapan ko lang si Michelle, di ko maipagkakaila na ang hot nya talaga ngayon.

Papunta na sa kanya yung bola pero bigla nalang syang nasapid nung malaking bato at mabilis namang kumilos yung katawan ko para
maalalayan sya.


Natumba kaming dalawa, nakapatong sya sakin dahilan para mas lumakas yung tibok ng puso ko.


Parang huminto yung oras at diko maalis yung tingin ko sa kanya. Mas maganda pala sya sa malapitan.

"Ang sarap mong halikan" bulong ko sa kanya, alam ko namang di nya ko naiintindihan kaya okay lang na sabihin ko yun.




Pero nabigla nalang ako nang bigla nya kong halikan sa pisngi dahilan para mas mamula ako habang nakatingin sa kanya. Nakasmirk lang sya sakin habang diretso akong tinitingnan sa mata.

"Thank you for catching me" sabi nya at ngumiti saka naman sya tumayo.


Dun ko lang din napansin na napuno na pala ng tilian yung paligid lalong lalo na si Hoshi.



"Ayiiieeeee"

"Jowain na yan!"

"Mingyu kinikilig"

"Okay ka pa bro?"


Yan yung mga naririnig ko galing sa kanila. Kung alam nyo lang gaano ako kinikilig ngayon!





"Alam ko na tawag sa ship ninyong dalawa!" biglang sabi ni Hoshi habang nakataas ang isang kamay.

"Ano hosh?" tanong sa kanya ni Lexine.


"Miming" sagot nya naman , kunot yung mga kilay naming lahat habang nakatingin sa kanya.

"Anong miming?" tanong naman ni Churi sa kanya.

"Combination ng Michelle at Mingyu kaya Miming, ang genius ko diba?" sabi pa nya na parang bilib na bilib sa sarili.

Agad naman syang nakatanggap ng batok galing kay woozi.

"Tuliling ka talaga" Sabi pa ni Woozi sa kanya.




When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now