Chapter-107- Jealous

6 5 0
                                    

Wonwoo's POV

I was just checking my room when i saw a man standing  in front of his room.

Naglakad ako papunta sa kanya. Inaaninag ko pa kung sino yun dahil sa madilim sa kinatatayuan nya.

Yung balikat nya bahagyang umaangat at bumababa, i think he's crying.

Habang papalapit ako ay nakikita ko na ng bahagya yung mukha nya, bahagya pakong nag alala nang makita syang umiiyak.

He's crying, Mingyu is crying...

"What happened?" He looked at me with those painful eyes, ngayon ko lang sya nakitang nagka ganito.

Si Mingyu ay isa sa mga lalaking kilala kong matapang, yung tipong kahit anong gawin mo, tatawanan ka lang, yung tipo ng lalaking imposibleng paiyakin.

"She wants me to leave her, ayaw nya na sakin" basag basag yung boses nya, sya ba talaga tong nasa harap ko?

"Kala ko ba matapang ka, ba't ka umiiyak jan" gusto ko sanang paga anin yung loob nya pero parang walang talab.

Namumula na yung mata nya at halatang kanina pa sya umiiyak dito.

"You know me Wonwoo, ngayon ko lang naramdaman yung ganitong sakit, yung sya na mismo ang nagsasabi na di nya ko kailangan at hangin lang ako sa paningin nya"

"May ginawa ka ba?"

"Nasigawan ko sya, nagalit ako dahil sa ginawa nya, nag alala lang ako sa kanya, nag alala lang ako na baka mapahamak sya, pero sabi nya wag daw ako mag alala, dahil kahit na anong mangyari sa kanya, wala na daw ako dun. She treats me like nothing"

Napahagulhol sya sa pag iyak, basang basa na yung buong mukha nya dahil sa luha.

"Here" i hand him my handkerchief. Kinuha nya naman yun at ipinahid sa mukha nya. "You can tell me anything, i am here to listen"

Nagsimula na syang mag sabi sakin, i can see pain in his eyes whenever i look at him, klarong klaro rin sa boses nya na nasaktan sya sa ginawa ni Michelle.

  Tudo punas sya sa luha nya habang nagsasalita.

"You really love her that much right?" sabi ko, ngumiti sya ng mapait sakin.

"I love her so much that i'm willing to risk my life just for her- napangiti sya pero halatang peke -pero alam ko namang di nya rin yun mapapansin kasi para sa kanya wala lang ako."

"I love her more than my life, but i'm just a stranger in her eyes"

Napayuko sya at nagsimula na namang umiyak. Tahimik lang ang paligid, hahayaan ko nalang muna syang ibuhos yung sakit na nararamdaman nya sa pamamagitan ng pag iyak.

Payapa at napakatahimik ng paligid nang may biglang magsalita.

"Bakla ka?" sabay kaming napalingon kay Hoshi na nasa loob pala ng kwarto at tahimik na nakikichismis"Iniiyakan mo sya, may label ba kayo?"

Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Mingyu, patay kang bata ka! Bigla bigla nalang magsasalita , nakadagdag lang yun  ng pasakit sa puso ni Mingyu.

"Pisti ka hosh!!"

Napatawa nalang ako ng mahina dahil sa nag hahabulan na si Mingyu at Hoshi sa loob ng kwarto. Sana naman kahit papaano mabawasan yung sakit na nararamdaman nya.


***

Lexine's POV

Napapairap nalang ako sa hangin, hmmp, kukutusin ko talaga yung lalaking yun pag nakita ko.

Maganda naman ako ah, bunos pa nga yung kakyutan ko eh! Bweset na hoshi yun, kala mo naman nag iisang lalaki lang sa buong mundo! Hmmp mag sama sila nung sinasabi nyang Aquarius na tumulong sa kanila, aysus bahala sya sa buhay nya.

Naiinis ako kanina pa, ang sarap biyakin nitong hawak hawak kong baso sa pagmumukha nya! Kapal talaga ng mukha hmmp. Kainis.

Mas mahal nya pa ata si Aquarius kaysa sakin na admirer nya at saka loyal pa! Hmmp! Ay teka ---- wala nga pala kaming label--- hayst ano ba yan! Isa pa yan sa kina iinisan ko! Ang tagal ko nang nag papacute  sa kanya tapos ni minsan di nya naman ako niligawan.

Bahala sya sa buhay nya, pag ako nakahanap ng iba, hahayaan ko syang manigas bahala sya, kala nya naman kailangan ko sya, aysus madami pang lalaki jan sa tabi tabi, maghahanap nalang ako ng asong ligaw.

Di ko sya papansinin pag nagpacute sya.

"Galit ka ata" may biglang nag salita. "Inaway ka ni Hoshi noh?" pagtingin ko ay nakatayo na pala si Dino sa harapan ko.

Di ko ata sya napansin kasi masyado akong focus sa galit ko dun sa singkit na yun.

"Hindi ah" pagsisinungaling ko, ayoko ipakita sa kanya  na affected ako dun sa tubol na yun.

"Tss, halata naman. Alam mo, ang cute nyo dalawa" sabi nya saka ngumiti.

"Salama---- este di ah! Ako lang yung cute di sya kasali, di kaya kami bagay!"

Natawa sya. Hmmp pinag tatawanan nya lang ako.

"Sinabi ko bang bagay kayo? Masyado ka nang halata ah"

"Hoy hindi, naiinis lang talaga ako dun sa tubol na yun, kala nya naman inlove na inlove ako sa kanya eh hindi nama-

"Hindi nga ba?"

"Hindi noh! -Sabi ko na parang galit na galit "Anong akala nya sa sarili nya prinsipe? Aysus magdusa sya pag di ko sya pinansin!"

"Nagseselos ka ba?" lumaki yung mata ko sa binaggit nya, as in sobrang lumaki.

"Di ah !Kanino naman ako magseselos?!"

"Simula kasi nung nagkwento si Hoshi about dun sa nagligtas sa kanila na mga agents naging ganyan kana"

"Di kaya, at saka ba't naman ako magseselos? Eh wala naman akong karapatan, di nga ako mahal nung tubol na yun eh!"

"Gusto mo syang pa aminin?" Sabi nya na parang may plina plano sa isip.

"Pa aminin saan?"

"Sa totoong feelings nya para sayo" lumiwanag yung mata ko, kumislap pa ito dahil sa sinabi nya pero agad ding nabawi nang may maisip ako.

"Baka masaktan ako"

"Geez, hindi yan! Trust me, may plano ako para mapa amin sya"

"Ano?"

"Pagselosin natin si Hoshi"


When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now