Chapter -34- Scoups and You

17 4 0
                                    

Chapter 34- Scoups and Jirjean (Scoups x Scoup biased reader)

(Scoup's POV)

I can't believe this. I thought i'll never see her again from that day. Akala ko di ko na sya makikita hanggang sa nagulat nalang ako kahapon.

Masakit ang ulo ko pagkagising, di ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa iniisip ko.

Matapos nyang kumanta kagabi bigla nya nalang akong hinatak palabas. Naka amoy ako ng alak mula sa kanya, nakainom sya! Base narin sa inaasta nya kagabi.

(flashback)

Nung tuluyan na kaming makalabas di na sya nagsalita at walang tigil na umiyak.

Pilit kong ipinakita sa kanya ang blanko kong emosyon at kita ko sa mga mata nya ang sakit na nararamdaman nya nung mga oras na yun.

Sya may gawa nito sakin at bahala na syang magdusa dahil sa ginawa nya.

Yumakap sya sakin pero pinigilan ko ang sarili ko na gumanti ng yakap sa kanya. Tumayo lang ako ng tuwid at hinayaan syang umiyak sa balikat ko. Kulang pa ang iyak nya sa naramdaman ko noon.

"Patawad, pakinggan mo naman ako" sabi nya habang patuloy parin sa paghikbi. Para saan pa?

"Tapos na ang lahat, tapos mo na akong saktan" sabi ko ng diretso at walang halong emosyon.

"But you did'nt even listen to me"

"Listen? How can i listen Jirjean? Para saan pa?" sabi ko pero may halo nang pagkainis ang boses ko.

"Please Cheol, maawa ka naman sakin. Nahihirapan na ako" pagmamakawa nya.

"Ikaw lang ba? Di mo man lang ba ako tatanungin kung nasaktan mo rin ba ako?" Sabi ko ng may diin as tears is running off my eyes causing my vision to get blur.

"Cheol"

"Jirjean masakit, sana alam mo yun"

"Cheol pakinggan mo muna ak---

"Tama na! mag usap nalang tayo kung kailan gusto ko nang marinig yung mga paliwanag mo! Hindi muna ngayon, please lang!" sabi ko at tumango naman sya kahit labag sa loob.

"S-sige mauna n-nako" sabi nya at tuloy tuloy na pumasok sa kotse nya, may tinawagan sya sa telepono nya at sa tingin ko ay driver nya ito dahil ilang minuto lang ay dumating na ito at nagdrive pauwi.

(end of flashback)

Di kona  alam ang mga nangyari dahil nagpaalam narin ako sa kanila na uuwi na ako.

Napahiga ako pabalik sa kama ko at nagflashback lahat sa isip ko.

Yung mga manahong una kaming magkita.



(Flashback: February 8 2017, 3 years ago)

Im 17 that time

"Hoy pare di kaba sasama samin?" tanong sakin ni Vernon ngunit inilingan ko lang sya.

"I'll stay here, iinom nalang muna siguro ako dito ng milktea" sabi ko at agad naman silang tumango at nagdrive na paalis.

Papunta daw sila ngayon sa mall at manonood ng sine. Sadyang wala lang ako sa mood para magsaya ngayon kaya di ako sumama.

Nangdito ako ngayon sa isang Cafe na pinaka paborito kong pinupuntahan. Bukod sa masarap nilang milktea ,may nakalagay rin na mga libro na pwede mong basahin.

Simple lang ang disenyo ng Cafe, gawa sa kahoy ang paligid nito at kawayan naman ang kinalalagyan ng mga libro.

Umuulan sa labas at minabuti ko nalang na manatili sa loob at magbasa ng libro.

Habang naghahalungkat ng libro na pwedeng basahin, naaagaw ang atensyon ko ng isang babae na di ko naman makita ang mukha dahil nakatakip rito ang librong binabasa nya.

Nang makapili ako ng gusto kong basahin ay bumalik nako sa kinauupuan ko kanina.

Di ako makafocus sa pagbabasa dahil ramdam kong may nakatitig sakin na mga mata.

Nang tingnan ko ang paligid ay wala naman akong napansing kahina hinala bukod na lamang sa babae na  nasa harapang lamesa ko lang.

Lumapit ako rito at nang makita ko ang mukha nito , napatigil na lamang ako. Ang ganda nya, yung maamo nyang mukha,di ko alam kung makakatulog pa ako nito mamayang gabi.

"Ah miss okay ka lang?" tanong ko sa kanya at nakasilay naman ang singkit nyang mga mata sakin.

"Okay lang naman bakit?" sagot nya gamit ang boses na kasing amo ng mukha nya.

"Normal ba sayong magbasa ng pabaliktad?" tanong ko na ikinakulot ng kilay nya.

Napatingin naman sya sa librong hawak hawak at nang mapansing totoo nga ang sinasabi ko ay napatawa na lamang sya.

At sa diko alam na dahilan, napatingin sya sakin at sabay kaming nagtawanan na para bang matagal na naming kilala ang isa't isa.

*vote comment and enjoy*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now