Chapter 52- Lasing na po si Baekhyun
(Churi's POV)
Ang sarap na tuloy lumipad, mas malakas pa ata akong tumakbo kesa sa Taxi na to.
Parang ilang oras na lang sasabog na yung buong bar dahil sa galit at lasing na si Baekhyun.
Di ko rin alam kung bakit ako ang tinawagan nung staff ng bar na sumundo sa kanya eh ang dami naman nyang kaklase at kaibigan.
"Manong pakibilis nalang po kasi baka di napo nating maabutang buhay yung kaibigan ko"
Halos humiwalay yung ulo ko sa leeg nang pabilisin ni manong ang pagpapaandar sa kotse.
Si manong naman padalos dalos , akala ko tuloy may racing na nagaganap dahil sa bilis ng sasakyan. Pero mas mabuti na rin toh kesa naman mahuli ako at baka wala nang bobong yung bar pagdating namin.
Malayo palang ay tanaw na tanaw ko na yung bar.
Nangmakarating ay agad akong nagbayad at saka bumaba ng taxi.
Ang laswa naman ng lugar na to, ang daming naghahalikan idagdag mo pang ang daming tao na nakakakita sa kanila.
Imbis na problemahin ang mga naghahalikan ay hinanap nalang ng mga mata ko si Baekhyun at di rin nagtagal ay nakita ko itong nasa gitna ng stage at nakikipag showdown sa pole dancing ang walang hiya.
Di na ata maipinta yung mukha ko dahil sa nakikita ko ngayon.
Feel na feel nya yung pagsayaw at alam kong lasing na lasing na sya dahil di naman sya ganito palagi.
Nagdadalawang isip pakong puntahan sya dahil sa dami ng babaeng nakapalibot sa kanya.
Hanggang sa mapagdisisyonan ko nang umakyat ng stage para hatakin sya.
Ayaw pa talagang bitawan ang pole kaya sinampal ko nalang yung mukha para matauhan.
Hinatak ko sya pero grabe yung pagpupumilit nyang bumalik sa stage.
Kung di lang talaga to lasing baka kanina ko pa toh nasapak.
"Shan mo be ko dadalhinsh ha?" wala sa sarili nyang tanong habang yung mata kahit saan na napapadpad.
"Bibili tayo ng sarili mong pole! Mag pole dancing ka dun sa gubat !"
Bigla nalang syang umupo sa upuan malapit lang sa pinto at muntik pa syang mahulog at buti nalang ay naalalayan ko.
"Ano bang nakain mo at nag lasing ka huh?" galit na sigaw ko sa kanya at nagpout naman sya sa harapan ko na parang bata.
"Kaninang umaga adobo yung umagahan ko tapos kaninang tanghali naman sinigang tapos di pa ko nagdidinner eh" diretsong sagot nya sakin.
Walang hiya talaga tong lalaking toh kahit kailan.
"Joke lang ha ha, nagjojoke ako tumawa ka hahaha" napangiwi na lamang ako dahil sa katangahan nya.
"Sumagot ka nga ng maayos!"
"Ayoko nga" sabi nya na parang bata, napabuga na lamang ako ng hangin dahil sa inis.
"Gusto mo isabit kita jan sa pool? Tapos sasabihin ko sa mga taong nandito na silaban yung sahig para di ka makababa?"
"Sige na nga sasabihin na!" Kumuha muna ako nang upuan at saka tumabi sa kanya.
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."