Chapter 29- Ben
Jeonghan's POV
I can't believe, tinawag nya ko sa dati kong pangalan. Bigla akong kinabahan nung mga oras na yun.
Isa lang ang nasisiguro ko, naaalala nya pa ako.
Wala akong ibang ginawa kundi ang dalhin sya sa cr na pinakamalapit, alam kong ayaw nyang may makakita sa kanyang iba.
Sekreto namin yung sakit nya, di ko alam kung anong tumatakbo sa utak nya noong mga oras na 'yun pero kailangan ko syang tulungan kagaya ng palagi kong ginagawa nung panahong magkaibigan pa kami.
My true name is Ben Jeke Yoon but it has been changed to Jeonghan Yoon after the incident happened between our families.
Yung insidenteng yun ang dahilan kung bakit ako pinag panggap na nawawala.
Pero maliit nga ang mundo, hito ako ngayon at tinutulungan na naman syang lumaban sa sakit nya, parang sinadya talagang pagtagpuin kami ulit sa parehong sitwasyon.
Alam kong naiwan naming nakatanga yung iba sa kwarto ni Hoshi, di nila alam kung bakit bigla ko nalang kinarga si Churi para mailayo sa kanila nung marinig ko yung totoong pangalan ko galing sa kanya.
Di pa ngayon ang tamang panahon para malaman nila ang totoong istorya ng nakaraan namin ni Churi bilang matalik na magkaibigan.
Bigla akong naalarma nang umubo sya nang walang tigil sa cr, buti nalang at walang ibang tao, nilock ko na rin yung pinto para siguradong walang makapasok, walang dapat makaalam.
"Jeke hindi ko na kaya, masakit." Sabi nya at tinuro ang dibdib habang walang hubas parin sa pagubo. Di pwede, wag kang sumuko, please wag ngayon. I can see pain in her eyes while looking at me.
"Please, learn how to fight" sabi ko at pilit pinakalma ang sarili ko dahil nagbabadya na yung mga luha ko. Bakit ba pagdating sa kanya nagiging iba ako?
Learn how to fight , please learn how to fight for me.
Di ko alam kung ano ang gagawin lalo na nung mahagip na ng mga mata ko yung mga petals na nagbabadya nang lumabas galing sa bibig niya.
Patuloy parin sya sa pag ubo at ginawa ko ang alam ko noon pa na tamang gawin kapag nagkakaganito sya.
"Churi, i know you're strong and i know you know how to fight" saad ko pero mas lumalim lang yung paghinga nya.
"Jeke, napakawalang kwenta 'kong kaibigan." sabi nya habang pilit tinuturo yung sarili nya, kasabay ng pagkawala ng mga petals sa bibig nya ay ang sya ring pag agos ng mga luha galing sa mga mata niya, alam kong nasasaktan sya.
Kahit di nya sabihin alam kong gusto nya nang sumuko, nasasaktan ako habang nakikitang nagkakaganyan sya.
"Please don't say things like that, you're more important than who you think you are, sa piling mo lang namin nakita si Hoshi na sumaya" sabi ko at pinunasan yung kumawalang luha ko - Churi please be strong, kahit para kay Hoshi man lang" sabi ko ng basag ang boses.
Minsan lang ako umiyak at tanging siya lang ang nakakakita nun. Naramdaman ko ang paghina ng ubo nya at ang unti unti nyang pagkalma.
Pinunasan ko yung labi nya na may bahid ng dugo at pinunasan ko narin yung mga mata nyang punong puno ng luha.
"Sabihin mo sakin, masama ba akong kaibigan?
tanong nya at ramdam ko sa tono ng pananalita nya yung sakit ng mga salitang pinapakawalan nya.
"Hindi, alam mo 'yan noon pa" sabi ko ng diretso habang isinasandal yung ulo nya sa hita ko, kasalukuyan kaming nakaupo sa sahig.
"Pero bakit yung mga kaibigan ko nawawala sakin?" sinuklay ko yung buhok nya, mula sa posisyon ko ,ramdam ko paring nasasaktan sya.
Hindi ako nawala, kailangan lang talagang kumawala.
"What do you mean?" Pagtatanong ko.
"Si Hoshi at ikaw, ba't kailangan nyong mawala?" basag na naman ang boses nya, yung totoo ilang taon din akong umiyak. Hindi namin kagustuhang mawala sayo, kailangan lang talagang lumayo para sa ikabubuti mo.
"Sorry" yun lamang ang tanging masasabi ko muna sayo ngayon.
"Sobra akong nasaktan nung mawala ka" sabi nya at nagsimula na namang umiyak.
"Alam ko"
"Pero bakit kailangan pang magpanggap ng magulang mong nawawala ka? Alam ba nilang halos ikamatay ko yung sakit na naidulot noong panahong wala ka?"
Di na ako nagsalita ,gusto kong madinig galing mismo sa kanya yung mga nangyari nung mga panahon na wala ako.
"Alam mo ba yung pakiramdam na nagiisa ka lang at walang makausap? Yung wala ka man lang mapagsabihan ng problema mo. Yung walang gustong makinig sa mga hinaing mo, yung pakiramdam na walang kakampi. Kung alam ko lang Jeke na iiwan mo ako, edeh sana hindi ko nalang sinanay 'yung sarili ko na palagi kang nandyan." Saglit syang huminto at pinunasan yung mga luha nya.
"Ikaw lang ang naging kaibigan ko pero bakit nawala ka pa?" di ko na rin napigilang umiyak.
Wala eh ,mahina ako.
"Pinilit kong lumaban mag-isa nung mga panahong wala ka sa tabi ko para ipagtanggol ako"
Ako rin, ginawa ko ang lahat para makaya ang bawat sandali na wala ka sa tabi ko.
Pero di ko kinaya, kasi mahina ako. Patawarin mo ako Churi, patawad 'kung naging mahina ako. Hindi na kita ulit iiwan, pangako 'yan.
*vote comment and share the vibes!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Jugendliteratur"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."