Chapter 14

31 7 0
                                    

Magkaibigan pala noon si Kuya at Mingyu at yung totoong pangalan ni Mingyu ay Mingyu Nashiru Kim.

Buti nalang pinaliwanag nila samin ang lahat kundi baka lumipad na naman yung isip ko sa kalawakan dahil sa pag iisip.

Pero dapat siguro unahin ko muna tong batang unggoy sa harapan ko na parang di ko alam kung naluko na ba o baka sinapian ng mabuting espirito at nakikipag titigan sa pusa namin na panay ang pacute sa kanya.

Pero di titig na naiinlove yung binibigay ni Hoshi sa pusa ngayon kundi titig na nakakapatay. Di pa ata nakamove-on sa ginawang pagrape sa kanya ng pusa naming haliparot.

"Ayuri, simulan na natin" sabi  ni Hoshi at tumingin sakin with ngiting nakakalula,  ano naman ang sisimulan namin?

"Hoy kung may balak ka wag mo kong damayin!" Sabi ko na ikinalungkot ng mukha nya.

"Malaki kasalanan ng bestfriend mo sakin, alam mo ba yun?" Sabi nya,  aba't di ata ako na inform na may bestfriend pala akong may kasalanan sa kanya,  sino naman yun?

"Alam mo" sabi nya at huminga ng malalim.

Di ko alam.

"Labis na nasaktan ang puso ko sa ginawa ng pusa mo kanina, kinuha nila ang matagal ko nang iniingatan." peke siyang umiyak kaya natawa ako.

Binatukan ko sya ng malakas. Sino ba talaga sinasabi nyang bestfriend ko?

"Ayuri, kinagat na naman ako ng bestie mo!"  Sigaw nya habang pilit inaagaw yung kamay niya sa pusa namin, nakakatawa silang tignan para silang magjowang naghaharutan pero nangangagat, ay teka-

"Sinasabi mo bang bestfriend ko yang pusang yan?" Galit na sabi ko habang itinataas ang tenga ni Hoshi , kanina pa'ko naguguluhan tapos malalaman ko nalang na yung pusa pala yung tinutukoy nya abat.

Di ko talaga sya titigilang hanggang sa mamula yung tenga nya sa sakit.

"Aray binabawi ko na, ayuri masakit" pagmamakaawa nya sakin habang pilit hinahatak yung tenga nya pabalik.

Binitawan ko siya pero nag iba ang timpla ng mukha niya.

"Ba't ba sa tuwing sinasabi kong nasasaktan ako ayaw niyo tumigil?" giit niya at nagpunas ng luha. Agad na nag bago ang ihip ng hangin. Tumalikod siya sakin at naglakad palayo.

Bakit parang nasasaktan ako sa sinabi niya? Bakit parang ang lalim ng mga salitang yun? May kung ano sa nakaraan ko ang pilit bumabalik sa ala-ala ko pero agad din itong naglaho.


*Vote comment and enjoy!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now