Chapter-83- Omay

9 3 0
                                    

Chapter 83 -Omay



(Hoshi's POV)

Taka kong tiningnan si Tristan at diretso lang din syang naka tingin sakin, di ko parin maintindihan yung sinabi nya.

"Anong na comatose?" nagbugtong hininga sya at saka tumingin sakin.

"Nacomatose nga sabi si Churi eh , ang kulit nito!" sabi nya at nagkamot ng ulo habang inis akong tiningnan.

Narinig ni Mingyu yung pinag uusapan namin kaya  tumakbo sya papunta sa gawi namin ni Tristan.

"Sinong nagmenopause?"

"Comatose wag kang bingi!" singhal sa kanya ni Tristan.

"Menopause"

"Comatose"

"Menopause"

"Comatose"

"Menopause nga sabi eh!"

"Nacomatose nga sabi eh, bingi ka talaga! Mingyu bingi!"

Nasampal ko nalang yung sarili kong mukha dahil sa inaasta na naman ng dalawa.

"Sinong nag menopaus-- este na comatose?" naiinis na parang seryosong tanong ni Mingyu.

"Pag yan narining ni Churi galing sayo, pati yang bulate sa tiyan mo tatakbo!"pananakot ko sa kanya.

"Nagtatanong ako ng maayos eh! Sino nga?" nagkamot sya ng ulo habang nakapout yung labi.

Tinuro ko si Tristan kasi kahit ako di rin naniniwala sa sinabi nyang nacomatose si Churi, natawa din ako kanina sa sinabi nya eh.

"Babe sino? Sabihin mo sakin kundi break na tayo!"

"Yung bunso kong kapatid" diretsong sabi ni Tristan, nakakagulong tiningnan naman sya ni Mingyu.

"Si Churi?"

"Hindi, si Hoshi"  pamimilosopo ni Tristan at sinibangotan naman sya ni Mingyu.

"Sumama kasi sya sa paghahanap sa inyo at nagkataon na nasalubong nila si Seshuki"

"Eh kakaunti lang naman yung kasama ni Seshuki eh!"

"May resbak bes" napa tango tango naman si Mingyu sa sinabi ni Tristan pero kunot parin yung kilay.

"Pano na comatose?"

"Malamang nasaksak"  kaya pala nangdito sya sa Netherlands, nagulat din ako kanina nang makita sya dito.


"Kung ayaw nyong maniwala, go ask Joshua" sabi pa nya sa amin pero umiling nalang kami, naniniwala na kami sa kanya ngayon.

Naglakad kami papunta kila Vernon at ngumiti naman sila samin. Tinanong na nila kami kanina kung bakit namin kasama si Lexine at Michelle at enexplain naman namin sa kanila isa isa habang naglalakad. Tumango tango naman sila sa explaination namin.




Sinabi rin samin ni Kris na di alam ng Reyna lahat lahat ng nangyayari samin at buong akala lang nya ay nasa resort parin kami at masayang nagdiriwang. Sinabi nya rin samin yung dahilan kung bakit nila tinago sa Reyna at katanggap tangap naman yung paliwanag nya.




Di ko maiwasang mapaisip kay Churi. Nagtataka kasi ako sa mga pangyayari, lalong lalo na sa mga napapanaginipan ko tuwing gabi nung nangdun kami sa bahay nila Nicolas.

Para bang totoo pero panaginip lang sya, parang nagkokonekta din yung napanaginipan ko sa nangyari sa kanya ngayon. Sa panaginip ko ay malungkot sya, napakalungkot ibang iba sa totoo nyang ugali.

"Sa december 25 yung birthday ko hosh, pero baka di na ako umabot sa petsa na yan"




Yan yung mga salitang palagi kong naririnig mula sa kanya sa panaginip ko, di ko pa natatanong si Churi kung kailan birthday nya pero kung totoong sa December 25 yun, it means sabay kami ng birthday.





Napatigil ako sa pag iisip nang may magpitik ng kamay sa tapat ng mukha ko, nabalik ako sa reyalidad  at natatawang nakatingin sakin si Jun.

"Sumakay na ata ng spaceship yung utak mo hosh, ang layo na ng narating" natatawang sambit Jun.

"Yung sayo nga Jun, naglanding na sa Pluto" diretsong sabi sa kanya ni Minghao at sabay silang nagtawanan.

Muntik pang masundan yung mga panglalait nila sa isa't isa kung di lang sila sinamaan ng tingin ni Kris at Tristan kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad pauwi.



"Ang sungit sungit pangit naman" pagmamaktol ni Jun kay Tristan.

Natawa lamang ng mahina yung iba, at yung iba naman ay may pagbabantang tiningnan si Jun.

"Sino yung nagsalita? Paki ulit nga parang may nanglalait sakin eh!" nagsalita si Tristan at hinarap kami, dali dali naman nilang tinuro si Jun kayat lumaki yung mata nito sa gulat.



"Hindi, sabi ko ang gwapo pala ng kuya ni Churi, inshort ang gwapo mo!"


"Hindi yan yung narinig ko kanina" may pagbabantang sabi ni Tristan at mas lumaki pa yung mata ni Jun at halatang nanginginig na sa takot habang nagpipipigil naman ng tawa yung iba.


"Hindi n-nagsasabi ako ng totoo" hindi na ulit nagsalita at tumahimik na si Tristan at parang nakahinga naman ng maluwag si Jun.



Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makita na namin yung kalsada kung saan naka park sa maliblib na lugar yung mga kotse na ginamit nila. Sumakay na kami isa isa dun at pinaharurot na ang sasakyan.





Magbibihis muna siguro kami tsaka kami pupunta sa Hospital.





-(♡◕ω◕♡)

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now