Chapter-106- Savior

4 4 0
                                    

Jeonghan's POV

Nagising ako sa ingay ng mga nagtatawanan, napatingin ako sa katapat ko, may malay na si Hoshi ,Joshua at si Mingyu.

May nakaupo sa lamesa na isang lalaki, naninigarilyo ito at malaki ang katawan, yung iba naman ay mag iinuman, di ko alam kung anong klaseng lugar tong kinaroroonan namin.

Madungis at mabaho ang paligid.

"Ohhhhh, they're awake!" biglang sabi nung lalaking naninigarilyo sa ibabaw ng lamesa, ngumiti ito at kitang kita ang nangingitim nitong ngipin. Nanlilisik ang mga mata at may bahid ng dugo ang kamay.

Napatingin din ako sa sahig na may mga bungo, at mga kutsilyo at itak na nakakabit sa mga dingding.

Di ko alam pero naka ramdam ako ng kaba sa kutob ko kung ano sila, wala kaming laban dahil nakagapos ang kamay at paa namin. Mamamatay kami dito!

shit

baka kinuha nila sila Churi at kinain.

"I'm hungry" biglang sabi nung lalaki na kabilang sa nag iinuman.

"Let's eat them!" parang ma eexcite na sabi naman nung kasama nila! Langiya naman oh! sabi ko na nga ba tama ang hinala ko! Kumakain sila ng tao! Iihawin nila kami ng buhay!

Nagpapanic na yung mukha nila Hoshi.

"Should we start with this young boy right here?" sabi nung lalaking may hawak na kutsilyo.

"HOY MGA PISTI KAYO DI AKO MASARAP PRAMIS, WALA NGA AKONG LAMAN PURO TABA LANG MAKAKAIN NYO! PLEASE AYOKO PANG MAMATAY! HOY PANO NALANG SI LEXINE! DI NA KAMI MAG KAKATULUYAN! WAG NYO MUNA AKONG UNAHIN! GWAPO LANG AKO PERO DI AKO MASARAP! PARANG AWA NYO NA!"

Tudo ngiti naman yung lalaki na malapit sa kanya. Feeling model ng toothpaste!

"I CAN'T UNDERSTAND YOU YOUNG BOY, I THINK I WANNA EAT THIS MAN OVER HERE" naglakad sya papunta kay Mingyu.

"WAG MOKONG LAPLAPIN! VIRGIN PAKO, MAAWA KA! AANAKAN KO PA SI MICHELLE! PARANG AWA MO NA! MACHO LANG AKO PERO DI AKO DELICIOUS! KUNG GUSTO MO IBILI NALANG KITA NG ISANG SAKONG KARNE!"

Napa angat ang tingin namin sa itaas ng bong bong nang may biglang sumulpot dun, apat na babae, nakaitim silang lahat at may suot suot na mask at tanging bibig lang ang nakikita.

Agad na inagaw nung babae ang kutsilyo sa kamay nung lalaki nabigla pa ko nang sakin nya yun ibato, pero di naman ako natamaan, sakto lang yung pagkakabato nya para makalagan yung paa ko.

Yung isa namang babae ay binabaril ang mga lalaking nag iinoman. Parang wala syang awa sa mga ito. May kinuhang chainsaw yung lalaki at agad na itinapat sa kanya, umaandar ito, di ko maiwasang makaramdam ng kaba.

Nabigla nalang ako nang magalaw ko na yung mga kamay ko, nakalagan na pala kami nung kasama nya. Napatingin ako sa paligid, ang dami nang nakahandusay sa maruming sahig.

Tanging yung lalaking naninigarilyo nalang ang natitirang kalaban. Kinuha nya yung chainsaw na umaandar parin at sinugod yung isang babae pero di pa man ito nakakalapit ay nataga nya na ito ng espada, nabigla pa ako dahil stick yun nung una pero parang may pinindot sya dun kaya bigla itong naging espada.

Naglakad sila papalapit samin, at dahil sa bibig lang ang nakikita sa mukha nila dahil sa mask na tinatabonan ang mata nila, tanging ngiti lang nila ang nakikita namin.

"Ah-hmm thank y-you- napatigil  si Joshua dahil sa di nya alam ang itatawag sa babae, ngumiti yung babaeng nasa katapat nya lang, napatingin ako sa nakatatak sa damit nito, malapit sa may kadenang design. "Libra, i'm Libra" pagpapatuloy nya sa sinabi ni Joshua.

"Thank you Libra" ngumiti lang ito sa kanya.

Napatingin din ako sa tatlo pangbabae na nasa katapat naman namin ni Mingyu.

Tiningnan ko din yung nakatatak sa damit nila.

Pisces, Aries, Aquarius

Akmang bubuka pa sana yung bibig ni Hoshi para mag pasalamat pero umalis na ito, di ko alam pero nakalipad ito, at nang tumingin kami sa itaas, umiilaw ang sapatos nila at may ibinubugang kulay Maroon na usok.



"Akala ko tigok nako"  hinihingal at namumutla si Hoshi.

***

Churi's  POV

"Sorry, Jeonghan i'm sorry" di ko alam pero mababaliw nako sa kakasorry sa kanya pero blangko lang ang tingin nya sakin.

Natatakot ako ,pero kagagawan ko rin kung bakit sya nagkakaganito.

"Alam mo bang malapit na kaming mamatay, tapos mag gaganyan ka nalang! Kung sana di kayo umaalis dito sa resort di sana nalagay yung sarili namin sa alanganin! Di ko nga alam kung mabubuhay pako eh!"

Napapaluha nalang ako sa mga sinasabi nya.

"S-Sorry" yun nalang ang nasabi ko at nag lakad nako paalis. Ayoko na ,masakit na.

Pinag alala ko sya,at dahil sakin napahamak sya. Di ko alam kung anong gagawin ko pag nawala sya, di ko kaya, kasi ayokong maging totoo yung mga panaginip ko noon, sobra ang takot ko..di ko kakayanin.

At alam kong hindi sapat ang sorry para patawarin nya ko.

Tatalikod na sana ako nang magsalita ulit sya, at mas lalo akong nasaktan.

"Minahal mo ba talaga ako?" kinikwestyon nya ba yung pagmamahal ko sa kanya? Sa tingin nya ba peke lang to?

"Jeonghan...

"Sagotin moko! Minahal mo ba ako!?" tuluyan nang tumulo ang luha ko.

Mahal kita, sobrang mahal.

"Mahal kita-

"Gaano ka mahal? Sige nga, kung mahal moko ba't hinahayaan mong mag alala ako sayo? Ba't gumagawa ka ng desisyon na alam mong mag aalala ako ng husto? Tell me, do you even care for my feelings? -Pinahid nya yung luha nya.

"Iniisip mo rin ba minsan na, baka mag alala ako, na baka kung anong gawin ko para masalba ka at ako pa ang mapahamak? Alam mo ba kung gaano ako nag alala?"



"Jeonghan...sorry... i love you"





When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now