Chapter -92- Hoshi's Pain

4 5 0
                                    

Chapter 92-Hoshi's Pain


"Wag kang umiyak" nakasandal sya sa balikat ko, umiiyak pero di ko alam kung bakit. Basta ramdam na ramdam ko sa boses nya yung sakit na nararamdaman nya ngayon.



Natatakot ako na baka lumala yung emosyon na nararamdaman nya at baka umatake na naman yung sakit.

"Tumawag sakin si Ate, binenta na nila yung bahay namin sa Pilipinas. Wala na akong mauuwian at wala narin akong pamilya.. di na nila ako kailangan.. parang wala lang ako sa kanila.." pilit ko syang pinapatahan.





(Hoshi's POV)


Nasanay na nga ako, mula pa noon ay di ko na naramdaman na kabilang ako sa pamilya nila. Mula noon ay gusto na nila akong itakwil dahil anak lang naman daw ako sa labas. Kahit minsan ay di ko nakita yung mukha ng mga magulang ko. Boses lamang ang tanging naririnig ko mula sa kanila.





(flashback...)

"Maghanap ka na ng titirahan mo hosh, buhayin mo sarili mo" sabi ni Ate sakin mula sa telepono.
"Nabenta na namin yung bahay  at saka di na kami uuwi dyan! Ang swerte mo naman buong buhay mo kami nagpapakain sayo"


Di ko alam kung anong mararamdaman ko nung mga oras na yun. Masasanay nalang siguro akong ganito palagi ang sitwasyon.




"Ate... pwede ko po bang makausap si mama?" Pakiki usap ko kay ate. Narinig ko syang tumawa mula sa kabilang linya.


"Talaga hosh? Mama mo? Nagkakamali ka ata kasi ni minsan ay di ka nya tinuring anak at mas lalong di rin kita tinuring na kapatid" walang tigil sa pagpatak yung mga luha ko nun, ang sakit sakit lang kasi para sakin.



Alam ko na noon pa na di ako kabilang sa  pamilya namin. Kinikimkim ko lang lahat ng sama ng loob ko.



"Look hoshi, sagabal ka lang sa buhay namin. You should respect our decision!" dag dag pa nya sakin.




Noong mga oras na yun, gusto ko nalang mamatay. Buong buhay ko kasi puro sakit nalang yung nararamdaman ko lalong lalo na ngayon.


Nagsimula na namang sumakit yung dibdib ko, senyales na aatake na naman yung sakit.






(End of flashback...)



Sinabi ko kay Churi lahat lahat, alam kong handa naman syang makinig sakin. Alam nya na na may sakit ako na ganito, inaasahan kong iiwas sya sakin pero di nya ginawa yun.


Ni minsan ay di ako nagsabi kila Ate na nahihirapan ako. Kasi alam ko ang sasabihin nila, puro nalang daw problema yung dala dala ko sa pamilya nila, ako daw yung nagdadala ng malas sa  buhay nila.

(Churi's POV)


Habang sinasabi nya yun, pinipilit kong pigilan yung mga luha ko. Ayaw kong maramdaman nya na  nakaka awa sya kahit na sa totoo ay naaawa talaga ako sa kanya.

Di ko inasahang may mas komplekado pa pala na sitwasyon kaysa sakin, buong buhay ko inakala ko na ako lang ang nakakaranas ng ganitong sakit may ibang tao din pala na mas naghihirap.

Akala ko sa katawan ko galing yung mga petals na nakita ko sa kwarto ko, ngayon ko palang nalaman na sa kanya pala yun.

Ang swerte swerte ko pa nga eh. Kung ikokompara sa kay Hoshi, may kuya ako na tutulong sakin kapag inaatake ako ng sakit. Nangdun din si Doctor Top para tingnan yung kalagayan ko.

Pero si Hoshi, mag isa lang nyang nilalabanan yung sakit nya, walang tumutulong sa kanya kundi ang sarili nya.  Di ko nga alam kung pano nya nakayanan yun.

"Hosh, may kailangan din akong aminin sayo" tumingin sya sakin.

"Ano yun?"

"Pareho tayo ng sakit- saglit akong tumigil at tumingin sa kanya. Halata sa mukha nya yung pag kagulat. Nag buntong hininga ako bago ituloy yung pagsasalita. -may hanahaki disease din ako"

Kahit di nya sabihin alam kong naguguluhan sya.

"Nararamdaman ko rin yung sakit na nararamdaman mo" dagdag ko.

"Sorry kung naglihim ako" sabi nya sakin , nagbabadya na yung mga luha nya pero agad ko naman syang hinimas sa likod para di sya umiyak.



"Naglihim din naman ako sayo eh, ako nga dapat ang humingi ng tawad"gusto ko syang maging komportable.

"Nangdito lang kami para sayo hosh. Ako , si Kuya, si Lexine at yung mga kaklase natin. Di natin pababayaan ang isa't isa. Mula ngayon , tinuturing na kitang kapatid. Permanente kana sa buhay namin, kayo ni Mingyu. Mahal ka namin bilang isang pamilya" 

Ngumiti sya sakin at kita ko sa mga mata nya yung saya na nararamdaman nya, bigla nya nalang akong niyakap.



"Salamat"




Napangiti ako at nakita ko si Jeonghan mula sa malayo na naglalakad papunta samin.

"Guys! May naghahamon ng volleyball!" napatawa nalang kami ni Hoshi nang maunahan pa ni Seungkwan si Jeonghan papunta samin.


Umakbay sakin si Jeonghan, at kita ko ring papalapit samin yung iba pero napatingin ako kay Mingyu na ngiting ngiti na naka akbay kay Michelle.



"Game ba kayo?" parang na eexite na tanong ni Seungkwan.

"Sino ba kalaban?"

"Yung tumulak kay Lexine sa pool" diretsong sagot ni Seungkwan. Napangiti ako ng nakakaloko sabay tingin kay Hoshi at Lexine.

"Game"



When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now