Chapter 97- the moves
(Lexine's POV)
Sibangot ang mukha ni Hoshi na naglalakad sa kwarto namin este sa kanya pala. Sinundan ko sya kung saan man sya papunta, masama ata yung loob nya kasi grabe yung tawa namin sa kanya kanina.Pano ba naman kasi, yung zodiac sign nya daw ulcer, may zodiac sign bang ganon?
"Hoy hintayin moko!"
Malalaki yung hakbang ko para maabutan sya, naa butan ko naman kaya agad kong kinalabit.
"Galit ka na nyan?" Humarap sya sakin at nakapout. Sarap talagang inisin nitong lalaking to, mas lalo kasi syang kumukyut.
"Galit ako sayo" sabi nya na ikinangiwi ko. Natawa nalang ako ng mahina sa kanya.
"Ba't ka naman magagalit sakin mahal ko?" sabi ko dala dala ang nakakalukong tingin, nagtaas baba ako ng kilay sa kanya.
"Tumahimik ka nga! Baka may makarinig jan sa kalandian mo" sumimangot ako sa kanya. Inirapan ko sya at narinig ko naman yung mahina nyang tawa.
Tinalikoran ko sya at naglakad na paalis. Nabigla ako nang hawakan nya yung mga kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.
"Galit ka na nyan?" sabi nya ng nakatawa. Umismid lang ako sa kanya at binawi yung mga kamay ko, naglakad ako papunta kila Michelle na bumubuo ng bonfire kasama yung iba. Malapit na rin kasing gumabi at ramdam na ramdam na talaga yung lakas ng hangin at ang ginaw na taglay nito.
Rinig ko pa yung pagtawag ni hoshi sa pangalan ko pero di ko na sya sinagot.
Unang nakakita sakin si Jun. "Hoy san kayo galing?" Napatingin na rin ang iba, di ko napansin na nasa gilid ko na pala si hoshi.
"Hoy baka kung anong ginawa nyo, mga bata pa kayo" napakunot ang noo ko kay Jeonghan, binatukan naman sya ni Churi at saka sya tiningnan ng masama.
"Grabe ka talaga mag isip- sabi pa nya kay Jeonghan na kasalukoyang nagkakamot ng ulo -oo nga kayong dalawa lalong lalo ka na hoshi, san kayo galing? Maghahapon na tapos ngayon pa kayo nakabalik! Anong milagro ginagawa nyo? Kayo nabang dalawa? Bakit ngayon lang kayo nakabali---
Naputol yung sasabihin nya nang takpan ni Jeonghan yung bibig nya,napatawa nalang kami sa kanilang dalawa.
"Ano kaba! Sinaway mo pa ako tapos ikaw pala yang may maraming tanong" salubong naman yung kilay na nakatingin sa kanya si Churi.
"Eh kasi naman--- tinakpan na naman ni Jeonghan yung bibig nya. Tumahimik na sya kaya napatingin na naman kaming lahat kay Michelle na salubong yung kilay na nakatingin samin ni Hoshi.
Patay! Pag ito pinagalitan kami, mauubos dugo namin dahil sa nosebleed.
Lumapit sya samin kaya napaatras kami ni Hoshi.
"What happened between the two of you? I heard that your just fifteen so you are not allowed to do such things like that! What if you get pregnant? Hoshi still can't go to work because your just underage! Please focus on your studies not in such things like tha-
Bigla nalang kami kinilig nang lumapit si Mingyu sa kanya at pinatigil sya sa pagsasalita gamit ang isang napaka malumanay na halik.
Nabigla si Michelle sa ginawa ni Mingyu, maging kami rin ay nabigla pero kinilig, humiwalay si Mingyu sa pagkakahalik nang makitang tumahimik na si Michelle.
Agad namang nagtilian sila DK kasama sila Jeonghan sa kanila, di na ata nila mapigilan yung kilig, paano pa kaya si Michelle?
Agad na namula yung mukha nya, nakatingin lang si Mingyu sa kanya suot ang pilyo na ngiti, nakasmirk pa ito sa kanya.
"Your too noisy" sabi nya dito na mas ikinapula ng pisngi nito.
"Uy dumadamoves na si Mingyu!"
"Oo nga! Iba rin talaga yung galawang nakakabaliw!"
"Gusto ko rin non!"
Sunod sunod yung sigawan at tilian namin sa kanila. Di makakibo si Michelle, ikaw ba naman kasi halikan nalang bigla nang di mo alam.
-hahahaha walang label pero may halik
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Roman pour Adolescents"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."