Chapter 31-Awake
Churi's POV
"Wag mo nang pilitin"
Sabi ni Jeke habang tinutulungan akong bumangon mula sa sahig.
Sari-sari ang nararamdaman ko ngayon, masaya ako dahil sa tagal na nawalay ako sa kanya, dito ko lang pala sya makikita.
Napakabuti ng Diyos sakin, kahit anong problema nakaya ko.
Nakalimutan ko nga lahat ng nangyari sakin pero hindi ko naman nakalimutan yung mga mata ng nagiisang kong kaibigan.
Yung mga mata nya na nagpapakalma sakin, yung mga mata nyang nagsasabi na magiging okay lang ako. Yung mga mata na dahilan kung bakit hanggang ngayon patuloy parin akong lumalaban.
Di ko mapigilang mapaiyak kanina habang nakikita syang pinapakalma ako, kahit kailan hindi sya nagbago.
Tanging ala ala lamang naming dalawa ang natitirang buhay sa isip ko.
"Wag mo na akong iwan ulit ah" sabi ko sa kanya at hinawakan nya naman yung mga kamay ko at tiningnan ako sa mga mata.
"Sobra akong nalungkot 'nung wala ako sa tabi mo, di ako sanay na wala ka, di tayo sanay na wala ang isa't isa" hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko at iniangat ang mukha ko para mapagtagpo ang mga mata namin.
"At ngayon, isa lang ang mapapangako ko sayo, hinding hindi na ako mawawala sa tabi mo ulit" sabi nya at ngumiti sakin, sinuklian ko naman ang ngiti nya.
"Promise?"
"Promise" sagot nya at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Habang naglalakad, di ko maiwasang mapatingin sa kanya kasi parang panaginip pa rin yung mga nangyayari. Sobrang namimiss ko na sya, sobra
sobrang sakit ang nadanas ko noong mga panahon na wala sya."Ano idadahilan natin sa kanila?" tanong ni Jeke kaya iniangat ko ang tingin sa kanya, oo nga noh?
Sabihin nalang siguro naming nagpraprank lang kami, pero may nagpraprank bang dumideretso sa cr?
"Sabihin nalang natin na alergy ako sa chocolate na dinala ni Joshua!" Sabi ko pero sibangot lang naman ang binigay nya sakin, binigyan nya naman ako ng matanong na tingin.
"Halos kalbohin mo nga ako ng dahil lang sa chocolate na yan tapos yan pa ang idadahilan mo, ano yun? ngayon ka lang nagka alergy?" Pinatong nya yung kamay nya sa ulo ko at saka nya yun ginulo, napabuntong hininga naman sya habang napapailing "Di ka talaga nagbago, you don't even know how to deal with a lie"
Napasibangot naman ako sa mga tinuran nya.
"Itoh nalang, sabihin nating buntis ka" ang gandang dahilan niyan!
Walang hiya
"Baliw ka 'ba?"
"Baliw sayo"
"Ano? Pakisabi ulit."
"Wala, hahahaha i miss you my little chimpanzee."
•••
Pagdating namin sa kwarto kanya kanya sila ng pinaguusapan. Ako naman tong kinakabahan sa idadahilan namin.
Wag naman po sanang sumablay.
"Okay ka na ba?" bungad sakin ni Joshua, nginitian ko naman sya.
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."