Chapter 91-bye
(Churi's POV)
Paggising ko ay nakita ko si Kuya na naghahanda na para bumalik sa Pilipinas. Maliwanag na ang paligid at tanghaling tanghali na.
Napatingin ako sa kabilang kama nag babaka sakaling nangdun si Hoshi pero wala nang nakahiga dito.
"Kuya, si Hoshi nakita mo?" kunot ang kilay na tanong sa kanya habang busy naman sya sa pagtutupi ng mga damit.
"May nangyari ba kagabi?" Striktong tanong nya sakin.
kung alam mo lang na malapit mo nang halikan si Mingyu!
"Nakita ko yung damit mo na may dugo" diretso yung mga mata nyang nakatingin sakin. Nagbuntong hininga ako at pabalik balik na inisip kung sasabihin ko ba sa kanya.
"Kuya, ano kasi-- nag aabang lang sya ng sasabihin ko -si Hoshi, parehas kami ng sakit" nag aalinlangan ako habang sinasabi sa kanya yun.
Kita ko yung pagkabigla sa mukha nya,"May hanahaki din sya?"
Tumango naman ako sa kanya sabay sabing"Oo".
"I have a favor, 6:00 am yung flight ko kaya kailangan ko nang magmadali, please tell Hoshi that no matter what happen to him, always remind him that we're here for him. Don't let him feel alone and lonely. Kung pwede lang please wag mo syang pabayaan habang wala ako."
Nabigla ako sa pananalita ni Kuya, para bang grabe yung pag aalala nya kay Hoshi. Kitang kita ko sa mga mata nya yung sinseridad nya habang kinakausap ako. Diretsong diretso lang yung tingin nya sakin habang binabanggit ang mga salitang yun.
"Sige kuya, ingat ka sa byahe" sabay ngiti ko sa kanya, ngumiti din sya sakin.
"Please take care of him, his a part of our family now"malumanay na sabi ni Kuya. Tanging tango nalang ang ginawa ko at nagpaalam na sya. Nagpaalam na din sya sa iba kong kaklase at kay Kris.
"Wag kana ulit maglalasing"natatawang sabi ni DK kay kuya. Natawa nalang sya na parang nahihiya. Dumating na din sila Mingyu kasama si Jeonghan na syang naghanda ng magiging umagahan.
Naglakad papalapit sakin si Jeonghan sabay halik sa pisngi ko.
"Uy uy uy, Jeonghan nakita ko yun! Ayusin mo yang kapatid ko kundi makakatikim ka sakin!" banta ni Kuya kay Jeonghan at mahina syang natawa.
Naramdaman ko rin na may kumakalabit sakin sa likod ,tiningnan ko kung sino ang kumakalabit at nakita ko si Mingyu na nagkakamot ng ulo.
"Nakita mo si Michelle?" mahinang tanong nya sakin, ngumiti naman kami ni Jeonghan sa kanya, yung ngiting nakakaloko.
"Miss mo na sya agad?" may halong pang aasar na tanong ni Jeonghan.
Sinamaan naman sya ng tingin ni Mingyu pero kita na mukha yung pamumula.
Binalik ko ang tingin kay Kuya at nagpaalam na sya samin.
"Yung bilin ko sayo, wag mong kalimutan" bulong nya sakin bago pumasok sa kotse. Kumaway na kami sa kanya hanggang sa lumayo na ng tuluyan yung kotse.
"Pasok na tayo mahar?" aya sakin ni Jeonghan ,tiningnan ko si Mingyu pero parang hinahanap talaga ng luko si Michelle.
"Di ka pa papasok?" tanong sa kanya ni Jeonghan.
"Susunod lang ako, hihintayin ko muna yung future wife ko" ang landi talaga ng isang to.
"Future wife, bakit? May label ba kayo?" mapang asar na tanong sa kanya ni Jeonghan, mahina akong natawa.
"Sasagotin nya rin ako sa tamang panahon, itaga nyo sa bato,mas una kaming ikakasal sa inyo" sabi pa nya samin.
"Okay" sabay naming sagot ni Jeonghan.
Maglalakad na sana kami papasok pero naalala ko si Hoshi, nasan na yung batang yun. Di ko nga alam kung okay na ba yung kalagayan nya.
"Jeonghan nakita mo si Hoshi?" lumingon lingon sya sa paligid at tinuro ang kamay sa kung saan.
"Ayun! Nasa ilalim ng puno" tiningnan ko yung tinuturo nya at nangdoon nga si Hoshi. Pero di sya nakatingin samin kasi diretso sa dagat yung tingin nya.
"Jeonghan susunod nalang ako, gusto ko lang syang makausap" tumango sya sakin.
"Sige, sabay nalang tayo mamaya ni Hoshi kakain" tumango ako sa kanya at naglakad na papunta sa direksyon kung saan nakaupo si Hoshi. Halatang malungkot parin sya kagaya nung kagabi.
Umupo ako sa tabi nya, alam kong napansin nya ko pero di nya ko tiningnan.
"Pwede kang magsabi sakin, kagaya mo rin ako noon"
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."