Chapter 37- Last Cry Scoups and Jirjean Part 4
(Scoup's POV)
*continuation of flashback*
"Babe"
wala parin syang imik.
"Babe, ano bang nangyayari sayo?"
Nanatili parin syang tahimik, nahihirapan nako sa ganitong sitwasyon. Di ko alam kung bakit sya nagkakaganito.
"Babe, tingnan mo oh, nanalo kami sa basketball competition" sabi ko sabay lahad sa kanya ng trophy.
Kanina championship namin sa basketball, masaya ako kanina kase akala ko dadating sya.
Hinintay ko sya ng hinintay pero ni anino nya di man lang nagpakita kaya pagkatapos ng laro nag alala nako kaya pinuntahan ko sya dito sa apartment na tinutuluyan nya.
Pero ito ang inabutan ko, di nya na ako pinapansin kahit simpleng congratulation man lang wala akong narinig galing sa kanya.
"Babe--
"Kinaya mo naman pala eh, Cheol alam kong kaya mong mabuhay ng wala ako sa tabi mo" yumuko sya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Cheol baka pwedeng pakawalan mo na ako?" sabi nya na nag mamakaawa ang boses and tears started running off her eyes.
Di ko kaya, naguguluhan ako.
"Ba't ka ba nagkakaganyan babe? Di ka naman ganito noong mga nakaraang araw, pagod ka ba? please sabihin mong pagod kalang kaya ka nagkakaganito"
Umiiyak ako habang sinasabi ang mga salitang yun.
Di ko sya kayang pakawalan.
"Cheol tama na" sabi nya at pinunasan ang luha nya "Cheol di ko na kaya"
"Pero sabi mo mahal moko, Jirjean ano bang nangyayari sayo?"
"Cheol noon yun! Yung mga panahong akala ko ikaw ang mahal ko! Cheol ikakasal nako at ayokong masaktan ka ng dahil dun kaya pakawalan mo na ako!"
Di ko akalaing dadaan ang araw na sasabihin nya sakin ang mga bagay na ito.
"Pero sinasaktan mo na ako, sa mga sinabi mong yan dinurog mo na ako!" Sagot ko habang binabara na ng sakit na nararamdaman ko ang pagsasalita ko.
Sana panaginip lang to
"Cheol di kita mahal, sinagot lang kita dahil naaawa ako sayo"
Durog na durog nako noong mga oras na yun, sana may gumising sakin sa bangungot nato.
Sinagot nya ko dahil naaawa sya sakin, sana di nya nalang ako sinagot. Sana nagpatuloy nalang kami na ganon, yung tipong nagkikita kami at nagtatawanan habang nagkwekwentuhan, hindi yung sinagot sya nga ako pero di nya naman pala talaga nya ko mahal.
Napahagulgol nalang ako ng iyak, napakabobo ko para di maramdaman na peke lang yung mga sinabi nya sakin.
"Ito tandaan mo, gihigugma taka! mahal kita! i love you! Saranghaeyo! Mahal na mahal na mahal na mahal kita Cheol ,higit pa sa sarili ko"
Napaniwala nya ko sa mga salita nyang yun. Hiniling ko sa mga sandaling yun na sana ganon kami habang buhay pero hindi, ito ako ngayon at umiiyak.
"Jirjean, wag ka namang magsalita ng ganyan sinasaktan mo naman ako eh!" sabi ko at tumawa ng peke "Nagpraprank kalang noh? Sinasabi mo lang yan para paiyakin ako noh? ito oh umiyak nako pwede ka nang umamin na nagsisinungaling ka lang"
Tinawanan nya lang ako.
"Napakabobo mo naman, totoo lahat ng to Cheol! Ikakasal na ko kaya sana tanggapin mo yun!"
Tanging pagiyak lang ang magagawa ko para mapakita sa kanyang nasasaktan ako. Pero tinawanan nya lang ako.
"Ang bobo mo, umuwi ka nanga sa inyo! Di kita kailangan" sabi nya habang tinutulak ako palabas ng pinto kaya nabitawan ko ang trophy na regalo ko sana sa kanya dahil weeksary namin ngayon pero wala na, nabasag na.
Tinulak nya ko ng buong lakas hanggang sa mapunta ako sa labas at padabog nyang isinara ang pinto.
Napatingin ako sa mga kamay kong may dugo dahil sa mga bobog na dumapo sa kamay ko kanina pagkabasag nung trophy.
Napasandal na lamang ako sa pinto at may nadidinig akong humahagolgol sa likod ng pinto na sinasandalan ko pero di ko na yun pinansin dahil mas higit na nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Pinunasan ko na yung mga luha ko at tumayo upang umalis.
"Sorry Cheol pero kailangan ko tong gawin"
Napalingon ako nang marinig ko ang mga bulong nayun habang papaalis ako pero agad din akong tumuloy sa paglalakad sa pag aakalang guniguni ko lang ang boses nya na yun.
Masakit, sobrang sakit.....
*End of flashback*
Di ko napapansing tanghali na pala, punong puno na ng luha yung damit ko.
Almost 3 years.
Almost 3 years syang di nagpakita sakin tapos ngayon ganito nalang? Bigla nalang syang susulpot at hihingi ng oras para dinggin ko yung mga paliwanag nya?
Masyado nya nakong nasaktan at pilit ko yung kinalimutan at ayoko ko nang maulit payun.
*vote coment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Novela Juvenil"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."