Chapter 61- Hoshi's Abs
(Jirjean's POV)
Ang ganda ng panahon pagdating namin , mga ilang oras din ang byahe pero sulit naman dahil sa ganda ng lugar.
Kitang kita ko na ang iba na agad na hinubad yung mga jackets nila kasi di naman masyadong malamig dito, masaya silang lahat na naglalaro tapos yung iba nagtatampisaw na din sa maliit na swimming pool.
"Hoshi itigil mo yan!" napalingon ako sa sumigaw na si Churi habang pinipigilan nya si Hoshi.
"Usto ko i exposed yung hot body ko!" Napangiwi sa kanya si Churi habang binabalik ng pilit yung jacket ni Hoshi sa katawan nya.
Ayaw nya talagang maghubad si Hoshi, mukha syang ate sa ginagawa nya ngayon.
"Wala kang abs ano ba!!!" pamimilit ni Churi sa pasaway na bata.
"May abs ako tingnan mo oh! Oh diba meron!?" itinaas ni Hoshi ng pilit yung damit nya pero pinigilan naman sya ni Churi, salubong ang kilay nito habang nakatingin ng masama kay Hoshi.
"Aysus Hoshi, wag ka ngang nangangarap puro taba lang naman yang nasa tiyan mo eh!" Napatawa ako ng mahina sa sinabi ni Churi at kita naman ang sibangot sa mukha ng bata.
"Pag ito nakita ni Lexine, mahihimatay yun sa kilig" papalapit sa kanila si Mingyu na may dala dalang tuwalya.
"Sinong mahihimatay hosh?"
"Mahihimatay si Lexine pag nakita nya yung hot abs ko dahil sa kilig" buong tapang na pagkakasabi nya.
"Feelingero ka talaga kahit kailan"
***
"Babe swimming tayo!" buong galak na aya sakin ni Cheol, kanina pa sya parang atat na atat na mag swimming pero ako itong ayaw.
Naiinis ako sa kanya kanina kasi akala ko matinong damit yung pinili nya para sakin pero nang tingnan ko sports bra at kaikli-ikling shorts ang hinanda nya para sakin.
Nagsisisi ako kung bakit hinayaan ko syang mamili ng damit ko o mas sabihing parang underware yung pinili nya.
Buti nalang talaga may malaking jacket ako para matakpan yung katawan ko.
"Sige na babe pleaseeeeee" pangpipilit nya pero tudo iling parin ako.
"Sige di na kita pipilitin, dito ka nalang muna may pupuntahan lang ako" pagkatapos nun ay umalis na sya at pumunta sa kung saan.
Di nako nagtanong kung saan sya pupunta kasi may tiwala naman ako sa kanya.
Ibinalik ko nalang yung tingin ko kila Churi na hanggang ngayo'y di parin natatapos sa pagtatalo.
"Maginaw nga sabi ang panahon , wag mo nang palalain!"
"Kaya nga i eexposed ko yung hot body ko eh para mainitan tayo!" Napailing iling nalang si Mingyu dahil sa inaasta ng dalawa.
Ramdam ko rin yung pagpapalit ng klima, kung kanina di masyadong malamig ngayon mas lumalamig na yung panahon.
Parang di na sapat yung suot suot kong jacket para pang protekta sa lamig.
Yinakap ko nalang yung sarili ko pero di rin yun nagtagal nang may maglagay ng isang malaking jacket sa hita ko.
Tiningnan ko kung sino yun sa pagbaba kasakaling si Cheol pero isa pala sa mga kaklase nya.
"Kanina ko pa nakikitang parang giniginaw ka kaya pinuntahan na kita" nakangiting sabi nya sakin at tinugunan ko rin sya ng ngiti.
"Salamat"
"By the way i'm Joshua"
"Jirjean"
***
(Churi's POV)
"San sila Jeonghan?" Tanong sakin ni Hoshi na ngayo'y nakahubad na ang tshirt.
Di talaga nagpa awat ang walang hiya, gustong gusto nya talagang e-expose yung hot daw kuno na body nya.
"Nag paalam sya sakin kanina na may pupuntahan daw sila, kasama nila yung iba nating kaklase maliban kay Joshua at satin"
"San daw pupunta?"
"Di ko rin alam" napansin ko yung pagyakap nya sa nga tuhod nya kaya tinawanan ko na sya.
"Ayan, bat ba kasi may pahubad hubad pang nalalaman? Oh ano ngayon may natulong ba yang hotness mo?"
Sumibangot sya sakin kaya inabot ko sa kanya yung jacket na dinala ko para sa kanya.
"Ayan sa susunod siguraduhin mong nababagay sa panahon yang hotness mo!"
Sinuot nya yun at kita ko ang gumuhit na ngiti sa labi nya.
"Salamat"
"Your welcome"
"Punta muna ako sa CR ha" pamama alam nya sakin at tumango naman ako sa kanya.
"Sige"
Vote comment and enjoy!"
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Novela Juvenil"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."