Chapter 58- A day in Netherlands
(Churi's POV)
Papasok o hindi?
Papasok o hindi?
Papasok o hindi?
Papasok o hindi?
Walang hiya naman oh! Ang sabi bahay eh palasyo tong napuntahan namin eh.
May pasabi sabi pang house yung cold water na yun tapos sa isang magarang palasyo naman pala nakatira yung Grandmother nya.
Napatingin tuloy ako sa itsura namin kasi mas maputi pa yung mga maid nila , nahihiya balat namin eh.
"Wag nalang kaya tayong pumasok?"
"Guys uwi nalang tayo"
"Kakarating lang uuwi agad?"
Yan ang naririnig kong mga daing nila nang makita ang kabuuan ng palasyo.
Kumikinang kinang pa yung swimming pool nila eh, yung tipo ng swimming pool na walang magbabalak na maligo dahil natatakot madumihan.
"Let's get inside, my Grandma is waiting for us"
"Kris naman di pa nga nabubuo yung baon naming english eh! ang sarap tuloy umuwi sa Pinas" si Baekhyun na naka kalabit pa kay Chanyeol.
"Wag na nga kayong OA jan, di naman siguro nangangagat yung Reyna eh!" sagot naman sa kanya ni Woozi.
Maging kami nga ni Jeonghan nag dadalawang isip na rin kung papasok ba kami o hindi.
"Tara na nga sabi eh!" daing naman ni Jimin.
"Yah let's go" tipid na sabi ni Kris at umuna nang maglakad.
Sumunod naman sa kanya yung kasection ni Jimin na parang walang problema sa pag eenglish, kung sa bagay kanina ko pa sila naririnig na nag sasalita ng english.
"Tara na?" napatingin kami kay Mingyu na tinitingnan sila Jimin habang papasok sa loob.
"Sige" sagot naman ni Jeonghan at hinawakan yung kamay ko sabay tango.
Kahit labag sa loob ay sumunod nalang kaming lahat sa section nila Jimin.
Nanginginig yung mga paa ko habang humahakbang papasok dahil na rin siguro sa kaba, di naman siguro kami leletsonin dito.
Pero habang papalapit sa pinto ay may parang di kompleto sa pakiramdam ko eh, napatingin ako sa paligid at tama nga ang hinala ko.
"Si hoshi nawawala" nag aalalang sabi ko kay Jeonghan at tiningnan nya naman ako at tumawa.
"Ba't tumatawa ka jan?"
"Kanina pa sya pumasok, mas nauna panga sya kay Kris eh!" ay walang hiyang batang yun! Di man lang nahiya umuna pa talagang pumasok.
Napatingin tuloy ako sa mga guwardya na nakabantay sa magarang pinto, pano nya kaya toh nalusutan?
"Ayun lang pala si Hoshi oh!" Sigaw ni Jeonghan habang nakaturo sa nga guwardya.
Nilipat ko yung tingin sa mga guwardya pero wala naman akong nakitang Hoshi.
"San?"
"Ayun oh!" sabi nya at tinuro na naman ang mga guwardya.
"San nga?"
"Ayun oh! Tingnan mo sa likod ng guwardya, ayun oh! Nakikipagharotan sa isa pang guwardya!" sabi nya at binalik ko na naman ang tingin sa mga guwardya at dun ko nakita si Hoshi na kumakain habang tuwang tuwang kausap ang isa pang guwardya.
"Umuna na kayo"
"Sure ka?"
"Oo ,sabay kami ni Hoshi na papasok"
Tumango sakin si Jeonghan, at tumakbo ako papalapit sa gawi ni Hoshi pero parang di nya naman ako napapansin na papalapit sa kanya.
Nakita ko pa syang tumatawa habang kinakausap yung isang guwardya.
"I knew it, so you already have a girlfriend?"
"No i don't have but i have an admirer and she always gave me a lot of chocolates, she even gave me a cellphone look!" pinakita pa nya sa guwardya yung cellphone nya.
May lahing englishero din pala tong Sushi nato!
"Oh great, i wish i also have an admirer like you" sagot sa kanya nung guwardya.
"Oh i have a friend , she's ugly but she really really likes you very much, her name is Churiso" agad na lumaki yung mata ko dahil sa sobrang galit dahil sa narinig ko, anong ugly? Anong really really like? Anong very very much?
"Churiso? That's kinda weird name i guess" sabi nung guwardya na mas nag pausok sa ilong ko.
Lumakad na ko papalapit sa kanila at agad na hinatak si Hoshi na ikinagulat nya naman, ngumiti lang ako ng pilit dun sa guwardya.
"I'm sorry sir, actually he didn't know what he's saying. Im sorry for disturbing you" napilitan tuloy akong mag english dahil sa batang toh, feeling ko mali mali yung grammar ko.
"Ah no, it's okay. Your friend is kinda funny you know" sabi naman nung guwardya.
"Sorry sir ,this boy is supot" sabi ko at ngumiti ng matamis kay Hoshi na kasalukuyang salubong ang kilay.
"What is supot?"
"Supot means a handsome man sir" sabi ko at ngumiti.
"Oh, so I'm supot?" kahit nanginginig ako sa kinatatayuan ko ay pinilit ko paring di tumawa lalong lalo na si Hoshi na namumula na sa kinatatayuan.
"Sir , we have to go" sabi ko at kumaway na.
"Okay , nice to meet you supot!" pagpapatukoy nya kay Hoshi.
"Nice to meet you too supot!" sagot naman ni Hoshi sa guwardya at sabay kaming tumawa ng napakalas pagtalikod.
*vote comment and enjoy!"
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."