Michelle's POV
Nagising ako dahil sa lalaking kumakanta, tinangka kong bumangon pero nauwi lang yun sa pagkatumba, tumama pa yung ulo ko sa sahig.
Nahihilo ako, ang sakit ng ulo ko, nawawala na ata yung mga organs ko sa katawan dahil sa sakit nito.
May bigla nalang bumuhat sakin at inihiga ako sa kama.
"Ba't kasi naglalasing" teka ,ba't familiar? Ibinuka ko yung mata ko at nakita ko si Mingyu na nakasandal sa pader.
"Why?" biglang tanong nya.
"Huh?"
"Ba't mo nilihim sakin?" pagpapatuloy nya, i don't know what he's talking about.
"What?"
"Alam kong nagsasalita ka ng tagalog, i know you can understand me, so bakit mo nga itinago na alam mo pala pano magtagalog?" how did he know? Pano nya nalaman na nakakapag salita ako ng tagalog.
Napabuntong hininga ako, diretso lang ang tingin nya sakin.
"Half filipino ako, at saka nagtanong ka ba kung nakakapag tagalog ako?" Napakamot sya sa ulo.
"Hindi, pero nilihim mo parin!" sabi nya habang nakaturo sakin.
"Di ko naman nilihim, nagtatagalog ako sa iba mong classmate, ikaw kasi, palagi kang nag eenglish kapag kausap moko kaya english din yung sagot ko" tiningnan nya ko ng nakakaluko.
"May pakipot ka pang nalalaman ah" sabi nya ng naka ngisi. Kumunot naman yung noo ko sa sinabi nya.
What does it mean?
"Huh? What's pakipot? i can't understand" ginulo nya yung buhok ko kaya napasimangot nalang ako.
Magulo na nga, ginugulo pa!
"Feel na feel mo talaga yung pinag sasabi ko kagabi ah! Ayan nabuking ka tuloy" sabi nya, napapout nalang ako, di ko alam anong sinasabi nya.
ano ba kasing ginawa ko kagabi?
"Your too cute" nakapamulsa pa ang loko habang nakatitig sakin.
"Crush na crush mo pala ako di ka man lang nagsabi sakin" hinampas ko sya ng unan, napa aray naman sya dahil sa lakas ng pagkakahampas ko.
"Di kita crush! Kapal ng mukha mo!" nakangisi parin sya sakin , hmmp kainis tong lalaking toh!
"Eh ba't ka namumula?" napahawak ako sa pisngi ko, ano ba yan!
"Di ako namumula! Tsaka may proweba ka ba na crush nga kita? Sige nga ipakita mo!" paghahamon ko sa kanya, nabigla pako nang mas lumaki yung ngisi nya sakin.
"Hindi ako mag lalakas loob na sabihin yun sayo yun kung wala akong proweba, kung gusto mo panoorin natin ngayon yung sinabi mo kagabi"
Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba sa dibdib, mamamatay ako nito sa nerbyus.
Patay
May kinuha sya sa bulsa nya na cellphone, may pinidot sya dun, di nawawala yung ngisi nya sa labi habang nagpipindot.
Pagkatapos ay iniharap nya sakin yung screen, may video.
Napatingin ako sa mga babae na pilit umaahon sa swimming pool, ba't ang laki ng black eye nila? May isa pang dumudugo yung panga.
"S-sinong may gawa nyan?" Tanong ko kay Mingyu.
"Kayo" pano namin ginawa yun?
Pinagpatuloy ko yung panonood ng video.
"Help!" sigaw nung mga babae, tinulungan naman sila nung ibang section, tss kawawa naman. Kami ba talaga may gawa nun?
Gumalaw yung kumukuha ng video kaya nakita ko yung sarili ko na basang basa at lasing na lasing.
Ba't ang basa ng damit ko?
"Alam mo?sinira mo tiwala ko sayo eh! Sayang talaga,ang gwapo mo pa naman! lahat ba talaga ng gwapo babaero? Naiinis nako eh! nagseselos ako kasi nagagawa mo pang ngumiti dun sa babae! Ang laswa nyo tingnan, di kayo bagay!"
Teka, nakakahiya yung sinabi ko, kainis ang daming tao na nakatingin, wala na akong mukhang maihaharap sa kanila,buset kasi tong mingyu na to.
"Di naman kita pinapase--- di natapos yung sinasabi ni Mingyu.
Nakakahiya, ba't ko sya sinuntok? Sinuntok ko sya! SINUNTOK KO SI MINGYU!!!
"Patapusin mo muna ako!" sabi ko pa sabay senyas ng kamay.
mukha akong baliw
"Feel mo talaga noh? Kung makangiti ka dun sa babae kala mo endorser ka ng toothpaste,ang saya mo dun!"
"Ba't ka nagkaka ganyan, do you love me and now your feeling jealou---- sinuntok ko na naman sya, PATAY BA'T FEELING MANNY PACQUIO AKO KAGABI?
"Mahal kita ,inaamin ko! Simula nung magkita tayo di na kita maalis sa isip ko!Pero ngayon baka---
Napahinto yung pagsasalita ko, napahalukipkip pako para lang ma komperma.Ilang beses ko nang kinusot yung mata ko pero ganon parin ang nakikita ko.
Hinalikan ako ni Mingyu! HINALIKAN AKO,HAHAHAHA O MY GOD HINALIKAN NYA KO!!!
"Too noisy" sabi nya pa.
Dun na natapos ang video. Inilagay nya yung cellphone nya pabalik sa bulsa. Umiinit yung pisngi ko ngayon, parang di mapakali yung dibdib ko sa kaba.
"Now your smiling, naniniwala ka na ba?" inirapan ko lang sya. Kala nya siguro ganon ganon nalang yun.
"I'm a good kisser right?" hinampas ko sya sa ulo. Tumawa lang ang luko.
Good kisser daw?
"Michelle, look at me" kinuha nya yung ulo ko at ibinaling ito paharap sa kanya, di ako makatingin ng diretso, nagwawala yung puso ko!
"Do you love me?" tanong nya, di ako makasagot kasi nasobraan na yung puso ko sa kaba. "I'm asking you" mas lalong nagwala yung puso ko dahil bigla nya nalang nilapit yung mukha nya sakin. Kunti nalang magkakahalikan na kami.
"Sasagotin mo ko o hahalikan kita?" kita ko pa yung pag angat ng sulok ng labi nya.
Ang gwapo!
"Ah eh.. nilapit nya pa yung mukha nya, kunting galaw maghahalikan na talaga kami ...Oo na ,mahal kita!"
Akala ko lalayo na sya pero bigla nya nalang akong hinalikan, nakabuka lang yung mata ko habang hinahalikan nya ko, nakapikit sya, nakapikit si Mingyu.
"I love you too" he said between our kiss.
Please vote!
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
أدب المراهقين"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."