Chapter 4

55 9 1
                                    

Chapter 4

Patuloy lang kami sa paglalakad habang kinuwe-kwentuhan naman ako ni Hoshi tungkol sa buhay niya, ang dami niyang sinabi pero yung iba hindi ko na naintindihan.

"Ayuri naintindihan mo ba mga sinabi ko?"  Tanong niya.

"Oo sabi mo tataas na singil sa tubig" natatawang sambit ko, inirapan niya lang ako at saka tumingin sa malayo.

"Grabe ka naman, kanina pa ako nag eexplain dito kung bakit ang daming humahabol sakin na mga babae tapos hindi ka naman pala nakikinig, nagtatampo na tuloy ako. " giit niya na parang bata. Napatawa nalang ako dahil sa sinabi niya.

"May nickname ka? ano tawag ng pamilya mo sayo?" Bumalik ang sigla niya at hinarap ako.

"I only have a brother, he calls me yuri sometimes ayuri" sagot  ko sa kaniya.

"Tomboy ka ba?" I looked at him in pure shock. What did he just say? Do i even look like a lesbian?

"Ano?"

"Sabi ko tomboy ka ba?"

"Sa mukha kong to, pagkakamalan mo akong tomboy?"

"Wala lang, ang ganda mo kase. Paniguradong magagalit sayo yung grupo ni Clipsera."

"And who is Clipsera?"

"Di magtatagal makikilala mo rin siya."

I smiled bitterly.

"I can't wait then" Napatingin bigla sakin si Hoshi na parang nagulat sa sinabi ko. What's wrong with it?

"Anong sabi mo?"

"Nothing, don't mind it."

Tumango tango siya.

"Kailangan na nating magmadali" Saad niya at hinila ako, tumakbo kami kaya may ibang estudyante ang napapatingin sa amin.

Tumatawa kami habang tumatakbo papunta sa classroom.

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now