Chapter 77-Cry again
(Churi's POV)
"Hosh ang sarap nung luto mo" sabi ko kay hoshi habang nililigpit namin yung pinagkainan namin.
Nagpaalam na yung iba na uuwi na. Matagal tagal din kaming nagkwentohan at di ko maipagkakaila na nagawa kong ngumiti sa araw na ito.
"Salamat haha nagustuhan mo ba?"
"Ang sarap sarap nga eh, sa birthday ko ikaw magluluto ha" sabi ko sa kanya.
"Kailan ba birthday mo?"
"December 25"
"Sa pasko? Sure kaba jan?" tiningnan ko lang sya at tumango, di ko maintindihan yung reaksyon nya, parang ayaw nyang maniwala, ano bang meron kong sa pasko ako pinanganak?
"Hoy may problema ba?" pagtatanong ko sa kanya, kinaway kaway ko pa yung kamay ko sa harap nya kasi parang wala sya sa sarili.
"Same tayo ng birthday" lumaki yung mata ko sa sinabi nya, di ako makapaniwala. So magkaparehas kami ng birthday?
"That's a good news hosh, so sabay tayong magcecelebrate sa pasko?" di ko ma explain yung ekspresyon ng mukha nya ngayon, para bang malalim parin yung iniisip nya simula pa kanina nung binanggit kong sa december 25 yung birthday ko, ano bang meron?
"Hoy di kaba masaya na same tayo ng birthday?"
"Siyempre masaya pero- napahinto sya sa pagsasalita.
"Pero ano?"
"Ah wala sige na churi ako na bahala dito, magpahinga kana" sabi nya at nagpilit ng ngiti sakin. Kahit naguguluhan ako sa kilos nya ay hinayaan ko nalang sya. Di ko alam kung bakit ang lalim ng iniisip nya, baka na shock lang yun.
Umakyat nako sa kwarto ko at isinara ang pinto.
"Churi"
There it goes again, ba't ba palagi kong naririnig yung boses na yun, nakaramdam tuloy ako ng takot pero agad rin yung nawala nang mapansin ko ang isang box na nakalagay sa ilalim ng cabinet ko.
Kinuha ko yun at nakita ang nasa loob, kay Jeonghan tong box nato, di ko alam kung bakit to nangdito sa kwarto ko pero parang nilagay ng sadya, baka sya ang naglagay nito dito pero di ko lang napansin noon.
Kahit papaano ay napangiti ako, miss na miss ko na talaga sya.
Binuksan ko yung box at nakita ang isang sailor moon na stuff toy , ang ganda ganda. Kinuha ko yung card na nakasabit sa buhok nya at binasa yun.
"Hi mahar! nagustuhan mo ba? sana nagustuhan mo. Salamat kasi sinagot mo na ako. Di mo alam gaano ako kasaya kagabi.Always remember na mahal na mahal kita tsaka di kita iiwan. Sana mabasa mo to! I love you so much mahar!"
Umiiyak na naman ako, ba't ka ba ganyan Jeonghan? Bat mo ba ako pinapahirapan ng ganito?
Nasubsob ko yung mukha ko sa box pero nabigla ako nang makitang may isa pang stuff toy na nakalagay at sa ilalim nun ay mga cards.
Kinuha ko yung stuff toy ,isa yung lalaki na stuff toy at di ko maiwasang maalala si Jeonghan sa mukha nya , kagayang kagaya ng kay Jeonghan yung hawig ng buhok nya.
Naagaw ang atensyon ko nang makita ang isang botton na nakakabit sa stuff toy, pinisil ko yun at nagulat ako nang magsalita ito.
It was his voice, his angelic voice.
"I love you until my last breathe" he recorded his voice for me, and that thing makes me wan't to cry my pain out. I wan't to get rid of this pain that is slowly killing me inside.
Inulit ulit kong pinindot iyon , miss na miss ko na yung boses nya, yung tingin nya, yung ngiti nya ,lahat lahat ng katangian nya.
Kinuha ko yung mga cards at binasa yun, okay na sana ako eh, nakakangiti nako kanina pero ba't parang bumabalik na naman yung lungkot ko sa tuwing naaalala ko sya.
Tagos na tagos sa puso ko yung sakit at panghihinayang sa sarili ko.
Bawat segundo na lumilipas ay sya ring mas nagpapahirap at nagpapabigat sa loob ko. Basang basa na yung buong mukha ko dahil sa luha.
Hanggang sa ilang sandali pa ay may naramdaman akong masakit sa katawan ko. Napakasakit na parang pinapatay ako nito ng unti unti.
Nagiging blur yung paningin ko at para bang umiikot yung buong lugar. Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong dumudugo ito.
"Churi"
"Churi"
"Churi"
May mga boses akong naririnig pero di ko naman alam kung sino, hindi iyon si Hoshi,Mingyu at lalong hindi rin si Kuya.
Madilim na yung buong paligid at ni maliit na liwanag ay wala akong nakikita. Patay na ba ako? Katapusan ko na ba?
May kung anong mga boses ang naririnig ko ,sari sari ngunit di ko matukoy kung kanino galing.
"Churi gising!"
Yung tono ng pananalita nya ay parehong pareho nung naririnig kong tumatawag sa pangalan ko. Ano ba talaga tong nangyayari sakin? Ang daming tanong na sumasagi sa isip ko kagaya ng kaninong boses yun?
"Gumising kana please"
Unti unting lumiliwanag ang paligid at ramdam ko ang isang malambot na bagay na hinihigaan ko.
Unti unting lumilinaw ang kabuuhan ng lugar , isang kamay ang nakayakap sakin. Hindi ko makita ng maayos yung mukha nya, rinig ko ang lalim ng pag iyak nya. Pero bakit?
"Churi? Churi gising ka na!!!"
Isang pamilyar na boses ang narinig ko pero imposible, maaaring guni guni ko lamang yung boses nya. Ba't ko naman sya maririnig.
Ba't ko naman maririg ang boses ni Jeonghan na tinatawag ako?
A/N: 0____0
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."