Chapter 15(Ayuri's POV)
Nakokonsensya ako, hanggang ngayon kasi di parin ako pinapansin ni Hoshi.
Feeling ko tuloy ang sama sama ng ginawa ko, parang di kasi ako sanay na di nya ko kinekwentuhan at kinukulit, oo dumadalaw siya dito sa bahay pero puro kay Mingyu lang yung tingin nya habang ako, nakaupo lang sa sulok at di niya tinatapunan ng tingin.
Grabe naguguluhan ako sa mga nangyayari, itong dalawang tao sa harap ko walang ginagawa kundi ang magtawanan habang nakaturo sa mukha ng isa't isa , yung tipong walang nagsasalita pero panay ang tawa.
Tingnan mo lang yung mga itsura nila, sira talaga araw mo
Nangialam lang naman sila ng mga gamit at kinuha lahat ng make up na makikita ni kuya sa bag ko.
Regalo lang naman sakin yun at di ko naman ginagamit kayo okay lang.
Tinitingnan ko lang sila ngayon at diko mapigilang mapangiti at makitawa na lang rin.
"Hashiru ako naman" sabi ni kuya at nilagyan ng lipstick si Mingyu sa labi, natawa nalang ako sa mukha nya, nagmukha tuloy siyang pato.
Tumingin siya sa salamin at agad na sumimangot, napansin nya atang para syang pato sa itsura niya.
"Langit ayusin mo naman para maganda" pagmamaktol niya at ngumuso.
Feel na feel ang pagiging pato.
Nakaupo lang ako sa may sulok habang pinagmamasdan sila, ang saya nila tingnan yung tipong matatag, yung pagsasamahan na di magigiba kailanman, yung pagkakaibigang habang buhay, ang sarap sa mata.
Feeling ko namiss talaga nila yung isa't isa sa inaasta nila ngayon na nagpalungkot sakin, hindi dahil naiinggit ako pero namiss ko rin si Ulap , namiss ko yung pangungulit nya at pagpipilit na ibili ko sya ng icecream.
"Ano bayan Zayn, wag mo naman idiin yung lipstick namamaga parin mukha ko!" Sabi ni Mingyu na tinawanan lang ni Kuya.
"Ang likot mo kaya, para kang bulate" giit ni Kuya kaya nakatanggap ng batok galing kay Mingyu.
ang sweet naman
Nag isip nalang ako ng pwedeng libangan, kaya naisipan kong kilalanin lahat ng classmate ko sa internet kasi parang si Jeonghan, Wonwoo Hoshi at Mingyu lang ata kilala ko.
Una kong sinearch yung pangalan ni Hoshi. Hoshi Claud Maverick.
Pero walang lumalabas, ano ba username nun? Tiningnan ko si Mingyu na ngayo'y mukhang cute na tigre dahil sa mga guhit guhit na linya niya sa cheeks.
"Pwede magtanong?" Sabi ko sa kanya at di nya ko pinansin, nakatingin lang sya sa salamin, wow manghang mangha sa sarili!
"You're already asking " sagot niya habang patuloy parin sa pagtingin sa sarili sa salamin.
"Anong username ni Ulap?" Tanong ko at tiningnan din ako ni kuya.
"You mean, si hoshi?"
"Oo" matipid na sagot ko.
"Di ko alam account ni Hoshi" sabi nya.
"Di mo alam?" tanong ko at tumawa siya ng malakas kaya napangiwi ako. Saang banda ang nakakatawa sa sinabi ko?
"His username is" di ko alam account ni hoshi" Sabi nya at ngumiti sakin. What the-
*Vote comment and enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."