Chapter -56-Welcome to Netherlands!

12 4 0
                                    

Chapter 56- Welcome to Netherlands!

(Churi's POV)




Nakarating  narin kami sa airport kung saan nakita ko ang iba na naghahanda na at yung iba na kakarating pa din.





Yung iba taga section nila Jimin habang yung iba naman ay classmate ni Kris, sila Seungkwan Vernon at Dino palang ang nakikita kong kaklase ko.




"Dun tayo sa kanila" si Jeonghan habang bitbit ang bag naming dalawa, umuna syang maglakad kaya agad naman akong sumunod sa kanya.




Nang makarating sa waiting area ay umupo lang ako sa gilid ni Jeonghan at sa kabila ko naman nakaupo si Baekhyun.


Tinignan ko sya at nagpilit ito ng ngiti sakin, di ko pa nalilimutan yung paglalasing nya.



Di mapalagay yung tingin nya sakin mukha syang nahihiya na natatae.





"Kamusta ka na?" pagsasalita ko at umayos ng upo.



Napakamot sya sa batok habang ngumingisi.


"Okay nako, ah Churi Salamat" napatingin sya kay Jeonghan na nasa likod ko na kasalukuyan din palang nakatingin saming dalawa.






"Walang ano man basta wag ka nang maglalasing ulit kasi baka masuntok na kita sa susunod" sabi ko ng may diin sa tono, aysus kung di lang talaga sya lasing nung panahong yun papaulanan ko sya ng suntok.



"Sinong nalasing?" kunot noong tanong ni Jeonghan at tinuro ko naman si Baekhyun na ngumiti din ng pilit kay Jeonghan.




"Binasted tapos na broken heart tapos naglasing kaya sinabayan ang mga pole dancers sa stage" dire-diretso kung sagot kay Jeonghan at tumango naman ito.



"Ginawa ko yun?" di maka paniwalang tanong ni Baekhyun, aysus kala mo naman walang na aalala.



"Gusto mo na ngang iuwi yung pole eh buti nalang napigilan kita......"




"Hayaan mo Churi di nako maglalasing...."

Ngumiti ako sa kanya at ibinaling na ang tingin kay Jeonghan.


"Ba't di moko tinawagan para ako na sana naghatid sa inyo" si Jeonghan habang nakatingin samin.


"Baka kasi busy ka kaya di na kita inabala" sagot ko naman.



"Sinong naghatid sa inyo?"


"Yung mga classmate nya....." sagot ko naman at tumango sya bilang sagot.

"Sa susunod ako na ang tawagan mo ah" tumango naman ako sa kanya at sumandal sa dibdib nya.



Nagsisidatingan na yung iba hanggan sa mahagip ng tingin ko si Hoshi kasama si Mingyu.




"Hi Churi!!!!!!!" Bungad sakin ni Hoshi na tinugunan ko ng ngiti.




"Yan ba sasakyan natin?" tanong ni Mingyu habang manghang mangha na nakatingin sa kung saan.


Sinundan naman namin ng tingin kung ano yung tinitingnan nya at namangha na lamang ako nang makita ang tatlong magagarang eroplano.

Grabe!




"Oo , yan daw sasakyan natin. Isa bawat section" sagot ni Baekhyun sa tanong ni Mingyu.


Grabe talaga!




Yayamanin talaga yung pamilya ni Kris kahit kailan.


Maya maya pa ay nakita na ng paningin ko si Scoups kasama si Doktora. Hay grabe parang kailan lang noong grabe yung away nila pero heto sila ngayon at nagpapalitan na matamis na tingin sa isa't isa.




Lumapit sila sa gawi namin at nakangiting nakatingin samin si Doktora.


"Kanina pa ba kayo dito?" pagtatanong ni Scoups samin.



"Kakarating lang din namin" sagot naman ni Mingyu.



"Ah si Jirjean nga pala, my soon to be Mrs. Choi...." matamis na pagpapakilala ni Scoups sa kasama.



"Hi sa inyo..." si Doktora habang kumakaway samin.


"Hi ako nga pala si Hoshi..."

"Ako si Mingyu...."

"Baekhyun the one and only...."

"Churi...."

"Im Jeonghan....."


Ngumiti kaming lahat kay Doktora kaya saglit kaming nagpalitan ng ngiti saka sila umupo sa tapat lang namin.




Dumating na rin yung mga kasection ni Jimin at kasunod nila si Kris at yung iba nyang kaklase.




Kompleto na kaming lahat habang papasok sa eroplano, mga nagtatangkarang FA ang bumungad samin, namangha ako sa kanila kasi gusto kong maging FA pag natapos nako.




Pwede namang dito nalang lahat kami kasama yung ibang section kasi napakalaki ng espasyo sa loob kasi ang laki ng eroplano.




Magkatabi lang kami ni Jeonghan at ako yung nasa may bintana.


"Jagi, ano gusto mong gawin pagdating natin dun?" tanong sakin ni Jeonghan.



"Kahit ano basta kasama kita" ipinahinga ko yung ulo ko sa balikat nya.



"Kinikilig ako mahar..."

"Aysus...."

"haha totoo kaya...oh tingnan mo namumula ako" inangat ko yung tingin ko sa kanya at ngumiti sya sakin ng napakakyut.


"Bala ka jan, matutulog nako" pinikit ko na yung mata ko kasi balak ko talagang matulog buong byahe.






"Sleep well jagiya"









***




"Jagiya , mahar gising na...." nagising ako ng dahil sa yumuyogyog sakin.

Idinilat ko yung mata ko para makita si Jeonghan...





"Did you sleeped well jagi? Ilang minuto nalang maglalanding na tayo...." nakangiting sabi nya sakin.

"Haha i love you Jeonghan"

"I love you more jagiya" at yung ulo nya na naman yung isinandal sa balikat ko.



"Ano ba yan may langgam pala dito sa loob ng eroplano..!"

"Kinakagat nga din ako eh!"

"Yung iba kasi jan ,sobrang sobra sa ka sweetan!"

"Respeto naman kayo sa mga single dito!"



Pagpaparinig nila Hoshi at Mingyu na nasa unahan lang pala ng upuan namin.

Tong dalawang toh na sobraan din sa kulit.

"Hala lalanding na!!!!" excited na sigaw ni Hoshi.

"Yahhh !!! Netherlands here we come!!!!!!!" sabay sabay naming sigaw.







*Vote comment and enjoy!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now