Chapter-29- Petals and Jeke

21 5 0
                                    

Chapter 29 -Petals & Ben

Churi's POV

Nangdito pa rin kami sa hospital, busy silang lahat sa pagkwekwentuhan.

Di mawala sa isip ko yung sinabi ni Doktor Top, na may posibilidad na di na magising si Hoshi.

Kung sakaling mangyayari man yun, di ko yung makakaya. Ayaw ko syang mawala.

"Hosh, gising na please. Di ko pa kayang mawalan ng mabuting kaibigan" bulong ko sa kanya at nagbabadya na naman yung mga luha ko sa mata habang yung kamay ko naman na mahigpit na nakahawak sa kamay nya.

Miss na kita Hosh, miss ko na yung mga jokes mo. Yung mga paraan mo para mawala yung sibangot sa mukha ko,lahat ng yun namimiss ko na.

Bigla ko nalang naalala yung sabi nya sakin na may sakit sya na magpapabago sa taong makakaalam.

Pano kung malala na? Pano kung huli na? Di ko kakayanin.

Isa lang ang alam kong makakasagot sa mga tanong ko, si Doctor Top, alam kong may alam sya sa kalagayan ni Hoshi.

Agad akong naglakad palabas.

"San ka pupunta?" Tanong ni Joshua.

"May hahanapin lang" tipid naman syang  ngumiti at nagnod.

May nakasalubong akong nurse sa daan kaya agad ko itong hinarang.

"Where's Doctor Top?" Di mapakali kong tanong.

"May kailang po ba kayo sa kan- -

"Just answer my question!" Di ko na napigilang itaas yung boses ko na ikinagulat naman nung nurse.

"Ah-eh, wala po si Dok ,may lakad at sa susunod pa na buwan makakabalik " sagot naman nung nurse at naglakad na paalis.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa kwarto kung saan ako nanggaling.

Bumalik ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama ni Hoshi at nakita si Jeonghan na bumalik sa katapat kong upuan.

"Where did you came from?" Tanong nya .

"May hinanap lang" bat parang familiar yung tono ng boses nya? feeling ko narinig ko na yung boses nya dati.

"Ah, Jeonghan nagkakilala na ba tayo dati?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay mabilis syang tumayo at naglakad paalis.

Umiiwas sya, anong ibig sabihin 'non?

Lumapit naman sakin si Joshua na may dala dalang box ng chocolate.

"Favorate toh ni Hoshi, baka gusto mo din" sabi nya habang nilalahad sakin ang isang box, pasimple naman akong napangiti, madami kaming pagkakapareho ni Hoshi.

Pareho naming favorate yung Icecream at tsaka chocolate.

Tinanggap ko naman yun at nginitian si Joshua at naupo naman ito sa gilid kung saan sya nakaupo kanina.

"Sino daw magbabayad ng bill ni Hoshi dito sa Hospital?" tanong ni Joshua sakin.

"Nakausap na ng stepsister ni Hoshi si Doctor Top na sila na daw bahala sa bayarin" sagot ko naman  sa kanya.

"Ang saklap ng buhay nya noh?May pamilya nga na mayaman pero wala namang pakialam sa kanya, ni hindi nga magawang bisitahin sya dito" napatingin naman ako kay Joshua na seryoso parin ang mukha.

"Noon, kahit hindi aminin ni Hoshi pero alam kong marami syang problema, sinasarili nya lang lahat ng yun kasi wala naman syang mapagsabihan" huminga naman sya ng malalim at tumuloy sa pagsasalita "Nahuli ko sya na umiiyak noon sa cr, nanatili akong tahimik nun at pinakinggan lang yung ingay ng pag iyak nya."

"Sabi nya sa sarili nya nuon na ,"kung sana hindi nalang ako naging anak sa labas, baka sakaling maramdaman ko yung pagmamahal ng isang pamilya,"

"Ramdam ko sa mga boses nya nun ang sakit na nararamdaman nya."

Di ko na napigilan yung sarili kong umiyak nang marinig ang mga salitang yung galing kay Joshua.

Sana man lang nangdun ako nung mga oras na yun para iparamdam sa kanya sa mahalaga sya.

Pero wala eh, ang ginawa ko lang sakanya ay ang pag baliwala .

Nang tingnan ko si Joshua, may umaagos na luha mula sa isang mata nya, maging sya nasaktan rin.

Nang maramdaman nya yung mga luha ay agad nya itong pinahid at naglakad paalis.

Ibinalik ko na yung tingin ko kay Hoshi.

Hawak hawak pa rin ng kamay ko yung kamay nya.

Sana nangdun ako noong mga panahong yun para pagaanin yung loob mo.

Sana nagsabi ka man lang ng kahit isang problema mo  para maintindihan ko yung sitwasyon mo.

Hindi yung mag isa ka lang na nagdudusa sa sakit mo.

Bigla nalang sumikip yung dibdib ko kaya napahawak ako dito, nasaktan na naman ako.

Yung sakit ko umaatake na naman, unti unting gumulo yung paligid at kahit ni isang boses ay wala akong narinig, tanging si Jeonghan lang yung nakikita ko ,nagkalat ang mga sari saring boses sa utak ko pero isa lang ang sigurado ako, di nila dapat malaman toh.

Kahit wala ako sa sarili ko ay tanging mga mata lamang ni Jeonghan na puno ng pag aalala ang nakita ko, di ko alam kung bakit pero parang matagal ko na syang kilala.

Alam kong di ako sigurado sa sasabihin ko pero kailangan at alam kong siya lang ang nakakita na nagkaganito ako noon.

"Tulungan mo ako...Jeke!"  Yun na lamang ang huli kong nasabi at nawala na nang tuluyan ang mga imahe na nakikita ko.

Di ko alam kung bakit ko sya natawag na Jeke kung gano'y matagal nang nawawala yung nag iisang kaibigan ko na yun.

Pero nakita ko sa mga mata nya, alam kong sya si Jeke.

*vote comment and enjoy!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now