Chapter-68- Hood

9 4 0
                                    

Chapter 68-Hood


(Hoshi's POV)


Kanina pa ako naghihintay eh wala namang dumadating na pagkain, baka prank nya lang yun.

Kung pwede lang talaga kainin ko tong tali sa kamay ko kanina ko pa ginawa, busog na nga ako makakalaya pa ako.

"Why do you hate the Queen, is there something bad happened between the two of you, or problems why you hate her?"



"I just need the throne ,that's all" simple nyang sagot ,oo simple lang yung pagkakasabi nya pero yung mga salitang ginamit nya ay napakabigat.

Gusto nya lang yung trono? bakit kailangan pang mangidnap?

"The two of you just wait here and i'll pick up the food " tumalikod sya samin at naglakad paalis , naiwan parin kaming nakatali sa upuan.



"Psst! Hoy hoshi!" agad kong sinamaan ng tingin si lexine at baka kung anong kamalditahan na naman ang sabihin.



"Oh?"


"Isip ka ng plano para makalaya tayo!" Sa totoo lang kanina pako nag iisip pero wala talaga akong maisip kasi kahit makalaya kami parang marami din namang galamay yung Seshuking yun at saka nasa gubat kami.




"Walang pumapasok sa utak ko"

"Baka kasi wala kang utak" nang iinis talaga tong babaeng to kanina pa eh.

"May utak ako pero maliit"



Tumingin ako sa bintana at parang magmamadaling araw na. Kung sa bagay eh kanina pa kami dito.




Agad ding naagaw ang atensyon ko nang maramdaman ang pagbukas ng pinto , parang papasok na si Seshuki at baka dala dala nya na yung pagkain.

Excited nako kasi sa wakas makakakain narin ako, kasi parang speaker na yung tiyan ko na kanina pa kumakalam.



Pero nabigla ako nang may pumasok na lalaki na nakahood, maging si lexine din ay nagulat kasi si Seshuki yung ineexpect namin na papasok.





Papalapit ito samin, black yung hoodie nya at saka nakatakip iyon sa boong mukha nya, ramdam ko na rin ang panginginig ko mula sa upuan dahil sa takot.


Baka kung ano yung gawin nya saming masama, hindi pwede to! Pero kahit gaano man namin gustuhing makalabas at makatakbo ay di namin magawa dahil sa higpit ng pagkakatali samin.



Habang papalapit yung hakbang nya ay sya ring paglakas ng kabog ng dibdib ko, at nang tingnan ang kamay nya ay may dala dala itong kutsilyo.



Nakakatakot ang bawat galaw nya at maging ang paghakbang ng paa nya papalapit samin, naipikit nalang namin yung mata namin dahil sa kaba.




Ramdam kong sa akin sya papunta kayat mas lumakas yung kabog ng dibdib ko.





Ilang sandali pa ang hinintay ko pero wala akong naramdamang sakit o ano mang pagkatama ng matalim na kutsilyo sa katawan ko.


Nang buksan ko ang mga mata ko ay nakita ko nalang ang mga kamay kong hindi na nakagapos maging ang mga paa ko, at tiningnan ko rin si lexine at ganon narin sya.






"Pagbilang ko ng tatlo, takbo tayo ng mabilis" nabigla pa kami nung una pero agad din naman kaming tumango ni lexine.

"Isa"
"Dalawa"
"Tatlo!! Takbo!!"

agad kaming kumaripas ng takbo papalabas at kahit madilim ay nakikita parin naman ang dinadaanan namin sa pamamagitan ng sinag ng buwan.



Nakita kong  tinanggal nya na yung hood nya pero di ko parin maaninag yung mukha nya, at muntikan pakong masapid dahil sa pagtitig ko sa kanya.




Nang tingnan ko si Lexine ay nabigla na naman ako nang makita kong may isa pang babae bukod kay lexine.




Pero kahit ganon ay patuloy parin kami sa pagtakbo kahit di naman namin alam kung saan kami papunta.




"Buti nalang di agad nakabalik yung babaeng yun, kung hindi kayo namin maliligtas" kahit hinihingal ay pamilyar sakin yung boses nya ngunit di ko naman makilala yung mukha nya dahil sa dilim.






Maya maya pa ay napadaan kami sa wala masyadong kahoy kaya't hindi natatakpan ang liwanag mula sa buwan kaya't malaya kong nakita ang mukha nya.




"Hoshi, kanina kapa nakatitig ha ,parang nababakla kana sakin"  nakatawang sabi nya at sa pagkakataong yun ay klarong klaro na kung sino sya.



"Mingyu?"

"Yes ,i'm Mingyu ang nag -iisang gwapo sa balat ng lupa" napangiti naman ako sa sinabi nya.


"Mingyu pano nyo nalaman na dun kami dinala?" pagtatanong ni lexine.


"Sinundan namin kayo" pinaningkitan ko ng mata si Mingyu upang masuri kung  totoo ba yung sinasabi nya.

(a/n: may nakikita ka pa ba hosh sa paniningkit mo na yan?")



"Namin?" sabay naming tanong ni Lexine at ngumuso naman sya sa kung saan at nang tingnan ko ay may babae pala syang kasama at pamilyar yung mukha nya.


"Akala ko anino lang ni Lexine kanina ,kaya di ko na pinansin"





*vote comment and enjoy!*


When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now