Chapter 26- Chinese Garter(Churi's POV)
"Letchon kang punggok ka! Di kita mapapatawad !
"A -arayy naman ,masakittt!!" Sigaw naman ni DK habang pilit kumakawala sa pagkakasabunot ko, ganon din ang ginagawa ni Jeonghan habang hinihipo ang ulo nya.
Kung di ba naman kasi nanggugulat edeh sana tao pa yung itsura nila ngayon, halos maibuga ko na yung atay at ibang laman loob ko sa gulat kanina habang tinatawan lang kami nitong tatlo kasama na ang punggok na si Junjun.
"ITCHA PRANK NGA DIBA, ITCHA PRANK!!" Sabi pa ni Jun habang tumatawa na ginagaya ang post ng isang bakla.
Dadating din ang panahon na makakaganti ako sa tatlong ito, di ko talaga palalagpasin kahit isang kuto sa buhok nila.
"Kita nyo toh? " sabi ko habang hinahait yung ngipin ko gamit yung dila ko.
"Yayamanin pala si Churi! May golden teeth
"Gusto mo ng golden suntok?" Paghahamon ko kay DK kaya agad naman akong nakatanggap ng sibangot galing sa kanya.
"Churi! Si Jeonghan mamamatay na!" Sigaw ni Jun kaya agad akong napatingin sa isang kamay kong di ko pala namalayan na nakahawak parin kay Jeonghan, naku po!
Yung long hair nya makakalbo!
Di naman kasi sya umiimik kaya di ko sya napansin, minsan talaga nakakadisgrasya din yung walang kibo.
Agad ko 'syang binitawan, umirap sya sakin.
"Guys may baliw dito oh!" Bigla kaming napatingin sa nagsalita, tinuturo nya si DK at Jun na nag chachinese garter. Sabay kaming lahat na napatawa.
"Hoy Jun yung rayuma mo baka umandar!"
"Huwag kang mag-alala, matibay na Senior Cetizen 'toh!"
"Sali ako!!" Pasigaw na sabi ni Scoups habang tumatakbo palapit kila Jun na enjoy na enjoy sa ginagawa, napatingin nalang kaming lahat sa kanila dahil yung iba nakisali na rin.
Tiningnan ko naman yung paligid pero tanging si Joshua nalang yung natitira sa gilid ko.
Maingay silang lahat habang naglalaro, habang ang iba naman busy sa pag checheer at yung natitira pinapalawak ang espasyo sa gitna.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas yun at pumasok ng tuloy tuloy ang mga lalaki kasama si Baekhyun na kasalukuyang naka liptint at pulang pula ang bibig, mga ka section ata nya yung kasama nya, di man lang marunong kumatok, pumasok ba naman ng tuloy tuloy.
"Good news guys ,may emergency meeting kaya wala muna yung mga susunod na subject, yung gustong umuwi , uwi na!" Anunsyo nung may katamtamang height lang .
Sari sari ang reaksyon ang iba, ang iba nga napasayaw na rin sa tuwa at ang iba naki sali na rin sa paglalaro ng chinese garter pero wala sa kanila ang atensyon ko.
Masama ang tingin sakin ng isang lalaki na kasama nilang pumasok kanina, familiar sya pero di ko naman alam kong sino sya.
Salubong na salubong yung kilay nya habang di kumukurap na nakatitig sakin, inaano po kita'?
Napansin naman yun ni Joshua na nasa gilid ko lang kaya sininyesan nya yung lalaki na lumapit samin, sandaling tumingin yung lalaki sa kanya at umiling at ibinalik ang masamang tingin sakin. May topak ata 'toh eh!
"Ano ba problema nyan?" Pabulong na tanong ko kay Joshua.
"Wala ka pala talagang naa-alala?" Tanong nya habang walang hupas parin sa pagtawa, ano bang nakakatawa?
"Wala" diretso kong sagot.
"Si Xiumin yan! Yung kumaripas ng takbo dahil sayo" sabi nya pero sa pagkakataong ito medyo sumeryoso na sya.
"Kailan? Anong dahil sakin?" naiilang kong tanong dahil sa totoo lang wala talaga akong maalala na may kumaripas ng takbo nang dahil sakin, except nalang dun sa nang agaw ng kendi ko.
"Tinutukan mo sya nang kutsilyo 'nung isang araw kaya kumaripas niya nang takbo dahil sa takot, lumagapak panga sya dun sa kabilang room kaya ganyan sya kagalit na nakatitig sayo ngayon" natatawang saad niya.
Tumango tango ako kahit ang hirap paniwalaan nang sinabi niya.
Bahagya kong ibinalik ang tingin ko kay Xiumin na lumalakad na papalapit samin, napaatras naman ako ng bahagya dahil sa takot, salubong parin ang kilay nya habang naglalakad.
"I think you should apologize" bilin sakin ni Joshua at tinapik ako sa braso bago lumakad papunta dun sa nagchachinese garter, sinunod ko lang yung tingin ko sa kanya hanggang sa isang kamay ang humawak sakin kaya napaiktad naman ako sa gulat.
Nakangiting Xiumin ang bumugad sakin.
"Simpleng sorry lang ,okay na ako" nakangiting saad niya sakin. Masarap sa tenga yung boses nya, akala ko ba galit na galit sya sakin, kung kanina halos maghalikan na yung mga kilay nya sa pagkakasalubong ngayon naman mukha syang maamong bata.
"Sorry talaga, wala ako sa sarili nung mga oras na yun" pagmamaka awa ko sa kanya at bumenta naman yun dahil matamis na ngiti ang isinukli nya sakin.
"Forgiven" malumanay na sabi nya na nagpalawak sa ngiti namin sa isa't isa.
Wala ako sa sarili nung mga oras na yun kaso wala naman akong maalala sa mga nangyari, tanging naaalala ko lang ay yung pagkalutang ng isip ko kapag naa-alala yung ginawang pag halik- ayst, walang hiya talaga yung lalaki na yun.
Makita ko lang sya dito sa campus , sasabunutan ko talaga yung kilay nya at wala akong ititira ni isang bakas ng buhok nya sa ulo.
Sisiguraduhin kong magbabayad sya sa ginawa nyang pagnakaw sa first kiss ko, kung alam nya lang na ini-reserve ko na yung first kiss ko para kay Lee Minhoo tapos ganon ganon nalang yung gagawin nya!
Nawala nalang yung mga nasa isip ko nang makita ko ang isang kamay na nakalahad para sakin, nang inangat ko ang tingin ko kung sino yun, ang nakangiting mukha ni Xiumin ang nakita ko.
"Friends?" sabi pa nya habang hinihintay yung sasabihin ko.
Ngumiti naman ako sa kanya at tinanggap yung pakikipagkamay nya "Friends" sabi ko at nagpalitan naman kami ng ngiti.
*thank you! Share comment ang share the vibes!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."