Chapter -51- Forgiveness

15 3 0
                                    

Chapter 51- Forgiveness




(Scoup's POV)


"Sasama ka sakin sa Netherlands ah?" tinuloy ko yung pagsuklay sa buhok nya, namiss ko ring gawin toh. 

Ilang taon din ang tiniis ko ng hindi sya kapiling at ngayong napatawad ko na sya wala nang makakapigil pa sa pagmamahalan namin.


Ipapadama ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal, kung gaano ako masasaktan kung mawawala pa ulit sya.

Parang kailan lang nung napatawad ko sya.

Bumalik sa ala ala ko yung araw na yun, kung sana nakinig ako sa kanya ede sana noon pa namin nakapiling ang isa't isa.



(Flashback....)




Nakasandal ako nun sa pinto sa loob ng kwarto ko habang sya naman ay nasa kabilang banda sa labas ng pinto.


Di ko pinarinig sa kanya ang pag iyak ko dahil gusto kong maramdaman nya kung gaano ako nasasaktan sa ginawa nya sakin noon.

"Cheol.. pakinggan mo naman ako ohh...."  rinig ko mula sa kinauupuan ko yung pag iyak nya.





Kung di nya ginawa sakin yun magiging ganito kaya ako? Kung di nya ko sinaktan noon siguro masaya parin kami ngayon.



"Cheol....

Ramdam na ramdam ko ang pag mamaka awa sa boses nya. Kahit katiting na awa parang ayaw kong ibigay sa kanya, ngayon pa talaga? ang tanga ko naman.


"Cheol naman..... nahihirapan nako..."

"Ikaw lang ba jirjean? Ikaw lang ba ang nahihirapan ha?" klarong klaro sa boses ko yung galit at poot sa kanya.



"Di mo alam  gaano moko sinaktan noon tapos ngayon sasabihin mo lang sakin na ikaw tong nahihirapan ha?  Nasaktan ako Jirjean , sobrang nasaktan!"

Mula sa posisyon ko sa likod ng pinto ay dinig na dinig ko ang paghingos at tindi ng pag iyak nya.



"Cheol.... kung sasabihin ko ba sayong may dahilan lahat ng ginawa ko sayo maniniwala ka ba?"

Natigilan ako sa sinabi nya. May dahilan? ano at bakit?  Kailangan talaga saktan nya ko ng ganon ka sakit?


"Cheol.... nagkasakit ang ate ko.... "

"TAPOS???? TAPOS ANOO??? YAN BA DAHILAN MO ? DAHIL NAGKASAKIT ATE MO KAYA MOKO SINAKTAN??......."  








"Cheol.... pakinggan mo muna ako.. kahit ngayon man lang.... kahit para man lang sa ikakatahimik ko...."  may halong pagpapakiusap sa tono ng pananalita nya.




Masyado ba kong naging makasarili? Ba't nakokonsensya ako....ano tong nararamdaman ko?


"Sige, pakikinggan kita pero oras na diko magustuhan yung dahilan mo wag na wag ka nang magpapakita sakin......"




Nanatili kami sa ganong posisyon , nakaupo kami sa magkabilang parte ng pinto.



Gusto ko munang marinig mula mismo sa kanya ang dahilan baka sakaling mapatawag ko pa sya.




"Cheol malala ang sakit ng ate ko noon.... kailangan ng malaking halaga para sa pagpapagamot nya.... lubog na lubog na sa utang yung negosyo namin noong mga panahong yun....



Saglit syang huminto at sa wari koy pinahid nya yung luha nya.

"May kaibigan si papa na negosyante....mayaman sila at kayang bilhin ang kahit na anong bagay na gustuhin nila...... dun humingi ng tulong si papa pero may kapalit naman ito..... kailangan kong pakasalan ang anak nyang panganay.....






"Pinakasalan mo?" basag ang boses ko nang sabihin ko yun, di ko man gustong malaman nya na umiiyak ako ay naapektuhan naman ang boses ko sa nararamdaman ko.




"Hindi Cheol..... hindi natuloy dahil dumating ang kapatid ni papa... sya yung may ari ng Wu's Mega Company"



Parang pamilyar sakin yung pangalan ng company, parang narinig ko na yung company nayun noon.

"Kilala mo si Kris diba? Sya yung pinsan kong masungit. Sila ng pamilya nila ang tumulong samin na maka ahon at sila din ang tumulong sakin na makapagtapos  ng pag aaral......




Minsan nang nakwento sakin ni Woozi na may mayaman kaming ka schoolmate na nasa Section nila Chanyeol at sa palagay ko ay sya yun.



Pero kung di natuloy ang kasal, nasan sya nung mga nagdaang panahon?


"Cheol hinanap kita.... binalikan kita sa bahay mo pero wala ka dun.....di mo alam kung gaano ako nasaktan nung minsay may nagsabi sakin na matagal ka nang wala dun...."


Bigla nalang nagsitakasan yung mga luha ko at sunod sunod itong pumapatak sa sahig.

Binalikan nya ko pero nasan ako nung bumalik sya? Siguro yun yung mga panahong gusto ko na syang kalimutan pero di ko magawa.




"Cheol pinigilan ko yung sarili kong yakapin ka nung nakita kita sa Hospital kasama yung mga classmates mo!..... Di mo alam gaano ko tiniis na sugurin ka ng yakap dahil miss na miss na kita...."




"Cheol kung alam mo lang  kung gaano karaming lugar na ang pinuntahan ko makita lang kita...pero may paraan parin ang tadhana para paglapitin tayo.... Sadyang napakabuti ng Diyos satin noh?



"Cheol , i love you, mahal na mahal kita higit pa sa sarili ko.... sana maramdaman mo yun....."





Napahagolgol nalang ako ng iyak nang marinig muli ang mga salitang yun galing sa kanya.



Tumayo ako at binuksan ang pinto at mas lumakas pa yung pag iyak ko nang makita syang basang basa ang damit dahil sa ulan.


Kahit basa ay sinalubong ko sya ng yakap.

Di ko inasahan na dadating pala ang araw natoh ,ang araw na makakapiling ko sya muli.


"Cheol, i miss  you" sabi nya sa balikat ko kaya mas hinigpitan ko pa yung pagyakap sa kanya.

"I miss you the most babe"

"I love you Cheol"

"I love you the most"  at saka ko sya hinalikan sa labi.






(End of flashback....)



"Talaga isasama moko?" di makapaniwalang tugon nya sakin.

"Oo naman , gusto ko palagi kitang kasama tsaka diba stepmother ng papa mo yung Queen Sapphira?

Minsan nya na kasing na kwento sakin sa halfbrother ng papa nya si Kevein Wu yung papa ng Kris na anak ni Queen Sapphira.

Magkapatid daw kasi sa ama yung papa nya at si Kevein Wu.

"Sige sasama ako" nakangiting sagot nya sakin at agad akong hinalikan sa labi at tinugunan ko naman yun.



"Mahal kita Cheol"

"I love you more babe"







*Vote comment and enjoy!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now