Chapter-65-Her dream

11 4 0
                                    

Chapter 65- Her dream

(Lexine's POV)

Nakita ko sya, nakita ko syang patakbo sa kung saan ngunit may kakaiba sa kanya na di ko mawari kung ano.

Bawat hakbang nya ay sya ring pagbigat ng kanya paghinga.

Hawak hawak nya ang kanyang dibdib na sa wari koy paraan nya para mapatigil ang kanyang pag ubo.

Sinundan ko sya sa kung saan nya papunta, napaka tahimik ng lugar at tanging mabibigat na paghinga nya lang ang aking naririnig.

Nagsisimula nakong mag alala, tila hindi normal ang ikinikilos nya ngayon.

Di nya alam na may sumusunod sa kanya sapagkat di sya lumilingon sa gawi ko.

Bakit sya nagkakaganito?

Tumigil sya at nakita ko ng mas maliwanag ang mukha nya, sya nga , sya nga ang taong minamahal ko.

Ngunit yung sunod na sunod na pag ubo nya ang ikinabahala ko.

Nakangiti sya na para bang nagpapasalamat pa sa kung ano man ang iniisip nya.


Nag simula nakong mangamba nang makita ko syang umiiyak at may bahid ng dugo yung bibig nya habang abala naman yung isang kamay nya sa pagpahid nito.

Di ko na napigilan ang sarili ko at naglakad nako sa gawi nya, hinay hinay lamang ang aking mga hakbang .

"Hoshi" tawag ko sa pangalan nya ngunit wala akong natanggap na sagot mula sa kanya.

"Hoshi" muli kong sinambit ang pangalan nya pero tila di nya ko naririnig.

Bigla nya na lamang niyakap ang kanyang sarili hanggang sa marinig ko ang di ko inaakalang maririnig ko mula sa kanya.


"Wag mong sasabihin sa kanila"

Bakit? Sekreto lang ba ang lahat ng ito? Ang nakikita kong nga bakas ng dugo sa damit nya ay matagal nya nang tinatago mula sa iba? Ngunit bakit?







Nagulat na lamang ako sa sunod na nangyari, may  isang kamay na tumakip sa bibig ko at may kung anong  tela o sa wari koy panyo sa mga kamay nya at bigla na lamang akong nawalan ng malay at ang tanging huli kong nakita ay ang pagkarga ng kung sinong naka itim kay hoshi.





*vote comment and enjoy!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now