Chapter 84- 3 days before Christmas
(Tristan's POV)
Dumiretso na ako sa hospital para tingnan yung kalagayan ng kapatid ko habang sila Hoshi ,Mingyu at yung iba naman nyang kaklase ay nagbihis muna.
"Nakita na namin sila Hoshi!" bungad ko kila Churi at Jeonghan at kita ko ang tuwa at pagkagulat sa mukha nila.
"Talaga kuya? Okay lang ba sila? anong nangyari? San nyo sila naabutan?" sunod sunod na tanong ng kapatid kong unggoy.
"May tumulong sa kanila" nakahinga naman sila ng maluwag sa sinabi ko.
"Where are they now?" tanong ni Jeonghan, walang ka ekspre- ekresyon ko syang tiningnan at sinagot.
"They're currently changing their clothes and they will come here soon when they are done"
Tumango naman silang dalawa.
Maya maya pa ay nagreklamo na yung bunso kong kapatid na unggoy na nagugutom na daw sya at ako pa talaga yung balak nyang pabilihin.
"Kuya sige na, ikaw na bumili ,iwan mo muna kami ni Jeonghan dito" nagpapapadyak sya ng paa habang inis akong tinitingnan.
"Baka po pagod po si ako" sabi ko naman na mas lalong ikinabigat ng ekspresyon ng mukha nya, mukha na syang gorilla ngayon.
"Sige na, gutom na gutom na ako"
"Ako nalang bibili" tumayo si Jeonghan para sana umalis kaso inunahan ko nalang sya.
Ako nalang bibili kasi sure ako na pupunuin na naman ako ng tanong nitong kapatid ko tapos idagdag mo pa yung bunganga nya na daig pa yung nanganganak na kambing.
"Ako nalang bibili. Ilang kilo ng saging ba gusto mo?" pabirong sabi ko sa kanya at ihahagis nya sana sakin yung basket sa lamesa pero napigilan sya ni Jeonghan.
"Di ako unggoy!"
"Alam ko, iba breeding mo eh. Gorilla ka diba?" mas lalo pang sumama yung tingin nya sakin kaya kumaripas na ako ng takbo papalabas.
***
Tapos nakong bumili ng mga pagkain at kasalukuyan na akong pabalik sa Hospital.
Nahihirapan ako sa mga dala ko habang naglalakad papunta sa room nya, buti nalang nakita ako nung isa sa kaklase ni Churi at tinulungan nya ako, nangdito na pala sila.
Akmang bubuksan ko na yung pinto nang salubungin ako ng sampal ng kung sino. Nilagay ko yung pagkain sa may upuan at tiningnan kung sino yung sumampal sakin at salubong ang kilay at galit na galit na nakatingin sakin si Hoshi.
"Sabi mo na comatose? Ba't buhay?" galit na galit yung boses pati yung mukha nya.
"Totoo namang na comatose sya ah!" singhal ko sa kanya.
"Ba't nga buhay?" tanong na naman nya at mas lalong nagalit.
"Pag sinabi bang comatose mamatay agad? Diba nacomatose ka rin? Eh bat buhay ka?"
"Hindi yun yung ibig kong sabihin !"
"Ganon yun! Malamang nagising na sya! Gising na sya hosh mag isip ka nga!" singhal ko sa kanya.
Tumango tango naman sya at parang tinanggap nya na yung sinabi ko at tinalikuran ako. Ang bilis talaga magbago ng mood ng batang yun.
Kinuha ko na yung pagkain na nilapag ko kanina sa upuan at pumasok na.
Nakita ko silang nagtatawanan at nagkwekwentuhan kaya di nila napansin yung pagpasok ko.
Nakita ko na rin na may dala dalang pagkain yung iba.
"Sabi ng Doctor pwede na daw akong i discharge bukas" sabi ni Churi sa mga kaklase nya.
"So guys ano plano natin bukas? It's 3 days before Chritmas so shall we celebrate?" buong galak na sabi nung classmate nya na englishero.
"Sige sige" pagsang ayon naman nung iba nyang kaklase.
"Scoups what about si Doctora? Nasan na sya?"
"She's at our room, gusto nya munang magpahinga" sagot naman nung lalaking tinatanong nya.
May ibang kinikilig at yung iba naman ay pinagtitilian yung sagot nung lalaki.
-♡♡♡♡♡
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Fiksi Remaja"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."