Chapter 66- Kidnapped Part 2
(Lexine's POV)
Nagising ako mula sa bangongot nang may maramdaman akong may tumatawag sa pangalan ko.
Agad kong ibinuka ang mga mata ko at nilibot ang paligid pero wala ako sa kwarto ko, maginaw ang paligid at hindi ko maigalaw ang katawan ko.
Nang tingnan ko ang kamay ko ay agad akong napa iktad nang makitang nakatali ito ng mahigpit kasama ang paa ko.
Kung ganito ang nangyayari, di kaya totoo yung panaginip ko?
"Lexine tingin dito!" napalibot ko ang tingin ko sa paligid ng may nagsalita.
"Lexine ano ba! Sa gilid mo!" pamilyar ang boses ng sumisigaw at nang tumingin ako sa gilid ko ay nangdun nga ang taong kagaya ko rin na nakagapos ang paa at kamay.
"Bat nangdito ka?" gulat ang ekspresyon nya habang nagsasalita, maging ako rin gulat sa mga nangyayari.
Hanggang sa naalala ko na ang mga pangyayari bago kami napunta dito, may mg naka itim na lalaki ang biglang nagtakip sa mga bibig namin at may kung ano silang hinalo dun sa panyo dahilan lara mawalan kami ng malay at madala kami dito ng walang kahirap hirap.
"Hoy sagutin moko, ba't nangdito ka sa Netherlands?"
"Dika ba nag aalala sa kalagayan natin at ba't yan ang tinatanong mo sakin eh ako nga dapat nagtatanong sayo nyan eh!" inis na sagot ko sa kanya at napabuntong hininga naman sya at inis akong tiningnan.
"Dito kami mag cecelebrate ng Christmas Party ,oh ano may angal ka. Ikaw ba't nangdito ka? Sinusundan mo ba ko?" Nakataas pa ang isang kilay nya sakin habang mataray akong tinitingnan.
Aysus kung di lang talaga ako nakagapos kanina ko pa sya hinalika- este kinusot.
"For your information Sir Hoshwi ,isinama ako ng grandmother ko dito yung kaibigan ng Reyna para ipakilala sa kanya , wag kang feelingero!"
"Edeh wow" tanging sagot nya sakin.
Inilibot nya yung tingin nya sa paligid at lumaki yung mata nya nang mapagtantong nakagapos din sya kagaya ko.
Di nya pala napapansin at mas inuna nya pa yung pagtataray nya sakin kanina, itong lalaki talagang toh kahit kailan may pagka tuliling.
"Hoy bat ako nakagapos!!!!" nagpapanic yung boses nya at halatang paiyak na.
"Nirape moko noh? Hoy kinuha mo yung virginity ko! Walang hiya ka talaga Lexine! Ang inosente ko tapos magigising nalang ako na dina virgin!! Magbabayad ka!""Pano naman kita marirape ,nakagapos din ako wag kang tanga!"
Naiinis din talaga ako sa lalaking toh! Grabe kung makapag isip ,pano ko naman sya marirape? Hindi naman ako masyadong manyak na babae, slight lang naman.
"Ba't tayo nangdito?"
"Nakidnap obvious ba?"
"Malay ko ba baka trip mo lang magpagapos"
Agad kaming napatingin sa pinto nang bigla itong bumukas at iniluwal nun ang isang matangkad at maputing babae. Napangiwi tuloy ako sa suot nya, nakaitim na sando sya na may mga balahibo ng manok at saka naka pajamang puti, tapos ang kapal pa ng lipstick nyang kulay itim.
Naglakad sya papunta sa gawi namin habang suot suot ang nakakalukong ngiti.
"I can't imagine my dear Queen Sapphira's face if she will know that the two of you are missing and nowhere found in her place" sabi nya at nagloading pa yung utak ko dahil sa bilis ng english nya dumagdag pa yung accent nya na parang yung ilong ang nagsasalita.
"Who are you? Why are you using us against the queen?" Napatingin ako sa nagsalita at may paghangang tiningnan si Hoshi, papalakpak sana ako kaso nakagapos pala yung kamay ko.
"Im Seshuki, the Queen's enemy" parang nagsitayuan yung nga balahibo ko dahil sa paraan nya ng pagsasalita lalo na nung banggitin nya yung last na word.
*vote comment ang enjoy!*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Fiksi Remaja"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."