Chapter-33-Scoups x Videoke

18 4 0
                                    


Author's note!!: Kung Seungchol bias po kayo, pwede nyong isipin na kayo si  Doctora Jirjean baka isipin nyo na nag eexist sa totoong buhay yan si Doctora, sadyang wala lang talagang maisip na matino ang inosente nyong author hehe, yun lang po! Share ko lang♫ Saranghae♡♡♡

Chapter-33- Scoups X Videoke

(Churi's POV)

"♫ DI MO ALAM DAHIL SAYO, AKOY DI MAKAKAIN♫" Ipinasa naman ni Hoshi ang mic kay Mingyu at pinagpatuloy nito ang pagkanta "♫ DI RIN MAKATULOG BUHAT NANG IYONG LUKOHIN♫

Pang sampu na ni hoshi ang kantang yan. Di ko alam pero para syang hindi galing sa hospital. Ang sigla sigla nya parin, feeling ko may batery sya sa katawan.

" ♫Kung akoy muling iibig sanay di maging kagulad mo, tulad mo na may pusong bato" pagtatapos ni Hoshi sa kanta, nasampal ko nalang yung noo ko dahil sa kaartehan nya.

May pahampas hampas pa sa dibdib ang loko.

"MASAKIT, NAPAKASAKIT" Sabi nya ng nakamic, may papikit pikit pang nalalaman, may masakit bang hinahampas?

Agad ko namang binatukan si Hoshi na halatang nagulat habang hinihimas ang batok.

"Wag ka ngang OA, wala ka ngang jowa eh!". Pambabara ko nang akmang bubuksan nya na yung bibig nya para mag protesta.

"Meron kaya" sabi nya na ikinalaki ng mata ko.

"At sino naman ha?" sabi ko ng may panghahamon.

"Ayun oh si babe! kanina pa tahimik, iniisip ata ako!" sabi nya at ngumuso kay Scoups na kasalukuyang nakatingin sa kanya ng masama.

"May pinagdadaanan ang tao" sabi naman ni Jun.

Napansin ko nga si Scoups kanina na halos di maipinta ang mukha simula nung pumunta yung Doctora sa kwarto kung saan nakaconfine si Hoshi.

Di ko alam bakit ganon ang reaksyon nya pero may kutob akong masama ang loob nya dun.

Lumapit naman si Hoshi kay Scoups at nagpout ito sa harapan nya.

"Beastmood ata si babe, gusto mo kantahan kita para gumaan yang loob mo?" Sabi nya at kinidat kindatan pa si Scoups na nandidiring nakatingin sa kanya.

"Ano ba yan, lumayo kanga!" Sabi nya at inilayo sa balikat nya ang kamay ni Hoshi na nakaakbay sa kanya.

"Ayaw mo na ba sakin bebe ko?" Tuloy parin ang pangaasar nya.

"Ano ba? Kadiri ka!" Sigaw nya kay Hoshi at halata sa mukha ni Hoshi ang pagkadismaya.

"Easy lang pre, wag kang hard" pagpapahinahon ni Mingyu kay Scoups -ano bang nangyayari sa kanya?

"Lumayo muna kayo sa kanya, mukhang badtrip sya ngayon" sabi ko at sumunod naman sila at tinuloy na ang concert.

Nangdito kami ngayon sa bahay nila Seungkwan, may videokehan sila. Solong solo namin ang bahay nila kasi wala doon ang mga magulang nya.

Dumiretso kami dito kanina nang mapagpasyahan nilang mag celebrate.

Nilapitan ko si Scoups habang busy ang lahat sa pagkanta at pamimili ng kakantahin.

Nang mapansin nyang papunta ako sa kanya ay tinapunan nya ako ng tingin ngunit agad ding bumalik sa pagyuko.

Umupo na ako sa tabi nya habang sya ay tahimik lang na nakaupo.

"May problema ba? pwede kang magsabi sakin"  Mahinahon kong tanong.

"Meron, pero wala ka nang paki dun" walang kabuhay buhay nyang sagot.

"Napansin ko kanina, may kinalaman ba toh dun sa Doctora?" sabi ko ng mahinahon parin ang boses.

Naramdaman kong tumingin sya saglit sakin pero bumalik din sa pagkakayuko.

"Noon pa yun, dapat nang kalimutan" sagot nya at wala na namang emosyon ang boses nya.

Kung ano man ang bumabagabag sa isip nya ngayon, alam kong hindi ngayon ang oras para magtanong kung anong nangyari sa kanila nung doctora na yun.

Napahinto nalang ako nang tumayo sya at dire diretsong pinuntahan ang mic at saka ito nag simulang kumanta, -ayan! Brokenhearted nga!

Napatingin naman kaming lahat sa kanya pero seryoso parin yung mukha nya.

Napatingin naman ako sa screen ng TV para makita kung ano ang kakantahin nya at familiar sakin ang kanta na yun.

(AN : NP: Heaven By Your Side by A1)

♫You and i cannot hide♫
♫The love we feel inside,the words we need to say♫

Napatingin ako sa kanya ngunit diretso lang ang tingin nito sa screen. Ngayon ko pa lang sya narinig na kumanta at inaamin kong ang ganda ng boses nya.

Napakaswerte ni Doctora sa kanya kung sakaling naging sila man noon.

♫I feel that i have always walked alone♫
♫But now that you're here with me♫
♫There'll always be a place that i can go♫

Ipinasa nya ang mic kay Joshua at nakangiti ito habang kumakanta.

♫And sudenly our destiny has started to unfold♫
♫When you're next to me, i can see♫
♫The greatest story love has ever told♫

At ibinalik nya ang mic kay Scoups at sa panahong ito , nakangiti na rin sya habang kumakanta.

♫Now my life is blessed with the  love of an angel♫
♫How can it be true♫
♫Somebody to keep the dream alive♫
♫The dream i found in you♫
♫I always thought that love would be the strangest thing to me♫

♫But when we touch i realize that i found myself in heaven by your side♫

Napatingin na naman ako sa kanya at laking gulat ko sa sunod na kumanta.

♫i could fly when you smile♫

boses babae

♫i'd walk a thousand miles♫
♫to hear you call my name♫
♫Now that i have finally found the one♫
♫Who will be there for me♫

♫Eternally, my everlasting sun♫

Nang tingnan ko kung sino ang babaeng kumakanta, natigilan ako nang makita ko si Doctora. Anong ginagawa nya dito? Tiningnan ko si Scoups  ngunit wala syang reaksyon sa nangyayari at wala man lang emosyon ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Doctora.

♫And sudenly our destiny has started to unfold♫
♫When you're next to me, i can see♫
♫The greatest story love has ever told♫

♫Now my life is blessed with the  love of an angel♫
♫How can it be true♫
♫Somebody to keep the dream alive♫
♫The dream i found in you♫
♫I always thought that love would be the strangest thing to me♫

♫But when we touch i realize that i found myself in heaven by your side♫

Naramdaman kong nakatitig si Doctora kay Scoups habang kinakanta ang huling line at ramdam ko ang emosyon nito habang binibigkas ang mga salitang yun.

♫But when we touch i realize...that i found...myself in heaven...by your side...♫







*vote comment and enjoy the story!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now