Chapter -32- Hoshi is Hoshi

22 4 0
                                    

Chapter 32- Hoshi is Hoshi

(Churi's POV)


"Hinay hinay naman sa pagkain" sabi ko habang inilalayo muna kay Hoshi ang isang basket ng prutas na halos lunukin nya na ng buo dahil daw ginugutom sya.

Kahapon nang magising sya , ayaw pa syang pakainin ng mga doctor kaya heto sya ngayon at pinaandar na naman yung katakawan. -Food lover eh!

"Churriso, wag ka ngang daldal ng daldal dyan magbalat ka  pa ng maraming  orange" utos nya habang nguya pa rin ng nguya, isang box na nga ng chocolate yung naubos nya tapos ngayon balak pa nyang ubusin tong isang basket ng prutas.

Makakalabas nga sya ng hospital pero baka isugod sya pabalik dahil inatake ng diabetes.

"Kaya mo pa ba?Baka tumae ka nyan sa kama" pangaasar ko sa kanya at bumusangot naman sya at binigyan ako ng matalim na irap.

"Sige ka, magpapacoma ulit ako"  pangbabanta nya na nagpalaki sa mata ko, wag naman!

"Sabi ko nga eh magbabalat na! Anong gusto mong unahin kong balatan yang mukha mo?" pang aasar ko na naman .

"Si Churi di na ako mahal" sabi nya ng maluhaluha at nakabusangot ang mukha.

"Mahal ka kaya ni Churi" sabi ko naman sa kanya at nginitian sya, ngumiti naman sya sakin ng abot tenga. Hinaplos haplos ko yung buhok nya para maaliwasan yung mukha nya "Kahit anong mangyari lagi mong isipin na nangdito lang si ate Churi mo ha?" sabi ko ng payapa ang boses.

Gusto ko maramdaman nyang nangdito lang ako kahit anong mangyari.

Tumingala naman sya sakin at ngumiti na naman"Ate?" tanong nya na may halong pagtataka at excitement.

"Oo,pwede mokong tawagin sa kung anong gusto mong itawag sakin, kahit ate" sabi ko na mas nagpalawak sa ngiti nya.

"Ate" tawag nya sakin kaya nakangiti akong tumingin sa kanya.

"Bakit?"

"Thank you ah" sabi nya at yumakap sakin,gumaan ang loob ko nang dahil sa mga sinabi nya.

"Para saan naman yang thank you mo ah?" Nakatawa kong tanong at ginulo ang buhok nya pero di sya nagpatinag at nakangiti parin sakin.

"Thank you kasi di moko pinabayaan, salamat kasi dumating ka sa huhay ko, salamat kasi binigyan moko ng pag asang mabuhay ulit" niyakap ko sya ng mas mahigpit, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, di ko namamalayang nagsisitakasan na yung mga luha ko galing sa mata ko.

"Ako nga dapat magpasalamat eh"

"Hmm?" tugon nya.

"Kasi ikaw lang yung nagpasaya sakin ng ganito, naramdaman kong may kulang sa buhay ko noong mga panahong coma ka at alam kong ikaw ang kulang na yun. Ngayon lang ako sumaya ng ganito alam mo ba yun?" nakangiti ako habang wala paring tigil yung mga luha ko sa pagtakas.

Narinig ko ang mga yapak galing sa labas ng pinto kaya agad kong inayos ang sarili ko at dali daling pinunasan ang luha ko.

Bumukas ang pinto at iniluwal nun ang mga kaklase naming may isa isang dala dala.

"Hoshi!"

"Nangdito na kami"

"Kainan na!"

Sigaw nila habang nilalapag yung dala dalang pagkain sa lamesa.

Dinaig pa yung fiesta dahil sa dami ng dala.

"Kayo nalang muna siguro ang kumain, tapos na si Hoshi, naubos nya na ang isang box ng chocolate at isang malaking basket ng mga prutas" sabi ko ng may diin at nang linguni ko si Hoshi ay naka simangot ito sakin.

Sapat na yung chocolate at prutas sa kanya ,kakagising nya lang at masama sa kalusugan nya ang pag kain ng ibat iba.

"Ate namaaannnnn!" Sigaw nya ng may halong pagmamakaawa.

"Hoshi, kakagising mo lang. Delikado parin para sayo at sa kalusugan mo na kumain ng kahit ano anong pagkain." sabi ko ng mahinahon.

"I agree with Churi, it's still dangerous for your health to eat this kinds of foods" pag sang-ayon naman sakin ni Jeonghan pero napangiwi ako sa sinabi nya.

"Inenglish mo lang eh!" Sabi ko at tinuro sya, tumingin naman sya sakin ng nagtataka.

"Hey i'm not, im just stating my concern for Hoshi" pangbabawi nya. Nakakpikon din talaga paminsan minsan tong lalaking toh eh. Palagi nya nalang akong ineenglish.

"Don't english english me cause i'm not america!" Sabi ko at tinuro turo sya. Tiningnan nya naman yung kamay ko na nakaturo sa kanya.

"Hey stop pointing your middle finger at me" napangiwi naman ako sa sinabi nya kaya napatingin ako sa kamay ko at tama nga. Nakatayo ang gitnang daliri ko at nakatotok ito sa kanya.

Narinig ko naman ang tawanan ng iba.

"Ayayay, Churi masama yan!" Sigaw ni DK.

"Walanghiya diko naman sinasadya!" sigaw ko din sa kanya hangang sa bumukas ang pinto at iniluwal nun ang isang doctora.

"Hi ,i'm Ms. Jirjean and i want to inform nyo na mamayang hapon pwede nang i discharge ang pasyente. Just wait for the nurse na mag aasikaso sa pasyente mamaya okay?" Tumango naman kami "Mauna na ako at may pasyente pa ako sa kabilang room" sabi nya at nag una nang lumabas sa pintuan.

"Witwew!"

"So hot"

"Ang sexy naman ni Doctora"

nabatukan ko naman si DK at Mingyu na syang nagpapasimuno ng ka manyakan.

Napahimas naman  si Mingyu sa  batok nya habang nakasilid ang nakakalukong ngiti sa labi nya.

Alam kong may iba na naman tong iniisip.

"Si babe naman napakaselosa, wag kang mag alala ikaw kang naman bebe ko, pakiss nga" sabi nya at ngumuso sakin, napangiwi na naman ako sa inasta nya.

Tinapik tapik ko yung mukha nya.

"Ano ba yan pre, nananaginip ka na naman ng gising" tinig ni Wonwoo na nagpabalik ni Mingyu sa realidad.

Nakita ko naman sa sulok ng paningin ko si Jeonghan o mas tawagin kong Ben.

Nakatitig lang sya sakin habang kunot ang kilay.

Inaano ko na naman ba toh?





*Vote comment and enjoy the story! Share the vibes!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now