Chapter 45- Court
(Churi's POV)
At dahil galit si Kuya sakin , si Mingyu at Hoshi lang ang hinatid nya.
Magkampihan sila kung gusto nila, edeh sana sila nalang naging kapatid nya kung nagkataon.
Nagmumukha tuloy akong timang dito sa daan ,padabog pa talaga yung mga padyak ko dahil sa tinde ng galit.
Mukha akong sundalo dito na nagmamarcha.
Napahinto ako sa paglalakad ng magvibrate yung cellphone ko, agad ko naman itong kinuha at saka tiningnan kung sino ang nagtext.
Sya yung nagtetext sakin noon sa room. Nilagay ko na pala yung number nya sa contacts ko.
Text from: Shining Punggok ^^
:Alone walking?
Agad akong napatingin sa paligid ko sa bakbabaka sakaling makikita ko sya.
Alam kong pinagmamasdan nya ko sa mga sandaling ito.
Nabalik ang tingin ko sa cellphone nang magvibrate ulit ito.
Text from: Shining Punggok^^
:Looking for my handsome face?
At yun na nga, alam kong nangdito sya sa paligid ko kaya nagsimula nakong magpanic dahil baka kung sino tong lalaki to at idagdag pang napakatahimik ng paligid.
To: Shining Punggok^^
:San ka? Magpakita ka sakin!
ilang sandali pa ay nagvibrate uli ito.
From: Shining Punggok^^
:here i come
Pagkabasa ko nun ay nagsimula nakong kabahan.
Napalingon lingon ako sa paligid pero wala namang ibang tao o baka pinagtritripan lang ako ng punggok nato.
Nagvibrate yung phone ko hudyat na nag text na naman sya.
From: Shining Punggok^^
:Im three step away from you
napalingon na naman ako sa paligid pero walang bakas ni anino ng tao.
:One
nagsimula nakong magpanic
:Two
di nako mapakali sa kinatatayuan ko.
:Three
ayokong lumingon.
"BULAGAAAAAAAAAAA!!!" Napasigaw ako dahil sa sobrang nerbyus at saka ko nilingon ang sumigaw.
Paglingon ko ay ang di ko inaasahang tao ang bumungad sakin.
"Jeonghan? Bat nandito ka?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya.
"Im the one texting you" sabi nya at nagkamot mg ulo, di ako makapaniwalang sya tong shining punggok na toh.
Ang layo naman kasi ng ugali nya sa text at sa personal.
"Nagulat kaba?" nakatawang tanong nya sakin.
"Tinatanong pa ba yan?"
"Tara na nga ,sabay kana sakin" pang aaya nya at sinundan ko naman sya para may masakyan ako.
Yung kotse nya tinago nya sa likod ng malaking garden para diko makita, mautak din pala ang punggok.
"Sakay na" agad naman akong kumilos para sumakay sa passenger's seat.
Katahimikan ang namamayapa sa kotse. Wala ni isang umiimik o nagtatangkang umimik.
Habang tumatagal yung pagmamaneho nya para syang di mapakali at paminsan minsan ay sumisilip sakin.
Di ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya, para syang may gustong sabihin pero di nya masabi.
"Hmm, Churi can i court you?" basag nya sa katahimikan, tumingin naman ako sa kanya at napangiwi.
"Mukha ba akong basketbolan sayo?" Di ko alam kung bakit sya napangiwi sa sinabi ko pero sinasabi ko lang naman yun para sa sarili ko.
"Ang slow mo din eh, ang gusto kong sabihin ay kung pwede ba kitang ligawan" napakurap kurap ako sa mga sinabi nya. Anong ligawan?
"Ligawan?"
"Yes ,if that's okay with you" mahinahon yung boses nya habang nagsasalita. Napatingin naman ako sa kanya ng ilang beses para makompirma kung si Jeonghan ba talaga tong nagsasalita pero sya naman talaga.
"Pano yan, pag naging tayo mas magmumukha akong boyfriend sayo!" wala sa sarili kong sagot sa kanya.
Di parin ako makapaniwala, after all this days gusto nya kong ligawan.
"I'll cut my hair" pagkasabi nya non ay itinigil nya ang kotse at tumingin sakin "Hahayaan mo ba akong ligawan ka pag nagpagupit ako?"
Napaisip naman ako sa mga sinabi nya, hahayaan ko ba syang ligawan ako? Matagal ko na syang kaibigan at inaamin kong sobrang namiss ko sya.
Halos araw araw kaming nagsasama noon at halos sabay pa sa paggawa ng ilang bagay kagaya ng pagkain at paglalaro.
Naging malapit ang loob namin sa isa't isa at inaamin ko sa sarili kong kahit ganyan sya kasungit sakin ay napamahal na rin ako sa kanya.
Madalas ko syang ninanakawan ng tingin kapag freetime namin.
Sa diko malaman na dahilan ay komportable ako kapag nangdyan sya, minsan kapag tumitingin ako sa kanya nagsasalubong yung mga tingin namin dahil nakatingin na pala sya sakin.
"Sige" pagsang ayon ko sa kanya at gumuhit naman sa mga labi nya ang napakatamis na ngiti.
Parang ang sarap sa pakiramdam na makita syang ganon, yung nakangiti habang diretso yung tingin sayo.
"Tara na? My soon to be girlfriend?" habang sinasabi nya yun ay gumagaan ang loob ko.
Bat ba ang ganda ng boses nya pag nagsasalita?
"Tumigil ka nga! Di kapa nga nagpapagupit eh" sabi ko at pilit kong iniwas yung tingin ko sa kanya dahil para akong timang na bigla nalang ngingiti pag nakita yung mukha nya.
"Magpapagupit ako tandaan mo yan." pagkasabi nya nun ay lumabas na sya ng kotse, nang tingnan ko ang labas ay nasa gate na pala kami ng school.
Lumibot sya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto at agad naman akong ngumiti sa kanya bilang pasasalamat.
"A man should be gentleman to his girl"
*Vote comment and enjoy*
YOU ARE READING
When the moon howls [Season 1]
Teen Fiction"The problem is," he looked straight into my eyes as he leaned in, "if I kissed you, I don't think I'd be able to stop."