Chapter 38- Hoshwi

16 4 0
                                    



Chapter 38- Hoshwi

(Churi's POV)

Ang sarap manapak ng katabi.

"Churi sige na please!" Pagpapakiusap nya habang niyuyugyog ako.

Walang hiya talaga, kakagising ko lang! Kunting respeto naman oh!

"Gamitin mo nalang yung toothbrush ng aso ni kuya!" sagot ko sa kanya na ikinalukot ng mukha nya.

Dito sya natulog samin kagabi dahil wala  naman daw syang kasama sa bahay nila at saka mas gusto nya daw akong  kasama.

"Walang hiya ka talagang Churiso ka!"

"Walang hiya ka din!"

"Sige ka, isusumbong ko kila Minghao at sa iba nating kaklase na dito natutulog si Mingyu!" Sabi nya ng may paghahamon.

"Tssskk!! Matagal na nilang alam!"

"Sige na samahan mo na ako!" pagmamakaawa nya na naman.

Nagpapasama kasi syang bumili ng toothbrush kaya pinayohan ko syang gamitin yung toothbrush ng aso ni kuya para walang gastos pero ayaw nya.

"Yung brush ng inidoro nalang gamitin mo!" Sabi ko at tumawa ng napakalakas.

"Langya ka talaga! Balak mo pa akong gawing tae!" sagot nya at niyugyog na naman ako.

"Oo na ,sasama na!" sagot ko at agad na tumayo para maghilamos, sabado naman ngayon kaya okay lang na sumama ako. Gusto ko rin syang makasama dahil namimiss ko yung kakulitan nya.

"Yiieehhh!! Bait talaga ng ate ko!! Pakiss nga!!"  sabi nya at ngumuso, binigyan ko naman sya ng nakakadiring tingin.

"Yuck!"

"Ito naman di na mabiro, loyal kaya ako kay Princess!" napalaki naman yung mata ko sa sinabi nya.

"Sinong Princess?"

"Yung nasa TV"

"Anong TV?"

"Di ma ba alam ano yung TV?"

"Alam pero anong sino?"

"Yung si Snow white! Alam mo yun? Yung mahaba ang buhok"

"Walang hiya si Rapunzel yun! Wag kang tanga!"

"Ayy"

Hinila ko na sya palabas ng kwarto pagkatapos kong maghilamos.





***

(Time skip brought to you by Scoup's gummy smile)

***




Nagkape muna kaming dalawa sa kusina.

"Buknoy Babe"

"Oh?"

"Gusto ko ng kiss!"

Sabay kaming napalingon ni Hoshi sa naghaharutan na si Kuya at si Mingyu.

Walang hiya, magjowa ata tong dalawang toh.

"Hoy, sila na ba?"

Bulong sakin ni Hoshi habang umiinom ng kape.

Napatingin naman ako sa kanya ng may pagtataka.

"Di no! Ganyan lang talaga yan sila, halos araw araw dinaig pa ang magjowa"

Napatango tango naman  si Hoshi sa sinabi ko pero lukot parin ang kilay habang tumatango.

"Wag mo na silang intindihin, ubusin mo na yang kape" sabi ko at ginawa nya naman.


"Hoshi sayo to?" pagtatanong ni kuya habang hawak hawak ang isang  kahon ng cellphone at papalakad samin.

"Di ah ,bakit?" Pagtataka ni Hoshi.

Tiningnan ni kuya yung kahon sa pagbabaka sakaling alam nya kung kanino ito pero wala parin syang makuhang clue.



Binabaliktad pa nya ito hanggang sa may  nakatatak na pangalan sa ilalim ng kahon.


"Sabi dito for Hoshwi daw" kulot kilay na pagkakasabi ni kuya.

"Hindi Hoshwi ang pangalan ko, ako si Hoshi Kwon hindi si Hoshwi" sagot nya naman.



"Shi, sayo lang naman pinakalapit ang pangalan na Hoshwi baka nagkamali lang ng pagkasulat ang nagpapabigay nyan" napasibangot na naman sya sa sinabi ko.


Kinuha nya nalang ang box kisa naman magdebate kami dito maghapon at di rin naman sya mananalo pag ako ang kalaban nya.


"Walang hiya ang nagpapabigay nito, hoshwi imbes na hoshi, walang hiya talaga!"


Pagmamaktol ni Hoshi at dumiretso sa kwarto habang nagpapapadyak ng paa, feel at home talaga ang walang hiya.

Nawala ata yung plano nyang bumili ng toothbrush. Nabeastmode ng dahil lang sa kahon.




Agad ko naman syang sinundan at baka kung ano na naman ang gawin nya sa kwarto baka maging ninja yun sa galit.

Aba naman at nagsira pa ng pinto.

"Hoshi open the door" -charoot english.

"Ayoko"




"Buksan mo na! Sisipain ko to!" Panghahamon ko sa kanya.



"Baka nakakalimutan mong sa inyo yan!" ay ang bobo ko sa part na yun, samin nga pala tong bahay. Masyado na kung nalulong sa ipinagbabawal na pag ibig.



Naisipan ko nalang sumandal sa pinto at di nya naman pala nilock kaya tuluyan akong natumba at una ang ulo.




Walang hiya nagsisigawan pa kami dito eh pwede naman palang buksan ang pinto dahil di naman pala nilock.



"Walang hiya ka hosh, ano akala mo sa ulo ko bakal? Balak mo pa akong gawing tubo eh!"  Hinimas himas ko yung ulo ko na tumambling.

"Ang tanga tanga mo!"



"Walang hiya ka!!! Walang hiya ka!! Walang hiya ka talaga!!!! maabutan lang kita maleletson ka talaga sakin!!!" Pagbabanta ko at agad naman syang tumakbo sa kung saan saan.



*vote comment and enjoy!*

When the moon howls [Season 1]Where stories live. Discover now