Prologue
Maxene, ang babaeng nagpakilala ng salitang "TEXTMATE" kay Johny. Ang siya ring bibihag sa binatang ayaw pumasok sa isang relasyon. Maganda at may simpleng pamumuhay. Pakikipagtext ang kaniyang libangan.
Johny, isang anak-mayaman at nag-mamay-ari ng isang malaking pagawaan ng sapatos. Ang lalaking magpapakilig at magbibigay kulay sa pusong tahimik ni Maxene sa pamamagitan ng teknolohiyang naimbento, "CELLPHONE".
---------------------------------------------------------
Chapter 1
"Maxene gising na, unang araw ng iskwela malilate ka." Sigaw ni Aling tina, ina ni Maxene. Si Maxene ay simpleng dalaga subalit may angkibg kakaibang ganda. Sa edad na 24 siya ay nasa huling taon na sa kolehiyo ng kursong Accounting. Ilang taon din kasi siyang napahinto sa pag-aaral mula ng bawian ng buhay ang kaniyang ama. Matangos na ilong na namana niya sa kaniyang yumaong ama. Magandang pares ng mga mata na napapalibutan ng maitim at mapipilantik na mga pilik-mata at kaakit -akit na labi. Hugis pusong mukha na binagayan ng maganda, maitim at tuwid na lampas balikat na buhok. Nakuha niya mula sa kaniyang ina at maputing kulay ng balat. May taas na lima at pitong talampakan at may angking magandang korte ng katawan.
"Opo Nay, babangon na po!" sagot ni Maxene mula sa kaniyang kuwarto. "Nasasabik sa unang araw ng iskwela, 1st day high!" pakanta-kanta pa si Maxene habang nagliligpit ng kaniyang hinigaan. Pakatapos niyang magligpit lumabas siya ng kuwarto at dumiretso na sa kusina.
"Magandang umaga Nay" bati niya sa kaniyang ina.
"Anong maganda sa umaga eh tanghali na iha, kumain ka na at maligo pakatapos. Gabing -gabi na kasi cellphone parin ang hawak mo kaya tinatanghali ka ng gising. Hala, oh! bilisan mo na diyan." paninita ng kaniyang ina.
"Nay, chill ang puso mo. Ang ganda -ganda ng umaga senesermunan niyo po ako. Sige ka papangit tayo pareho."
"Heh! 'wag mo ko daanin sa kalokohan mo Maxene. Pag di mo tinigilan yang kakapindot mo ng telepono mo sa gabi, kukunin ko yan sayo at di ka makakagamit hanggang may pasok ka!"
Tumayo si Maxene at lumapit sa kaniyang ina. "Nay, cellphone ho hindi telepono."
"Ganoon na rin yun!" sagot ni Alng Tina.
Napangiti si Maxene, yinakap at hinalikan ang kaniyang ina. "mawawala kaligayahan ko Nay. Kunin niyo na ang lahat sa akin huwag lang ang aking mahal" pakanta pang sagot ni Maxene sa kaniyang ina.
Cellphone, na kung ituring ni Maxene ay isang boyfriend. Pinangalanan pa niya itong Bebe Love. Nabili niya sa murang halaga dahil second hand lamang ito mula s kaniyang bestfriend na si Kathleen, 22 years old. Si Kathleen ay kaklase niya mula unang taon nila s kolehiyo. Isang anak mayaman ngunit di mo kakakitaan ng kaarte -arte sa katawan. Naging matalik silang mag-kaibigan mula ng magkatabi sila ng upuan sa unang araw ng pasok. Madali silang nagkasundo sa lahat ng bagay at agad na nagkapalagayan ng loob at ate ang tawang nito sa kanya dahil matanda siya ng 2 taon dito.
" 'Tong batang ito puro talaga kalokohan ang alam!. Oh, siya sige na tapusin mo na yang kinakain mo. Aayusin ko pa 'tong pagkain na babaunin namin ng kapatid mo, habang di pa gaanong mainit ang sikat ng araw dapat makarating na kami sa palayan. Bahala ka na sa babaunin mong pananghalian at mamaya pag-uwi mo magluto ka ng kakainin natin mamayang gabi. "
"Opo Nay, alam ko na po yun, ingat ho kayo lagi ni Dandan. Hayaan niyo Nay pag nakatapos ako ng pag-aaral maghahanap agad ako ng trabaho para di na kayo naglalagi ni Dandan sa palayan at para maenroll na rin natin si Dandan sa susunod na pasukan. Ako na ho bahalang maghatid nitong mga gulay na papatinda natin kay Aling Bebang ako na rin ho ang dadaan mamaya s kanila pag-uwi ko."
"Oh siya, alis na kami ng kapatid mo. Isara mong mabuti ang pinto at pati mga bintana. Kahit walang mananakaw sa atin mahalaga parin 'tong bahay kubo natin." bilin ni Aling Tina kay Maxene.
Tango na lamang ang naisagot ni Maxene sa kaniyang ina at tinanaw niya ito sa paglabas s kanilang veranda.Naawa siya sa kaniyang Ina dahil may edad na rin ito ay nagtatrabaho parin.Mag-isa na lamang sila nitong tinaguyod mula ng mamatay ang kanilang ama. Minsan tumatanggap ng labahin ang kaniyang ina at katukatulong siya nito sa paglalabada pag ntaon na wala siyang pasok. Napabuntong hininga na lamang si Maxene at nasabi niya sa kaniyang sarili. "Makakaahon din tayo s hirap nay, kunting tiis at hirap na lang".
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...