Part 40

56 3 1
                                    

Nasa San Ignacio na sina Dante at Carla ng mga oras na yun. "Babe ihinto mo muna, naiihi nako!"pakiusap ni Carla kay Dante.

"Okey wait!"iginarahi ni Dante ang kaniyang sasakyan. "Samahan na kita, Babe!"

"Huwag na Babe, saglit lang naman ako!"Tumango si Dante.Binuksan ni Carla ang pinto at saka lumabas. Nasa labas na siya ng makaramdam ng pagkahilo, napahawak siya sa kotse at saka napaduwal!Butil-butil ang kaniyang pawis. Nakita ni Dante ang lahat ng iyon kaya nagmamadaling lumabas ng sasakyan at inalalayan ang kasintahan.

"Your pale, Babe!"nag-aalalang sabi ni Dante."C'mon sasamahan na kita!" inalalayan ito ni Dante ngunit nakakailang hakbang pa lamang sila ng may humila sa kaniyang lalaki. Dahil sa labis na pagkabigla hindi niya napaghandaan ang pagsugod sa kaniya ng lalaki. Napaurong si Dante."Babeee!" narinig niyang sigaw ni Carla. Pagtingin niya sa lalaki saka niya nakilala, walabg iba kundi si Johny.Pasugod ito sa kaniya, nakarecover siya mula sa pagkakasuntok nito kaya hindi siya tinamaan ng isa pa nitong suntok. Inundayan niya ito ng suntok at tumama sa panga nito, sinundan niya ito ng isa pang sipa.Natumba si Johny ngunit agad itong nakabangon, sinugod niya si Dante, sinikmuraan ito ng malakas at saka itinulak para ipitin sa kotse nito.Sigaw ng sigaw si Carla.Lumapit ito at inawat sila kahit masama ang pakiramdam, pilit itong gumitna sa pagitan nila.

"Ano ba?Sino ka ba at bigla ka na lang nananapak sa Babe ko ha?" naluluhang sabi ni Carla ng makitang dumudugo ang nasa gilid ng mata ni Dante.

"Eh manloloko ang lalaki yan!"sabay duro kay Dante."Ikakasal na siya't lahat-lahat eh may nabuntis na palang iba!"dire-diretso namang sabi ni Johny sa pasigaw na tinig. Napamulagat si Carla,"may nabuntis ang babe niya?"sa loob - loob niya Hinarap niya si Dante at saka namewang. "Baabe?explain!" naniningkit ang mga mata na sabi niya.

Nataranta naman si Dante dahil kapag ganun, eh galit na si Carla. "Babe wait!"hinawakan si Carla sa balikat. "Hindi ko alam ang sinasabi niya, ikaw ang papakasalan ko at ikaw lang ang nabuntis ko!"

"Eh anong sinasabi ng lalaking ito?" galit parin na sabi ni Carla saka nagsalita si Johny.

"Eh hayop ang lalaking yan, pakatapos akong lokohin niyan at ni Maxene, heto at ikakasal na sila eh ngayon kasama ka at buntis pa!" nangangalaiting sabi ni Johny.

Ngayon alam na ni Dante ang ibig sabihin ni Johny, akala siguro sila ang ikakasal ni Maxene at si carla ang babaeng sinasabi nito na nabuntis siya!Pero pano nito nalaman na ikakasal na siya.  Narinig niyang nagsalita si Carla.

"Babe, explain further!Don't tell me na ang lalaking 'toh e--" galit pa rin si Carla. Pinunasan ni Dante ang mukha may dugo.

"He's Johny Babe!"sambit ni Dante at nagtaka naman si Johny.

Nagtagis ang bagang ni Carla, dahan-dahan siyang umikot at humarap kay Johny. "So, ikaw pala ang Johny!" naniningkit pa rin na sabi nito. "Kaya naman pala eh, guwapo ka!"

"Babe?" dinig niyang sabi ni Dante.

"Hindi pa ko tapos, Babe!Don't get jealous, remember ikaw lang ang guwapo sa buhay ko!" sabi ni Carla na nakatitig pa rin kay Johny. Lalong nagtaka si Johny sa ikinikilos ng dalawa!

"baliw ba ang mga 'to?" nasabi niya sa kaniyang sarili.Ng biglang sampalin siya ng babaeng nasa harap niya, nagpanting ang tenga niya.

Napa-ngee naman si Carla ng makitang namumula ang mukha nito at nakaramdam ng takot ng makita sa mga mata ni Johny ang galit. Napaatras siya at napahawak kay Dante.

"You sh----"nasambit ni Johny ng maramdaman ang hapdi sa kaniyang mukha.Ang lakas ng sampal nito tila mas masakit pa sa suntok ni Dante.

"You deserved more than that,para sa  ginawa mo kay Maxene at sa mga inaanak ko!Let's go babe!"sabay talikod kay Johny ngunit bigla siyang humarap ulit dito at sinapa ng malakas sa binti si Johny.

"Ouchh!" sambit ni Johny na napahawak sa kaniyang binti.

"Para yan sa pambubogbog sa Babe ko!"at hinila si Dante pabalik.sa sasakyan. "Shit!Umatras tuloy ang ihi ko!" nangangalaiting sabi ni Carla.

"Sa nakita kong ginawa mo kay Johny Babe,parang natatakot na tuloy ako sayo! at saka tumawa si Dante.

Pinandilatan naman ito ni Carla.

"Gagamutin natin ang mukha mo pagdating sa inyo!" saka hinaplos ang mukha ni Dante.Natahimik ito biglang nagsalita. "Kaya naman pala hindi makalimutan ni Maxene, kasi guwapo ang loko. He look's like MJ babe!" Napakunot noo naman si Dante. "Hehehe!"sabi ni Carla sabay peace sign sa kasintahan. Ilang sandali pa at nasa mansiyon na sila ng mga Moran.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon