"Kids gusto niyo bang mamasyal?" turan ni Johny ng matapos makipag-usap kay Maxene.
"Opo Daddy!" magkasabay na turan ng mga ito.
"Okey, tell yaya na bihisan kayo!Bibihis lang si Daddy!" masayang kumilos ang kambal
PALABAS na ng mall sina Maxene, kasunod pa rin nila si Alex.
"Hatid ko na kayo Max?" tanong nito.
"Ha" tumingin sa gawi ni Kathleen si Maxene. "Naku, huwag na. May pupuntahan pa kasi kami ni Kathleen. Saka dala din naman niya ang sasakyan."
"Ganoon ba?" tumango na lamang si Alex
"Ay, Ate Max may bibilhin lang ako,dito ka muna ha, saglit lang naman ako!" sabi ni Kathleen
"Samahan na kita Kath!
"Huwag na, hintayin mo na lang ako!Upo ka muna doon!" saka nagmamadaling bumalik ito sa loob.
Saglit na walang umimik sa kanila ni Alex ng.
"Sayang Maxene, ngayon lang kita nakilala!"biglang sabi nito habang naglalakad sila papunta sa bakanteng upuan.
"Ha?" naguguluhan namang sagot ni Maxene.
"Forget it!" inalalayan siya nito sa pag-upo."Nung una kitang makita, di ko akalain na may anak ka na. I thought dalaga ka pa, you had a sexy body na di aakalain na may kambal na and napakabata mong tingnan."
Nahihiyang ngumiti si Maxene."Salamat!Nagkikita pa ba kayo ni Dante?Hindi pa ko nakakadalaw sa kanila."
"Hindi pa din, busy kasi ko sa trabaho kaya di pa ulit ako nakakapunta sa kanila!Ahm..Maxene.."
MALAYO pa ay tanaw na ni Johny si Maxene, dahil nasa labas ito ng mall. Biglang nag-init ang kaniyang dugo.ng makita nitong may kausap na lalaki. Tila nakaramdam siya ng selos, napahawak.siya ng mahigpit sa manibela at nagmamadaling iginarahe ang kaniyang kotse.
"C'mon kids, bilisan natin kasi may asungot na kasama si mommy!" wala sa sariling nasabi niya sa kambal.
"Asungot?" tanong ng mga ito. Ngunit hindi na lamang siya nagsalita, hinawakan ang mga ito sa kamay at naglakad papunta sa kinauupuan nina Maxene. Napakunot noo si Johny ng marinig ang sinabi nito kay Maxene.
"Ahm...Maxene...Can I invite you for a Dinnner?"
"No!" si Johny ang sumagot niyon, napalingon naman si Maxene at Alex sa nagsalita.
"Jo--johny?" tumayo si Maxene at nabahala sa nakikitang galit sa mga mata ni Johny.
"Ako nga, where's Kathleen?" Nakakunot noong tanong pa rin nito.
"Ahm Johny, si Alex nga pala. Kaibigan siya ni Dante, Alex si Johny----And anak namin, si MJ and JM, say Hi to him sweetie.." pakilala ni Maxene dito.
"Hi po!" bati ng mga ito.
"Hello Kids!"Tumayo si Alex at ilinahad ang kamay sa harap ni Johny.
"Nice meeting you, pare!" Nabitin sa ere ang kamay nito. Tiningnan lamang iyon ni Johny at saka tumango. Tila napahiya naman si Alex at dahang-dahang ibinaba ang kamay.
Sa halip, hinawakan ni Johny si Maxene sa bewang at bahagyang hinila ito palapit sa kaniya. Tila gustong ipahiwatig nito kay Alex na siya ang nagmamay-ari kay Maxene. Napatingin naman si Maxene kay Johny sa iginawi nito.
"Where's Kathleen, sweetheart?" tanong ni Johny na parang wala doon si Alex.
"Ma-may bibilhin lang daw siya!" sagot niya dito. Tumikhim si Alex.

BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomansaIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...