Pagdating sa bahay nina Maxene, agad siyang nagbihis. Naiwan naman sa sala si Johny, Dandan at Aling Tina.
"Ikaw Dan, san mo balak mag-aral next school year?!"tanong ni Johny
"Diyan lang ho sa kabilang baryo kuya, malapit lang naman ho yun dito!". sagot naman ng kapatid ni Maxene. Tumango naman si Johny.
"Iho maiwan na muna kita, sumakit bigla ang ulo ko, magpapahinga lang ako!".biglang sabi ng ina ni Maxene.
"Ho?May gamit ho ba kayo diyan sa sakit sa ulo?." nababahalang tanong ni Johny at linapitan si Aling Tina."Dan, tawagin mo nga ang ate maxene mo at humingi ka ng gamot sa sakit ng ulo ni Nanay!"
"Opo kuya!"agad namang kumilos si Dandan at kinatok sa pinto ang kapati."Ate, ate.sumasakit na naman ang ulo ni Nanay!"sigaw ni Dandan mula sa labas ng kuwarto ni maxene.
Agad namang binuksan ni Maxene ang pinto.
"Ha?Sandali at titingnan ko sa kuwarto ni Nanay!"hinanap ni Maxene ang lagayan ng gamot ng kaniyang ina.Kinuha niya ito at pinainon ang kaniyang ina.
"Nay ito ho!Inumin niyo muna!"kinuha ito ni Aling Tina at saka ininom."Dalhin na kaya kayo namin nay sa ospital, namumutla ho kayo!".
"Hindi na anak,.sakit ng ulo lamang ito.Itutulog ko na lamang at panigurado bukas wala na ito.!" tanggi ni Aling Tina.Tumayo ito at inalalayan naman ni Maxene ang ina papasok sa kuwarto nito.
"Hindi ho ba kayo kakain muna ng pansit Nay?!"tanong ni Maxene.
"Hindi anak, busog pa naman ako!Kumain ako kanina bago tayo umalis!"nahiga na si Aling Tina.
"Magpahinga na ho kayo Nay, tawagin niyo lang ho ako kung may kailangan kayo!"Tango lamang ang sinagot ni Aling Tina at saka ipinikit ang mga mata. Bago lumabas ng kuwarto inayos muna ni Maxene ang pagkakahiga ng kaniyang at saka ito kinumutan.
"Kumusta na si Nanay Maxene?!"tanong ni Johny
"Natutulog na siya, pag bukas sumakit pa uli ang ulo niya dadalhin namin siya sa doktor sa ayaw at sa gusto niya.Napapadalas ang pagsakit ng ulo ni Nanay!" nag-aalalang sagot ni Maxene.
"Okey, tawagan mo lang ako at sasamahan ko kayo."Inakbayan ito ni Johny at saka hinalikan ang buhok ni Maxene."For now, patikimin mo na ko ng pansit at kanina pa nagugutom ang Bebelove mo,.uhmp.?!" sabay hawak ni Johny sa baba ni Maxene. Napansin ni Johny na nababahala parin si Maxene."Everything will be alright sweety, andito lang ako di ko kayo pababayaan, gusto mo dito pa ko matulog bantayn natin si Nanay!." sabay kindat ni Johny.Agad namang kinurot ito ni Maxene."Ouch sweety, masyadong madumi ang utak mo Maxene, uhmp.hahahahaha!" Lumayo si Maxene dito at nagpatiuna na sa kusina.
"Halika na nga, kumain na tayo!Mamaya san na naman mapunta sinasabi mo!" sabi ni Maxene.
"Hahahah.uh-uh..wala akong sinasabi, ikaw itong madumi mag-isip. Tell me sweety, ano ba nasa isip mo ha?!."linapitan ulit ito ni Johny at yinakap na magkaharap sila.
"Ewan ko sayo Mr.Agustin.Nasan na ba si Dandan ng makasabay na nating kumain!" sabi ni Maxene na pilit iniiwas ang mukha sa mukha ni Johny.
"Hahahaha..playing safe sweety?" at panakaw na hinalikan ito ni Johny.Hindi naman nakatanggi si Maxene at nagtagal ang halik na iyon.Naghiwalay lamang sila ng marinig nila si Dandan na tinatawag siya!Saka sumilip ito sa pinto.
"Ate, punta mo na ko sa kaibigan ko, nag-graduate din kasi kuya niya inimbitahan ako!Tawagin mo nalang ho ako pag nagkaproblema kay Nanay, saglit lang naman ako!'paalam ni Dandan.
BINABASA MO ANG
Started with a Text
RomanceIsang teknolohiya ang magsisilbing kupido ng dalawang pusong mag-iibigan. Magkaiba man ang mundong kanilang ginagalawan hindi pa rin mapipigilang paglapitin sila ng tadhana at pagtag-puin sila sa larangan ng usaping pagmamahalan. Hayaan niyong maiba...