Chapter 16

50 2 0
                                        

Mabilis na dumaan ang mga araw, naging masaya ang pagsasama nila. Kung susuruin, isang masayang pamilya ang makikita sa tuwing magkakasama sila.

"What's your plan para sa birthday ng kambal, Johny?" tanong ni Maxene isang umaga.

"Ikaw, anong gusto mo sweetheart?" tugon naman ni Johny dito.

"Gusto ko sana, yung tayo-tayo lang. First time nilang magbirthday na kasama ka, gusto kong maging espesyal ito sa ating lahat!"

"hmp..Why don't we celebrate it..sa beach!Sa Batangas, what do you think?"

"talaga?"

"ah-huh!"

"tiyak matutuwa ang mga bata." excited na turan ni Maxene.

BATANGAS, masayang naglalaro ang mga bata sa dalampasigan. Nakamasid sina Johny at Maxene.

"Sana ganito tayo lagi , Johny!" turan ni Maxene.

Inakbayan ito ni Johny. "Ofcourse sweetheart, mula ngayon sisiguraduhin kong magiging masaya kayong mag-iina sa piling ko. Susulitin natin ang mga araw na nasayang. " makahulugan itong tiningnan ni Johny. "At sa tingin ko sweetheart, ngayon na ang tamang oras para sulitin iyon."

Napakunot-noo si Maxene. "Johny...?"

"Kailangan nating magmadali sweety." yumakap si Johny mula sa likod."look at them, parang mas magandang tingnan kung may kasama pa silang batang naglalaro, much better kung kambal uli." hinalikan ni Johny ang batok ni Maxene. Ikinakiliti nito iyon at napakislot.

"Johny..."

"hmmp..yess sweety?Is that a yes?"

Humarap dito si Maxene at hinaplos ang mukha ni Johny. Saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Ano pang hinihintay mo?Bakit di mo pa simulan?"

Hinawakan ni Johny ang batok nito at saka marubdob na hinalikan sa mga labi si Maxene. "Isa kang magandang parusa sweetheart, alam mo ba yun, hmmp..?" turan nito sa kabila ng kanilang paghahalikan. "At isang napakatamis na parusa ang gagawin mo sa'kin ngayon. Dahil kong hindi..." pababa sa leeg ni Maxene ang halik nito. "dahil kung hindi, ako ang magbibigay sayo ng parusa na hinding-hindi mo makakalimutan. " saka kinuyomos muli ni Johny ng halik ang mga labi nito. Halos makalimutan nilang nasa veranda lamang sila ng cottage. Naputol lamang ang halik na iyon ng may magsalita mula sa likod nila.

"Johny!" napatigil sila at gulat na napalingon sa nagsalita.

"Ye--yes ma?" turan niya habang yakap si Maxene. Ng tingnan nito si Maxene ay namumula pa ang pisngi nito. Kinurot niya ng bahagya pisngi nito.

"Iho, birthday ng anak mo ngayon.Kaya saka na ang honeymoon niyong dalawa. Dalhin mo si Maxene sa magandang lugar na kayong dalawa lang.How unromantic!" saka ito tumalikod. "Sumunod na kayo sa'kin, nakahain na ang mesa at excited na ang dalawang bata sa cake nila." Nagkatinginan silang dalawa at napangiti. Anyong hahalikan muli ito ni Johny ng magsalita muli ang kaniyang mama. "Johny, pakawalan mo na muna si Maxene." at naglakad na ito palayo sa kanila.Napakamot na lamang sa ulo si Johny at magkahawak kamay na sumunod dito.

"Bakit ba lagi na lang bad timing sila?Nakakabitin na ha sweety!" turan ni Johny habang naglalakad. Napangiti naman si Maxene at humawak sa bewang nito.

"mommy,daddy!" nagtatakbong salubong sa kanila ng kambal. Tig-isa nilang binuhat ang mga ito.

"Look mom, may cake po kami." si JM

"mag-boblow the candle po kami." sabi naman ni MJ

"Happy Birthday kids, love na love kayo ni mommy at daddy!" turan ni Maxene sa mga ito.

"Anong gusto niyong gift sweethearts?"tanong naman ni Johny.

"Baby sister will do, Dad!" sabi ni MJ

"No!Baby boy, Dad!Para may kalaro po ako ng mga toys ko!" sigaw naman ni JM.

Nagkatinginan sina Maxene at Johny. "Panu ba yan sweetheart, sila na mismo nag-request!Simulan na natin mamaya!"bulong ni Johny at pasimpleng kumindat dito. Kinurot ito ni Maxene.

"Dad?" agaw pansin ni JM

"Hmp.?Yes buddy?"

"I want a baby boy, Dad!" ginulo ni Johny ang buhok nito.

"Ok. Baby boy is coming!" makahulugang sagot ni Johny.

"me too Dad, a baby girl!" sigaw naman ni MJ

"Ofcourse sweety.!"

"Yehey!Yehey!" sigaw ng mga ito.

"Aba, ang saya-saya ata ng mga.cute kong pamangkin ah!" sabi ni Kathleen ng makalapit sila sa mga ito.

"'course Tita Kath, magkakaroon na po ako ng baby boy na kapatid!" masayang turan nito.

"and also a baby girl!" sabi naman ng isa.

"Ha?Buntis ka Ate Max, agad-agad?Kambal ulit?" gulat na tanong ni Kathleen dito.

"Utak mo Kath, tabingi!" sabi naman ni Johny.

"Ha?" hinawakan ni Kathleen ang ulo nito at tuwid na tumingin dito. "Di naman ah!" binatukan ito ni Johny. "Ouch!Ano ba kuya!Nagtatanong lang eh"

"Pano mabubuntis yang si Maxene eh asungot kayo ni mama!" sabi ni Johny dito.Napangiti si Maxene at umupo sa tabi ng kaibigan.

"Aba!Ba't ako sinisisi mo Kuya?Kasalanan ko ba kung mahina ka at uugod-ugod na?Ang sabihin mo mahina na kasi tuhod mo!" pang-aasar ni Kathleen dito.

Hinila ni Johny si Maxene at pinaupo sa tabi niya. "Dito ka maupo swwetheart. Huwag ka tumabi sa baliw na yan, baka mahawa ka!Sabihin mo nga sa baliw na yan sweetheart kung ga'nu ko kalakas at kayang kayang gumawa ng kambal kahit isang dosena pa!" kinurot ito ni Maxene.

"Sira!Magkapatid nga kayo!" tatawa-tawa lamang ang magkapatid.

"C'mon kids, blow the candle na dali...!" sigaw ng mama nila. Masayang nagsalapit ang kambal. Kinantahan nila ito ng Happy Birthday at saka hinipan ang kandila ng kambal.

Masayang pinagsaluhan nila ang nakahandang pagkain.

Masayang-masaya ang kambal at ganoon din si Maxene. Tuminginn siya kay Johny.

"Thank You!" mahinang sabi niya dito.

Yinakap siya ni Johny. "Sa'yo ko.dapat magpasalamat Maxene, hindi mo alam kung ganu ko kasaya ngayon. Ito ang araw ng ipinanganak mo sila at wala ako sa tabi mo ng mga oras na yun!Pero sisiguraduhin kong araw-araw akong nasa tabi mo para maramdaman mo kung ganu kita kamahal at kung ganu ko nagpapasalamat na dumating kayo sa buhay ko.Wala man ako sa tabi mo nung araw na yun, masisiguro ko namang kasama nila ko sa paglaki, pagbibinata at pagdadalaga nila." masuyo itong tinitigan ni Johny. "I love you sweetheart!"

"Mahal din kita Johny,.higit pa sa buhay ko!"

Ngumiti si Johny.Buong alab siya nitong hinalikan hanggang pareho silang kapusin ng hininga.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon