(Y)

78 1 5
                                    

Nagising si Maxene sa tunog ng kaniyang cellphone, nakapikit na kinapa niya ito.

"Hello?!" inaantok pang sagot ni Maxene

"Wake up sleepy head!"sabi ng nasa kabilang linya at napadilat ang mata ni Maxene ng marinig niya ang boses ng nasa kabilang linya at napabangon siyang bigla.

"Oh my God!Anong oras naba Johny, kararating mo lang ba?!" wala sa sariling tanong ni Maxene.

"Nope sweetheart, kakagising lang!"

"what?nakatulog ka habang nagdadrive?!" nag-aalalang tanong ni Maxene.

"hahahaha...still dreaming sweety?umaga na, bangon ka na diyan oh baka gusto mo puntahan kita diyan at bubuhatin kita palabas ng kuwarto mo, uhmp sweety?!" nangingiting sagot ni Johny

Tiningnan ni Maxene ang kaniyang relo at nagulat ito dahil umaga na pala.Ibig sabihin nakatulog siya habang naghihintay sa tawag ni Johny kagabi.

"Oww,,sorry Bebe ko, nakatulog ako kagabi.Di ko na nahintay tawag mo, anong oras ka ba nakauwi?!" sunod-sunod na tanong ni Maxene.

"hahaha.it's okey sweety, alam ko naman na napahimbing ang tulog mo dahil sa kiss ko eh!".

"Oh wait Johny, maya ka nalang ulit tumawag ha?malilate na ko, sige bye BebeQ!, mwah.mwah.I love you.!" at mabilis ng pinindot ni Maxene ang end button. Nangiti na lamang si Johny sa katarantahan ni Maxene. Naisipan niyang daanan ito sa kanila bago siya tumuloy sa opisina.

Nasa labas na si Maxene at nag-aabang ng masasakyan ng makita niya ang paparating na sasakyan ni Johny.Huminto ito sa tapat niya at mula sa driver side ay lumabas ito.

"Ang ganda naman ng sweety ko lalo na sa umaga!" lumapit ito kay Maxene, yumakap at dinampian ito ng halik sa labi.

"Johny?may mga nadaan oh, pinagtitinginan tayo!" sabi naman ni Maxene.

Tumingin naman si Johny sa paligid at saka humarap muli kay Maxene ng nakayakap. "eh ano naman kung nakatingin sila, gusto mo buhatin pa kita.!" anyong bububahatin nga siya ni Johny ngunit umiwas siya.

"Johny?!"reklamo ni Maxene "Ba't ba dumaan ka pa dito eh malilate ka sa trabaho mo!"

" I'm the boss remember, sweety?hmp?!" pagyayabang ni Johny

"weehh yabang, tara na nga hatid mo na ko, ako ang malilate sayo eh, kanina pa nagtetext sakin kapatid mo, ba't wala pa daw ako.!"

"Okey my princess!Let's Go!Asan nga pala sila nanay?!"

"Maagang umalis si Nanay si Dandan naman pupunta dun sa munisipyo, may lalakarin.!"

Sumakay na sila sa kotse at ilang saglit pa ay nasa campus na sila.Nasa gate na si Kathleen at hinhintay siya.

"Naku, kaya naman pala nalate eh, inistorbo mo na naman Kuya eh!".tudyo ni Maxene. Lumapit ito kay Maxene , humalik sa pisngi at sumunod ay sa kuya niya, yumakap siya sa kaniyang Kuya.

"Ang aga Kathleen Faye para mang-asar!" sabay gulo ni Johny sa buhok ni Kathleen.

"Kuya naman eh!" maktol naman ni Kathleen

"Okey Ladies, pasok na kayo sa loob!" Hinila nito ng bahagya si Maxene palapit sa kaniya. "Let me hug and kiss you sweety!" saka hinalikan nito si Maxene.

"Naku, linalanggam ako dito!Tara na Ate Kath!" at saka hinawakan ni Kathleen ang kamay ng kaibigan ngunit di naman binitawan ni Johny ang isang kamay nito.

"I love you sweety, susunduin kita maya ha?Huwag kang sasama sa brat na yan!" at mabilis na dinampian siya nito ng halik sa labi.

"Love you too Johny, ingat sa pagmamaneho!" turan ni Maxene

"Naku awat na, di kayo matatapos sa pagpaalam eh, kala niyo naman mag-aabroad ang isa!At saka ikaw kuya kanina ka pa halik ng halik diyan kay Ate Max, mamaya pangalan mo at lasa ng halik mo isagot niyan sa test paper.Hala! Gora ka na Big Bro! Byeee...!..." at hinila na ni Kathleen ang kaibigan. Napangiti na lamang si Maxene at Johny.

Naging madali para kay Maxene ang exams nila dahil noon pa man ay pinag-aaralan na niya ito at gabi - gabi siya kung magreview.

Samantala sa opisina nina Johny at Brent.

"Mukhang seryoso ka na Johny ah, nasan na ang yabang mo noon na MASARAP MAGING SINGLE?hahaha...tinamaan ka na pare!" turan ni Brent sa kaibigan. Napailing naman si Johny at saka ngumiti.

"I love her pare, hindi ko kakayanin na mawala siya sa buhay ko!" madamdamin namang tugon ni Johny. Inakbayan naman ito ni Brent

"I know pare, kaya ngayon pa lang ayusin mo na ang problema mo kay Ysabel, baka yun pa ang sumira sa pagmamahalan niyo!" sabay kindat nito.

"Matagal ng alam ni Ysabel ang estado namin Brent, at kahit kailan di ko siya pinaasa o binigyan ng pag-asa!"

"Okey!pinapaalalahanan lang kita! Maiba nga pala tayo pare, malapit na pala itong magtapos si Kathleen ano?Sa tingin ko naman eh pwede na tuparin yung pinag-usapan natin!" nakangiting saad ni Brent

Biglang sinikmuraan ng mahina ni Johny si Brent. "Ulol!magtatrabaho muna yun, saka mo na siya harapin ng matuto sa buhay!" sagot ni Johny.

"Pare naman, tumatanda na ko!" pangungumbinsi pa ni Brent.

"Hahaha..No way pare, hintayin mo muna makasal kami ni Maxene!".

"Your getting married pare?talaga?kelan?!"nagulat na tanong ni Brent

"After her graduation, magpopropose na ko sa kaniya, sa ngayon wala pa siyang alam kaya itikom mo bibig mo pare kung ayaw mong mabadshot sa kapatid ko!" pabirong banta ni Johny

Sumenyas naman si Brent na parang zinipper ang bibig!At pakatapos ng ilang kwentuhan pa nila ay nagsimula na silang magtrabaho.

Biglaan ang pagkakaroon ng meeting nila Johny kaya tinawagan niya si Maxene na hindi ito masusundo. Naintindihan naman ito ni Maxene.

-----------------------------------------------------

Brent and Kathleen Story next na po after ng kanila Johny and Maxene...

#HDsaKapatidngBestfriendKo!

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon