Part 61

66 1 0
                                        

Halong isang oras na si Maxene sa liblib na lugar na iyon. Halos isang oras na ding basa ang kaniya suot. Pakatapos niyang tawagan si Johny ay lumabas siya saglit para mag-abang ng dadaan. Ngunit dahil na rin siguro sa sama ng panahon, walang masyadong bumibyahe. Nagdesisyon siyang sa loob na lamng manatili. Dahil sa ginaw na nararamdaman, hindi siya mapakali.Yumuko siya sa manibela at namaluktot, dahil na rin siguro sa pinaghalo-halong sakit ng ulo, pananakit ng katawan ginaw na nararamdaman ay hindi na naman.niya namalayang nakatulog siya.

PALINGON-LINGON sina Johny at Kathleen sa kalsada. Sa lakas ng ulan at dilim ng paligid ay nahihirapan siyang makapagpatakbo ng mabilis. Halos 2 oras ang biniyahe nila.bago marating ang boundary ng San Ignacio. Malapit na sila doon ng mamataan niya ang sasakyang nakahinto sa gilid ng kalsada.Nakilala agad niyang ito ang kotse ni Maxene. "Maxene!".naisatinig niya. Kahit delikado ay binilisan niya ang takbo at ilang saglit pa ay nasa tabi na siya ng sasakyan nito.

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at ininda ang malakas na buhos ng ulan. Walang ilaw sa loob ng sasakyan nito at ipinagpasalamat niya na hindi tented ang sasakyan nito. Sinilip niya ito sa loob,."SHIT!" napamura niyang sabi."I told you not to sleep Maxene!" Tinatawag niya ito mula sa labas ang kinakatok ang bintana ngunit hindi man lang ito nagigising.Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit naka-lock iyon. Kinakabahan na siya sa nangyayari. Bumalik siya sa kaniyang sasakyan.

"Si ate Maxene, kuya?"

"Nasa loob ng kotse!Nakalock ang pinto at tulog siya!Shit!Nasaan na ba ang letseng tubo na iyon!" natutuliro ng sambit ni Johny. Tumulong na si Kathleen sa paghalungkat ng gamit niya sa loob. Ng wala pa ring mahanap ay bumalik siya sa kinaroroonan ni Maxene. Hindi na.siya nagdalawang - isip pa. Maingat niya binasag ang salamin ng kotse nito sa pamamagitan ng kaniyang siko. Nagpasalamat siyang nakayuko si Maxene kaya sa gilid ng bintana ang binasag niya. Nabasag iyon at ipinasok niya ang kaniyang kamay para abutin ito. Wala siyang pakialam kung magkanda-sugat-sugat ang kamay niya!

Nabuksan iyon ni Johny. "Maxene?.." masuying tawag niya dito ngunit nanatili itong nakayuko! Nang hawakan niya ito at maingat na inayos ang pagkakaupo."Shit!" napapamura na namang turan niya. Mainit na mainit ito at namumutala at nanginginig ito. Basa ang suot nitong damit, binuhat niya agad ito.Nakita niyang dumilat ito ng kaunti.

Ngumiti ito ng tipid. "T-thanks God! You-your here Jo-johny!I-i thought di ka na--- da---rating pa" narinig niyang turan nito sa mahina at namamaos na boses. Hinawakan nito ang kaniyang mukha.

"Ssssh...It okey sweetheart!" masuyo niyang turan nito at pinunasan ang butil butil ng pawis nitong noo. Saka ipinikit ulit nito ang mga mata at lumaylay ang mga kamay.Ng makita ang bag nito sa upuan ay kinuha na din niya iyo at maingat na ilinabas sa sasakyan. Kinuha ang susi ng kotse, linock at isinara sa pamamagitan ng kaniyang paa.

"Anong nangyari sa kaniya kuya?"turan ni Kathleen ng makitang buhat nito si Maxene. Binuksan niya agad ang pinto ng kotse sa likod at doon pinasok ni Johny si Maxene. Sinalat ni Kathleen ang noo nito.

"God,ang init niya.Mataas ang lagnat niya.!" turan ni Kathleen. Hinubad ni Johny ang kaniyang jacket at isinuot.iyon kay Maxene.

"Hold her Kath, dito ka na maupo!" utos niya sa kaniyang kapatid. Agad namang tumalima ito.Pinaandar na ni Johny ang sasakyan at patingin-tingin sa salamin para tingnan ang kalagayan nito.

"Dadalhin na ba natin siya sa ospital , kuya?".tanong ni Kathleen.

"No!Tawagan mo si Mama, sabihin mong tawagan ang family doctor natin at papuntahin sa bahay ngayon din!" agad namabg sinunod iyon ng kapatid.

Ang kaninang 2 oras na biyahe ay nagawa niyabg isang oras, dahil na rin sa humina na ang buhos ng ulan at binilisan niya ang pagpapatakbo. Nakaabang na ang kanilang mama at doktor. Maingat niyang binuhat si maxene at dinala ito sa kaniyang kuwarto.

"What happened to her, iho!" narinig niyang tanong ng kaniyang mama ngunit nagmamadali siyang maiakyat ito sa kaniyang kuwarto. Nakasunod sa kaniya ang doktor at sina Kathleen. Tiningnan ito ng doktor.

"Huwag kang mag-alala iho, she's gonna be okey! Nilagnat siya dahil naulanan at hinayaang mababad ng lamig ang katawan nito. Ang mabuti pa bihisan mo siya para hindi na tumaas pa ang kaniyang lagnat. Reresetahan ko na lang siya ng gamot!Punasan mo na rin ng maligam-gam na tubig!" tumango si Johny ." Then, pag di pa bumaba ang lagnat niya bukas tawagan mo na lang ulit ako!Huwag mo na lang hayaang matuyuan siya ng pawis ngayon.!" ilang saglit pa at nagpaalam na ito. Inutusan niya si Kathleen na ikuha ito ng damit sa kuwarto nito at kumuha na rin ng maligamgam na tubig.

Pagbalik ni Kathleen ay may bitbit na itong maligam-gam na tubig at bihisan nito.

"Tulungan na kita, Kuya!" boluntaryo niyo.

"Kaya ko na 'to Kath, kumusta mga bata?"

"They're okey, mahimbing ng natutulog!Are you sure, kaya mo na kuya?".

Tumango si Johny. "Magpahinga ka na rin,.ako ng bahala sa kaniya!" nagpaalam na si Kathleen at sinimulan na ni Johny na punasan.ang buong katawan nito ng maligam-ligam na tubig at dahang-dahang binihisan ito.

Tapos na niya itong bihisan, kinumutan niya ito. Ngunit nanginginig ito sa lamig.

"Jo-johny, hu--wag mo kong i--wan!" narinig niyang mahinang turan nito na nakapikit pa rin ang mga mga nito. Umupo siya sa tabi nito at masuyong hinaplos ang ulo nito. Ng maramdaman nito iyo ay nagsumiksik ito sa tabi niya. Dahil doon, nahiga na rin si Johny sa tabi nito at naramdaman niyang si Maxene ang kusang yumakap sa kaniya! Pinaunan niya ito sa kaniyang balikat na lalong naging dahilan upang lalo itong sumiksik sa kaniya, tila nakaramdam ito ng init na nagmumula sa kaniyang katawan. Yinakap niya ito ng mahigpit at hinahalik-halikan ang noo nito. Hanggang ilang saglit pa at naramdaman niyang mahimbing na itong natutulog.

"Mahal na mahal kita Maxene!" dinampian niya ito ng halik sa labi.Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at natulog na rin. Paminsan-minsan nagigising siya sa ungol nito at sa tuwing pupunasan.niya ito ng pawis. Pero nanatili itong nakayakap sa kaniya sa buong magdamag at ganun na rin siya.

Started with a TextTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon